You are on page 1of 1

Tekstong Argumentatibo

“Paglihis sa Layunin ng Catch-Up Friday: Mga Negatibong Epekto nito sa Pamantayan ng Edukasyon”

Ang inisyatiba ng "Catch-Up Friday" ay nag-aalok ng bagong diskarte sa pagharap sa mga gaps sa
pag-aaral sa edukasyon, na tumutugon sa kamakailang pagbaba ng mga kasanayan sa pagbabasa ng mga
kabataang Pilipino. Kasunod ng mababang ranggo ng Pilipinas sa OECD student assessment, inatasan ni
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na itaas ang mga
pamantayan sa pagkatuto. Ito ay humantong sa paglulunsad ng "Catch-up Fridays" noong Enero 12, na
naglalaan bawat Biyernes sa pagbabasa, pagpapahalaga, kapayapaan, at edukasyon sa kalusugan. Inilalarawan
ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang Catch-up Friday bilang isang mekanismo para palakasin ang
foundational, social, at relevant skills sa curriculum. Gayunpaman, ang pagpapatupad ng bagong diskarte na
ito ay maaaring hamunin ang mga guro na ayusin ang kanilang mga plano sa aralin at magbigay ng
karagdagang materyales sa pag-unlad ng mag-aaral sa mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat.
Matapos lamang ang ilang buwan ng pagpapatupad, naging mahirap ang hamon sa mga guro sa
pampublikong paaralan dahil sa pagpapatupad ng "Catch-Up Fridays" ng Department of Education (DepEd).
Maraming mga guro ang gumagastos ng kanilang sariling pera sa mga materyales sa pag-aaral at mga
insentibo upang hikayatin ang pagdalo ng mga estudyante sa mga sesyon na ito. Sa karagdagan, ang Teachers’
Dignity Coalition (TDC) at ACT Teachers party-list ay nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa pinansiyal na
pasanin sa mga guro at ang kakulangan ng suporta mula sa DepEd para sa mga kinakailangang
mapagkukunan. Hindi mapagkakaila na marami ang naidudulot na komplikasyon ang Catch-Up Fridays sa
academic curriculum kagaya na lamang ng pagikli ng mga araw na nilalaan sa pagtatalakay ng mga aralin
dahil tuwing Catch-Up Friday ay tanging pagpapabasa at ibang layunin ang sinusunod sa paaralan.
Pangalawang negatibong epekto nito ay ang pagliban ng mga estudyante sa eskwelahan tuwing Biyernes
sapagkat tinatamad na lamang sila dahil hindi naman nabibigyan ng marka ang mga estudyante sa
inisyatibong ito batay sa DepEd Memorandum Enclosure No.10. Higit sa lahat, parte ng layunin ng Catch-Up
Fridays ay paglalaan ng mga materyales sa pagbabasa ngunit hindi naman nito sagot ng DepEd kaya
nahihirapan ang mga guro na sundin ang layunin ng inisyatibong ito dahil nagagmit nila ang kanilang personal
na pera (DepEd Memorandum Enclosure No. 2 & 11).
Bagama’t kamakailan pa lamang ang pagtataguyod ng Catch-Up Fridays, marami na agad itong
naidudulot na negatibong epekto sa mga guro at estudyante. Dahil sa nagiging epekto nito, maaaring hindi
magtagumpay ang layunin ng DepEd kung hindi nito papanagutan ang mga isyu.
Sa madaling salita, ang mga negatibong naidudulot ng Catch-Up Fridays ay nakapagpapababa ng
tyansa sa tagumpay ng layunin ng DepEd. Nahihirapan ang mga guro dahil sa kakulangan ng suporta at
kawalan ng partisipsyon ng mga estudyante. Kung ipagpapatuloy ang mekanismong ito ay mas mahihirap
lamang ang mga tao sa larangan ng edukasyon at maaaring maapektuhan ang akademikong kurikulum dahil sa
pagka-ipit ng mga aralin at mas lalong bababa ang pamantayan ng edukasyon sa Pilipinas. Naghihikayat ito
ng mas ipinatatag na suporta at pakinggan ang mga puna ng mga guro sapagkat sila ang nagsisilbing tulay sa
implementasyon na ito. Kung ang rason sa likod ng implementasyon na ito ay ang pagbaba ng pamantayan ng
literatura sa bansa, dapat ay ang mga layunin ay dapat na makatotohanan at magagawa sa kasalukuyang estado
kagaya ng pagbibigay ng suporta sa upang maisagawa ng epektibo ang layunin ng Catch-Up Fridays.

You might also like