You are on page 1of 8

BASED ON THE WORD LULAN

Babalik-balikan kita
Bicol, aking lupang tinubuan
Paalam na,
Hindi ko sasabihing
Hinahanap hanap kita
Iiwan na kita
Hindi ko sasabihing
Gusto kita muling makita.
Oo, mabigat sa aking dibdib
Na mapalayo sa iyo, bayan ko
Pero wala akong magagawa
Kailangan kong lumisan

Ako'y aalis sa lugar na bumuo sa kung sino ako ngayon,


Oo, Ikaw ay humulma sa aking pagkatao mula pa sa’king pagkasanggol
Oo, Ipinakilala mo ako sa iyong makulay at mayamang kultura
Napakadali mo atang kalimutan
At Napakadali mo atang iwan

Kasinungalingan kapag sinabing kong


Dahil Nag-uumapaw ang pananabik sa iyong kagandahan
Ay lubos na ninanais na muling makabalik sayo, Bicol
Ang totoo’y
ayaw ko nang masilayan muli ang natatangi mong kariktan

Kasinungalingan kapag sinabing kong


Gusto ko nang masilayan ang mga puno mong nagsasayawan na tila’y humahalina
at
Gusto ko nang maramdaman ang hampas ng iyong mga alon sa aking mukha
Dahil ang katotohanan ay
Bawat segundo’y gusto kitang iwaglit sa aking isipan,
Ayaw na kitang muling makita at maranasan
Hindi totoong
Babalikan pa kita
Bicol, mahal kong bayan

Paalam na, Bicol


Nagkakamali ako kung sasabihin ko na
Lulan ng aking puso
Ang mga masasayang ala-ala na
nabuo sa iyong malawak na lupain
Paalam na, Bicol
Nagkakamali ako kung sasabihin ko na
Lulan ng aking puso
Ang mga pighating
nasilayan ng iyong maaliwalas na alapaap
Paalam na, Bicol
Nagkakamali ako kung sasabihin ko na
Lulan ng aking puso
Ang mainit na pagmamahal na
ipinapadama ng pamilyang Bikolano
Ang puso ng mga Bikolano ay mahina
Ang pagiging Bikolano’y walang halaga
Hindi totoo na
Lulan ng puso ng bawat Bikolano
Ang tapang na pinanday ng maraming bagyo
Ang tapang na pinanday ng malalakas na lindol
Ang tapang na hinulma ng ilang pagputok ng bulkan

Kakalimutan na kita, Bicol


Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na
Lulan ng aking isipan
Ang mga masasaya na karanasang
Pinagtagpi-tagpi ng iyong mayabong na kultura
Kakalimutan na kita, Bicol
Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na
Lulan ng aking isipan
Ang mga di malilimutang ala-ala na
Nabuo habang aking sinasariwa ang mga malalawak mong bundok at karagatan
Kakalimutan na kita, Bicol
Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na
Lulan ng aking isipan
Ang pagiging Bikolano na
Aking napulot sa nakaraan ng kapuluan
Ang Bikol ay isang lugar lamang
Hindi makatotohanan na
Lulan ng isipan ng bawat Bikolano
Ang pagkakakilanlan na pinanday ng maraming tradisyon at paniniwala
Ang pagkakakilanlan na pinanday ng iba’t ibang kultura
Ang pagkakakilanlan na hinulma ng ilang taon ng kasaysayan
REVERSED
Ang pagkakakilanlan na hinulma ng ilang taon ng kasaysayan
Ang pagkakakilanlan na pinanday ng iba’t ibang kultura
Ang pagkakakilanlan na pinanday ng maraming tradisyon at paniniwala ay
Lulan ng isipan ng bawat Bikolano

Hindi makatotohanan na
Ang Bikol ay isang lugar lamang

Aking napulot sa nakaraan ng kapuluan


Ang pagiging Bikolano na
Lulan ng aking isipan

Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na


Kakalimutan na kita, Bicol

Nabuo habang aking sinasariwa ang mga malalawak mong bundok at karagatan
Ang mga di malilimutang ala-ala na
Lulan ng aking isipan

Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na


Kakalimutan na kita, Bicol

Pinagtagpi-tagpi ng iyong mayabong na kultura


Ang mga masasaya na karanasang
Lulan ng aking isipan

Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na


Kakalimutan na kita, Bicol
NORMAL

Bicol,
Isang malawak na tangway sa Katimugang Luzon
Nagsisilbing tulay ng Hilaga at Kabisayaan
Pangalan niya’y nagmula sa salitang ‘bico’
Na tinutukoy ang anyong tubig na kilala ngayong Ilog ng Bicol

