You are on page 1of 3

Isang masayang paglalakbay sa mga Burol na Chokolate

Heading 1

INTRODUKSYON: Kilalanin natin ang Lugar

(Ito ang mga iba’t ibang destinasyon at mga aktibidad na maaring gawin sa Bohol)

“Bohol: Heart of the Islands, Truly Philippines.” Ito ang tagline ng Bohol ayon isang artickulo ng

Gridcrosser, kilala ang Bohol sa chocolate hills at mga tasier na nag bigay ng international na atensyon sa lugar.

Ayon rin sa Britannica ang Bohol ay parte ng mga Visayan group of islands na nasa, south-central Philippines. Ang

pangunahing bulkan nito ay halos natatakpan ng coralline limestone, ang mga ilog ay maikli, at maraming mga

magagandang angkla, ang Bohol ay isang kanayunan kung saan bigas,mais at niyog ang mga pananim nito. Ang

pangunahing ginagamit na lengwahe sa Bohol ay ang kanilang bersion ng Cebuano, ito ay tinatawag Boholano na

merong maliit na pagkakaiba sa Cebuano na ginagamit sa Cebu. Madaming ipinagmamalaking pag kain ang Bohol,

pero mas kilala ang Bohol sa Calamay na binabalot sa balat ng niyog.

Heading 2

KARANASAN: Minsan pang balikan ang alaala


(Ito ay isang litrato nung una kaming dumating sa Bohol gamit ang isang ferry na sinakyan namin sa Cebu)

Dumating kami sa Bohol at ang una naming ginawa ay nga check in sa Hotel doon kami nanatali,

pagkalipas ng mga dalawang araw ay nag lakbay kami papunta sa iba’t ibang destinasyon sa Bohol. Ang una

naming pinuntahan ay ang “Blood Compact nila Magellan” kung saan makikita ang mga replica at rebulto nila

magellan. Doon rin kami bumili ng mga pasulobong gaya ng key chain at iba pa. Pagkatapos ay na daanan namin

ang man made forrest doon ay kumuha kami ng litrato at nagbighani sa ganda ng mga puno. Pumunta din kami sa

kung saan merong Tarsier park habang nag lalakbay papuntang chocolate hills. Doon kami tumingin sa Tarsier at

pagkatapos pumunta kami sa park rin kung saan may mga display ng paro paro. Nung natapos na kaming kumain

ay pumunta na kami sa Chocolate Hills para pag masdan ang tanawin at doon rin kami umakyat para lang makita

ang buong tanawin ng Chocolate Hills, pagkatapos non ay sumakay ang pamilya ko sa floating resturant at doon

sila kumain. Habang kami ay nag lakbay pa sa ibang mga destinasyon sa Bohol, kami ng kapatid ko. Pagkatapos

habang kami ay pauuwi na pumunta, kami sa Baklaran church kung saan ito ang isa sa mga pinakamantadang

simbahan sa Pilipinas. Naka pag tour kami sa boung simbahan pati narin sa lumang bahay, kung saan naka paligid

ang simbahan. Dito nagtatapos ang lagbay namin sa buong Bohol, bumalik kami sa Cebu nong hapon nayun at

sumakay ulit sa parehong barko na sinakyan namin.


(Ito ang lahat ng larawan ng mga lugar at destinasyon na puntahan namin sa Bohol)

PAGNINILAY-NILAY: Pagbabahagi sa naging paglalakbay

Ang paglalakbay ay nag bigay ng oppurtunidad para saaming mag pamilya na lumakbay sa labas ng

Mindanao at makapagpahinga sa mga iba’t ibang gawain namin sa Davao. Kasi ito ang pinaka unang pagkakataun

nakapaglakbay kami at sumakay sa eroplano bilang isang pamilya, dahil rin dito mas tumatag ang samahan

naming magkapamilya. Ang aking masasabi ay nag-enjoy ako sa paglaklakbay na ito, madaming pwedeng gawin sa

Bohol at madaming oppurtunidad na magpahinga bilang isang pamilya, kaya ay hinihikayat kung puntahan ang

Bohol dahil dito.

(Ito ang magandang tanawin ng Chocolate Hills at masasabi kung sulit ang lakbay namin sa Bohol)

Mga sangunian
https://www.britannica.com/place/Bohol
https://www.bohol.ph/language.php

http://gridcrosser.blogspot.com/2012/05/beyond-hills-into-heart-bohol-launches.html

You might also like