You are on page 1of 1

(Wala po kaming magasin o artikulo sa bahay kaya nagbasa nalang po ako sa Google News)

PAGTAAS NG BILANG NG TEENAGE PREGNANCY


Ang artikulong ito ay isa sa mga kontemporaneong isyu sa na
nagaganap hindi lamang sa ating bansa kundi sa ibang parte na ng mundo.
Maituturing ang teenage pregnancy bilang isang malaking problema
na pinaguusapan ng mga netizens. Kung bakit ito naging usap-usapan lalo
na sa media ay malaking pag-aalala ang dating nito sa mga kabataan
mapa-dalaga o binata. Bakit? Sapagkat ang isyung ito ay nagsasanhi ng
maraming suliranin sa ating lipunan. Isa na dito ang 'poverty' o kahirapan
na hindi pa nasosolusyunan ng ating bansa marahil ay dahil sa mga inuuna
nitong suliranin kagaya ng COVID-19.
Ngunit ayon sa artikulong aking nabasa,isa sa mga sanhi ng teenage
pregnancy ay ang intense lockdown nitong pandemic. Ayon sa survey,
mataas ang bilang ng mga batang nabubuntis na meron kasintahan ngunit
kung sa ganon, marami rin ang katanungan ukol dito katulad ng pagkwe-
kwestyon ng netizens kung pinapalabas ba nila ang kanilang mga anak sa
gitna mg pandemya? Isa rin sa mga resulta ng isyung ito ay ang posibilidad
ng single-parent isyu na sa kabilang palad ay hindi sana muna ito pinag-
uusapan kundi respetuhin na lamang.
Ang pinaka-malaking problema dito ay hindi lamang ang kawalan ng
disiplina kundi ang kakulangan ng edukasyon sa mga kabataan kung ano
nga ba ang gawaing kanilang isinasalang-alang. Ang problema ay ang
kawalan ng sex education at ang solusyon ay ang pagkokonsidera sa sex
education sapagkat tama lamang na mabigyan ng kaalaman ang mga
kabataan upang matanong din nila ang kanilang sarili kung “tama ba ito?”
sa halip na mapa-isip sa huli kung “handa na ba akong harapin ito?”. Hindi
ito sa sinasabing buong mali ang gawaing ito ngunit dahil hindi pa sila nasa
tamang-edad o tamang pwesto para gawin ito, isa pa rin itong isyu na
matatawag nating kaabala-abala at uri ng isyu na sa kasulukuyang
nagbibigay ng kwestyon sa madla, nagiging pala-isipan ng kabataan, at
higit sa lahat ito ay isyu na naaapektuhan tayong lahat kung kaya dapat ito
pagaralan ng mabuti upang tayo ay maging mulat sa kasulukuyang
kaganapan.

You might also like