Binubuo ng pitong lungsod at anim na probinsiya


At bawat isa'y may sariling yaman, tradisyon, paniniwala’t kultura
Mga probinsya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur,
Sorsogon, Catanduanes, at Masbate
Bawat isa’y biniyayaan ng mga likas na yaman na tunay na marilag

Samantala ang mga siyudad ng Legazpi, Ligao, at Iriga


Kabilang ang Tabaco, Sorsogon, Masbate, at Naga
Mga lungsod na sumasalamin ng umuusbong na kasaganaan at kalakalan
Na dulot ng pagkakaisa at pagbabayanihan

Saan ka mang lungsod o probinsiya mapunta


Ay ikaw ay yayakapin ng mainit na pagbati na walang kapareha
Iyo ring masisilayan sa kanilang kalikasan at sa mata ng mga mamamayan
Ang mayabong na kulturang nagbibigay kulay sa aming mahal na bayan
Pati ang kasaysayang pundasyon ng aming pagkakakilanlan

Ang Bikol ay isang lipunang tunay na masipag at masikhay


Sa anumang larangan, ang mga Bikolano’y likas ang dunong na taglay
Saan ka man dalhin ng ‘yong pagliliwaliw,
mabuti nilang kalooban ay bantog saan man
Oragon kung bansagan,
Mga Bikolano’y kilala sa kanilang likas na katapangan

Kapag iyong narinig ang salitang Bicol


Maaaring ang pumasok sa ‘yong isipan ay
Ang imahe ng isang matayog at matarik na lalang
Perpektong hugis apa kung kanilang ilarawan
Mapanganib subalit buong mundo’y ito’y hinahangaan

Makasaysayang tunay, ito ang Bulkang Mayon


Na ayon sa alamat, ay pinaghimalayan ng magkasing-irog
Na Panganoron at Daragang Magayon
Ang bulkan di umano’y simbolo ng kanilang mainit at panghabambuhay na
pagmamahalan
Ngunit tandaan ito’y nasa Albay at hindi sa siyudad ng Naga
Karagatan na ‘ming mga oragon ay tunay na kakaiba
Lubos na kaakit-akit ang rikit nito at ganda
Ngunit dito mo rin masisilayan ang isang dambuhalang maamong nilalang
Butanding ng Donsol sa Sorsogon ay tiyak na nakalilibang

Ang Isla ng Caramoan sa Camarines Sur ay lubhang nakasasabik,


Salami't banayad ang asul nitong tubig
Kaputian ng buhangi'y lubhang batid
Misteryo nito'y sadyang kaakit akit

Ito’y ilan sa magagandang atraksyon


Na masisilayan sa malawak na lupain ng Bicol
Biyayang kinagigiliwan ng lahat
Itong obrang pininta ng Poong tapat

Bandiritas at piging ay naririto,


Mga tao ay hindi magkamayaw na pumaroon at pumarito
Sa pagkain at palaro'y walang kaso,
Kasiyahan ay matatamo, t'yak walang talo.

Makukulay, magagara’t masasaya


Pistahang idinaraos sa tuwina
Sinasalamin ang kakaibang kultura
Na Kinasasabikan ng mga turista

Hindi mabilang sa kamay na baka’t kabayo ay ‘yong masisilayan


Kapag Rodeo Masbateño Festival ay natunghayan
Ginaganap sa tinaguriang Rodeo Capital ng bansa at Asya,
Ito ang Masbate, isa sa islang probinsiya ng Kabikulan

Bawat taon, sa buwan ng Hunyo


Ang Pinyahan Festival ay idinaraos sa Camarines Norte
Kung saan tinatampok ang “Reyna ng Formosa”
Ibinibida ang matatamis at masasarap na pinya,
Na pangunahing produkto ng nasabing probinisya

Dahil ang Bikol ay nakaharap sa dagat Pasipiko


Sagana ito sa yamang dagat tulad ng isda, dilis, at alimango
Ngunit sa malalakas na kalamidad ay walang ligtas ang mga Bikolano
Pananampalataya’t papuri nila’y di mapipinid ng kahit anong bagyo

