You are on page 1of 2

Dramatikong Scotland, ang bansang binabalik-balikan

Mala-mapanahong tanawin na tila ba ika’y nakapaloob sa isang


epiko, matataas na kastilyo, at dramatikong mga bundok – lahat ng ito
ay makikita mo sa bansang ‘Scotland’. Sikat ito sa mga distillery,
kultural at masayang musika, nakakamanghang berdeng tanawin, at
malalwak na lupain. Karamihan sa mga destinasyon dito ay ginagawang
tagpuan sa mga pelikula na karamihan ay tungkol sa mga hari at reyna,
at mga monarkiya dahil na rin sa kastilyo dito na sikat sa mga tao bilang
pag-ganap ng kilalang adaptasyon ng pamumuno ni Mary, Queen of
Scots, at ang pelikulang ‘Harry Potter’. Dahil sa pag-ganap ng mga
pelikula sa Scotland ay mas nakilala ang kultura dito lalo na ang mga
malalawak at dramatikong kabundukan kung saan pinapagitna-an ng
mga ilog at komunidad ay mas lalo itong napreserba gayundin ang
kultura at tradisyon dito tulad ng kanilang pagsayawan at musika.
Sa Highland kung saan nakatayo sa mga kabundukan, uso dito ang
pagsuot ng mga ‘lace at ruffles’ na pinapars ng ‘kilt’ na say ana
isinusuot ng mga lalake kaya kaya naman kilala rin ang Scotland dahil
sa kanilang pagdadamit. Sa Scotland lang din matatagpuan ang Scotch
‘Malt’ Whiskey na nagpapakilala sa bansang ito sa buond mundo dahil
na rin sa napaka-raming distilleries dito. Ngunit hindi lamang kultura at
tradisyon ang magdadala sayo rito kundi ang mga masayahin at
marespetong tao dito. Ayon sa mga turista na mula sa Scotland, ang mga
mga Scottish raw ay masayahin at marespeto dahil na rin sa
impluwensiya ng magandang pamumuno dito katulad sa England.
Masaya silang sumasagot sa mga turista at mas natutuwa kapag pinupuri
ang kanilang bansa. Dahil dito ay mas dumarami ang mga turistang
bumibista sa bansang dahil sa mga magandang tanawin at magandang
ugali ng mga tao. Higit pa rito ay tiyak na mag-eenjoy ka dahil sa
makulay nilang tradisyon at sining. Hindi ka rin mahihirapan makipag-
halubhilo sapagkat tulad nating mga Pinoy ay pala-kaibigan din ang mga
tao rito kaya hindi mahirap mawala o magtanong kaya naman
nakakatuwa talaga at hindi mo mararamdaman ang takot sapagkat
parang nasa Pinas ka pa rin kung tratuhin ng may galak at saya.

You might also like