You are on page 1of 3

SABORNIDO, JASTINE NICOLE B.

12-ARCHIMEDES

Pamilya tinuturing na unang paaralan dahil sila ang nagtuturo sa mga mababuting asal at
sila ang nag momold sa ating kung nasaan tayo ngayon, ito rin ay tinuturing na
pinakamahalagang aspekto na nangyari sa ating buhay. Tuwing Dalawamput apat buwan ng
Disyembre ay pinagdidiwang namin ang "Sabornido reunion" na ginaganap sa Laguindingan,
Misamis Oriental. 
Tuwing tambol at pagbagsak ng ritmo sabay ng napakalakas na musika ay nagwindangan
at sayawan ang mga iba't ibang uri ng mga tao. Kada lakas ng tugtog na pinaparinig ay kasing
lakas din ng aming pagsasama at pagkakaisa. May iba't ibang uri ng talentong pinapamalas
ngunit iisa ang taglay at likas ng dugo, dito sinusukat ang aming pagmamahalan. Isa ito sa
pinakamasaya at napakahalang okasyon na nangyayari taon-taon, kaya taos puso akong
nagpapasalat sa ating Diyos na binigyan niya ako ng ganitong klaseng pamilya. 
Mabubuting tanawin, mga taglay na mga likas yaman at napakamahalubilo na mga tao,
iyan ay iilan na naglalarawan sa Bohol.  Napakaraming bukirin at mabubusog na tanawin na tila
ikaw ay nasa paraiso, kung ikaw ay makakapunta ay mas gugustuhin mo pang ayaw umuwi dahil
sa kagandahan ng lugar. Naranasan mo na bang pumunta sa Chocolate Hills? kung hindi pa
pwes, hihikayatin ko na kayong pumunta doon. Noong nakaraang tag-init kasama ang aking ina
at ama ay pumunta kami sa Bohol, pero ang mas pinakamagandang napuntahan namin doon ay
ang Chocolate hills. Tanyag ito dahil kabilang ito sa "8 beautiful wonders of the world". Sa
pagpatak ng aking mga paa matapos lakarin ang isang daan na hagdan ay mapapamangha ka sa
kagandahan ng lugar makikita mo ang kay rami-raming malilit na bundok at tila nadama ko ang
kahalagahan sa paligid. Tinuturing ko ito sa isa sa pinakamagandang karanasan ko sa bahay na
hindi ko ipagpapalit nino man.
Hindi natin maiitatanggi na tayong mga Pilipino ay naniniwala sa himala dahil tayo ay mga
rehiliyoso, isa sa mga tinatawag na milagrosong lugar ay ang "Simala Shrine" ito ay matatagpuan sa
Cebu City. Nang kami ay pumunta dito noong huling tag-init hindi mo maipagkakaila na parang
ikaw ay nasa ibang bansa bukod sa Pilipinas. Sa pagtapak ko sa lupang tinagurian kong “lupang
pinagpala” at sa pagpasok ko sa isang mala-paraisong simbahan, aking nadama ang kapayapaan sa
aking loob. Isang napakagandang lugar na puno ng magagandang tanawin. Sa pagpasok ko palang ay
bumungad na sa aking harapan ang isang mala-torreng disenyo ng simbahan. Sa aking paglalakad ay
aking nahagilap ang natatangi nitong ganda. Sa aking pagpatuloy ay naaninag ko sa aking isipan na
ang lugar na ito ay may pagkahalintulad sa lugar na aking pinanggalingan. Pumatak sa aking isipan
ang katangi-tanging tanawin sa aming bayan at napagtanto ko sa aking isipan na ang lahat ng lugar
ay katangi-tangi at nagtataglay ng iba’t ibang tanawin. Sa loob ng simbahan, ay aking nakita ang
iba’t ibang mga liham, larawan at mga bagay na may kaugnayan  sa simbahan. Sa pinakadulo ng
aking nilakad ay nandoon ang tinaguriang milagrosong birhen sa Simala. Ito ay nakasilid sa
kwadrong salamin, at dinadasalan ng maraming deboto. 

Isang lugar na mapayapa, maringal, at kapitapitagan iyon ang mga salitang nananatili sa
aking isipan hanggang ngayon. Ang aking mga karanasan doon ay hindi mapapantayan ng anumang
bagay. Iyon ay isa sa mga pinaka-iingatan kong mga karanasan sa aking buhay.

You might also like