You are on page 1of 3

PAGKAKAKILANLANG KULTURAL

 Heograpiyang pantao ang pag-aaral ng mga tao ng daigdig- kung paano sila namumuhay at kung
paano ang kanilang mga aktibidad ay nag-iiba saang lugar sa ibang lugar

 Kultura tumutukoy sa lahat ng kabuuang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao na


magkaka-bahagi sa magkatulad na paniniwala at kaugalian. (Materyal at Di-materyal)

- Multicultural or multiethnic ang isang bansa kung ang naninirahan dito ay binubuo ng mga tao
mula sa iba't ibang kultura.

 Cultural Region- saan ang mga tao ay maaaring magkakabahagi sa ilang katangiang kultural.
Onangingibabaw ang isang partikular ng kultura sa rehiyon.

(Ang cultural diffusion ay ang paglaganap ng mga elemento ng kultura at ideya mula sa isang lipunan
patungo sa iba).

 Nahati ang mga wika sa daigdig sa 12 pangunahing pamilya ng wika.

Kabilang sa walo dito ay ang:


Indo-European, Afro-Asiatic , Dravidian, Japanese At Korean , Austronesian , Sino- Tibetan , Austro-
Asiatic, At Uralic-Altaic.

 Ang diyalekto ay isang rehiyonal na uri o version ng isang wika.

(50% ng mga tao sa daigdig ay nagsasalita ng wikang nagmula sa pamilyang Indo-European)

 Mandarin chinese ang nangunguna na wika na sinasalita ng pinakamaraming tao sa daigdig.

 Ang pangkat etniko ay ang pamayanan ng mga tao na nag-ookupa sa isang teritoryo na may
magkakatulad na pamanang kultura , sariling wika , at nagiisang ninunong pangkalahatan.

POPULATION DENSITY
Population density- ay ang pagsukat sa bilang ng tao na naninirahan sa isang lugar.

 Singapore ang namumuno sa Asya na pinaka-siksikang bansa na may population density na


8,103 katao sa bawat kilometro kwadrado.
 Mongolia naman ang naitala ng pinaka-maluwag sa Asya at sa mundo na mayroong ng
population density na 1.9 tao sa bawat kilometro kwadrado.
 Ang birth rate- ay ang bilang ng ipinanganak na bata sa isang taon sa bawat 1,000 katao.
 Death rate- ang bilang ng tao sa bawat 1000 katao na namamatay sa bawat taon

(Bumababa ang great at higit na humaba ang buhay ng tao o life expectancy.)

 Ang life expectancy- ay ang bilang ng taon ng isang kapapanganak ay inaasahang mabubuhay ayon sa
kasalukuyang antas ng kamatayan.

(Kapag higit na humaba ang buhay ng tao, bumababa ang death rate na nagbubunga naman ng higit
na mataas na populasyon.)

Migrasyon- ay ang proseso ng paglipat mula sa isang lugar upang manirahan sa ibang lugar.

- Emigrants ang tawag sa mga tao na umaalis sa kanyang sariling bansa upang lumipat sa ibang
lugar.

- Immigrants naman ang tawag sa kanya sa bansang lilipatan.

Ang sanhi ng migrasyon ay may dalawang salik:

Push factor- ay ang dahilan at sitwasyon sa loob ng bansang iiwanan na nagtutulak sa tao na lumipat
upang manirahan sa ibang lugar.

Pull factor- ay pang akit ng lugar na lilipatan na naging dahilan ng ibang tao mula sa ibang lugar na piliin
lumipat at manirahan dito.

 GDP or gross domestic product ay ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na nilikha sa isang
bansa sa loob ng isang taon.

MGA UNANG BAYAN SA ASYA


Noong 6000 BCE, kauna-unahang bayan sa daigdig ang umusbong sa Asya.

 Kabilang sa mga maituturing na bayan at hindi lamang ng maliit na nayon ay ang Jericho.
Naitatag ang jericho na malapit sa isang bukal na tubig na ginagamit ng mga magsasaka sa
irigasyon ng mga sakahan noong 7000 BCE.
 Itinuturing ang Catal Huyuk (forked mound) bilang pinakamalaking neolithic site na natagpuan
ng mga arkeologo.
 Sa maraming permanenteng paninirahan naitatag sa sinaunang china ang Banpo.
 Kauna-unahang siyudad sa daigdig ang Uruk. Naitatag noong 3000 BCE sa Sumer o
Mesopotamia.
Hango ang termino ng sibilisasyon sa salitang latin na civitas na ibig sabihin ay "siyudad" at civilis na
nangangahulugang naman "ng mga mamamayan".
- Dahil dito lang ang kahulugan ng sibilisasyon ay " masalimuot at organisadong uri ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan na bunga ng paninirahan sa siyudad".

ANG PINAGMULAN NG MGA UNANG TAO SA ASYA AT DAIGDIG


Ang mga fossil at artifact na nahukay sa iba't ibang bahagi ng mundo ay ang ginagamit na pangunahing
ebidensya sa pinagdaanang ebolusyon ng tao.

Fossils- ay ang anumang tigas na labi ng mga halaman hayop at tao.

Artifacts- ay ang anumang mga kasangkapang ginamit ng tao.

Dalawang aspekto ng ebolusyon:

 Ebolusyon biyolohikal- pangunahing ginagamit na batayan sa pagtaya sa pag-unlad na physical ng tao


ang pagbabago sa ilang bahagi ng katawan gaya ng laki laki ng bungo at utak at ang pagbabago sa hugis
at sukat ng ngipin kamay at daliri.
 Ebolusyong kultural- pagbabago sa kanyang pamumuhay na masasalamin sa mga kasangkapang
kanyang ginamit.

Teorya Ng Ebolusyon ni Charles Darwin


noong 1859- tila isang hagdan ang
pinagdaanang ebolusyon ng mga unang
tao kung saan nagsisilbing pundasyon
ang ninunong ancestors at ang mga
homo sapiens ang nasa pinaka tuktok.

(Hominid- pangkalahatang katawagang


ibinigay ng mga siyentipiko sa mga
unang tao at iba pang nilalang na mala
tao na naglalakad ng tuwid noong
panahong prehistoriko.)

Apat na pangunahing pangkat ng


ebolusyon:

Sahelanthropus, Ardipithecus,
Australopithecus, at Homo.

(Sa yugto ng homo ay naging tunay ng


tao at wala ng katangian ng pagiging
isang mala bakulaw. )

(Tao ang kahulugan ng homo sa wikang


latin.)

Ang homo ay unang nabuhay sa Africa


2.4 million years na ang nakalipas.

You might also like