Sa Bicol ay iyong makikita,


Ang nakamamanghang moog ng mga simbahang hinulma ng kasaysayan
Pati na ang impluwensiya ng Kristiyanismo sa buong kapuluan
Ang Bicol ay tahanan ng Inang Penafrancia
Pati ng mga barok na simbahan tulad sa Daraga at Barcelona

Hindi rin pahuhuli ang mga Bikolano sa larangan ng musika’t sayaw


Isa na Sarung Banggi o Isang Gabi na awit ng isang pusong namamanglaw
Nariyan din ang Pantomina na tradisyunal na sayaw ng panliligaw
Inspirasyon ng kaniyang galaw ay mga kalapating nag-uulayaw

Mula sa talino ng mga ninuno ay namana ang paglinang sa produkto


Nakilala at sumikat na totoo at nabantog saanmang lupalop ng mundo
Sa rehiyong ito, pili’y makikita na produktong aming ibinibida
Pastillas, pili tart, marami pang iba, mga pasalubong na inyong madadala

Bukod sa pili ano pang makikita?


Syempre, ang sili, na simbolo ng maalab na tapang ng mga Bikolano
Na akala ng iba’y, lahat ng mga oragon ay kumakain ng pampalasang ito
Itong pampa-anghang na maaaring kulay berde o pula
Ay pwede ring gawing panghimagas, ice cream, o di kaya’y serbesa

Teka lang, at hindi dito natatapos


Mga Bikolano ay kilala rin sa paghahabi ng mga abaka at abaniko
Basket, tsinelas kahit mga sombrero kabilang ang banig, palamuti't maging mga paso
Mga gawang kamay na gamit ay husay na nakikipagsabayan nang buong buhay
Mga Bikolano’y hindi pahuhuli at di mabubuway
Mga produktong Bikol na kinikilala na nang tunay

Halina sa Bicol nang iyong matunghayan


Ang handog na regalo ng Poong makapangyarihan
Baunin ang tamis sa ‘yong paglalakbay at itatak ang mga ala-alang minsang nabuhay
Atin namnamin ang bawat sandali at kupkupin ang natunghang pag-uugali

Ang pag-ihip ng hangin sa bawat sulok at tanaw ng Bicolandia


Ay nagdadala ng kaligayahang lubhang umaapaw
Pagmasdan ang kariktan ng gabi't araw at
Sariwain ng ‘yong mga mata ang mga makulay na tanawin
Na makakapagpagaslaw ng pusong mahiyain

Ang kagandahan ng Bicol ay walang kupas na humahalina


Kaya Dagat nito ay sisirin, lupa'y pagyamanin
Tiyak na paghanga rito ay iyong madarama
At pupukaw sa mga puso ng balana
Ang kultura at kalikasan ng ating sinilangan ay ating pahalagahan
Sapagkat ito’y hindi mapapalitan
Kailanma’y hindi nararapat likdangan
Kaligayahan at pagkakakilanlan ay dito matatagpuan

Sariling bayan ay dapat nating mahalin at lahat ng sa atin ay ‘wag lilimutin


Matatagpuan sa bayang tinubuan ay mga iba’t ibang tanawin
Na nararapat paunlarin at patuloy na pagyamanin

Bicol, ikaw ay tila isang paraluman


Nagtataglay ng kagandahan at kasaysayang ni mga salita ay hindi sapat para ilarawan
Lulan ng aking isipan ang mga butil ng istorya ng iyong nakaraan
Na pumapailanlang hanggang sa kasalakuyan
At lulan naman ng aking puso ang pagkabighani sa iyong rilag
Na hindi ko kailanman ipagpapalit kahit saan man ako lumapag
Bicol, babalik-balikan kita.

Maski diin ka mag-imod sa Kabikulan


Mapadaga o tubi man may intatago na yaman
Mga Bikolano, midbid na oragon
Aatubungon maski nano na mga kapigaduhan sin panahon
Inhuhulat kana sin gayon sin Bicol
Pati ang mga istorya sin mga nakaagi na dianison aramon
Nano pa ang inhuhulat mo?
Kana na! Makadto na kita!
Bagyo (calamities)
Festivities (Daragang Magayon, Kasanggayahan, Rodeo, Penafrancia)
Food (Pili, Laing)
Tourist spots (Mayon, Butanding, Subic, Calaguas Island)
Prominent personalities?
PANTOMINA; Guinness record

tapang
handiong
Darangang Magayon
Ibalon

LULAN ng puso
LULAN ng isipan

You might also like