You are on page 1of 3

XXXXXXXXX XXXXXXXXX FIL-AKAD

XXXXXXXXX

LAKBAY SANAYSAY

Isang lingo bago kami magdesisyon kung saan kami magbabakasyon ay

plinano naming pumunta sa Palawan ngunit lahat na ng hotels at resorts ay full-

booked. Aaminin kong masgugustuhin kung pumunta sa Palawan ngunit hindi din ako

binigo nung nakarating na kami sa Bohol.

Hindi maipagkakait na ang kagandahan ng pilipinas ay para bang pang ‘world-

class’ maslalo na noong nakarating kami sa aming tutuluyang resort na

nagngangalang Bohol Shores. Tahimik, presko ang hangin at para bang parehas ang

clima ng Bohol at La Trinidad. Habang papunta kami sa una naming bibisitahing lugar

ay nadaanan naming ang Bilar Manmade Forest kung saan tinaniman ng mga girls

scout noon ang lugar ng punong mahogany upang maiwasan sa pagbaha at

pagguho ng lugar. Ang tataas ng mga punong mahogany at napakaganda ng

pagkatubo nila dahil naiayus sila sa gilid ng kalsada. Nagdudulot din ito ng preskong

hangin sa lugar at mayroon pang masisilongan kapag mainit ang sinag ng araw. Noon

nakikita ko lang sa mga telebisyon ang Chocolate hills pero natanaw ko na at kaya

pala siya tinawag na “Chocolate HIlls” dahil naginging kulay tsokolate ang mga burol

kapag nasisinagan ng araw. Sumakay din kami sa ATV (All-terrain vehicles) upang

malibot at malapitan mismo naming ang mga burol. Meron din kaming nakitang mga

puno ng balete na kilala na tirahan ng mga kapre, o kahit anong paniniwala ng mga

pilipino dahil sa mga kuwentong-bayan. Sumakay kami sa isang bangka kinabukasan

at nakita ko ang mga lumba-lumba o maskilala sa ingles bilang “dolphins”.

Maeengganyo kang makita ang mga ito dahil tuwing 5am-7am lang ng umaga mo
sila makikita. Pumunta din kami sa isang islang tinatawag nilang Panglao island na

mayroong putting buhangin kung saan kami sumakay sa banana boat at speed boat.

Sunod naming pinuntahan ay ang Python Sanctuary ng Bohol, humawak din ako ng

ahas napakalamig ng kanilang kaliskis. Aaminin ko ding mabigat sila habang

hinahawakan at patuloy pa silang lumalaki. Nakita din namin ang mga buto-buto ng

pinakamahabang python na si Priny noong 2013. Masnasiyaan ako sa aming

paglalakbay dahil naisama naming ang aking malapit na kaibigan bago pa siya

bumiyahe papunta sa Canada.

Nakakapagod man ang aming paglalakbay ngunit sulit naman dahil nakabuo

kami ng mga alalang hindi mapapalitan. Nakaharap din kami ng problema ngunit

inisip naming hindi dapat iyon ang sisira sa aming munting bakasyon sa Bohol.
REPLEKSYON

Noong ginagawa naming ang bidyo, napagtanto kong maganda din ang mga

lugar na pinuntahan ng aking mga kagrupo at napatunayan kong napakaganda

talaga ang ating bansa. Nagbigay buhay ito sa isang pangarap na gusto kong

matupad, ang mapuntahan ang bawat lugar sa pilipinas. Ang maglakbay dahil gusto

mong makita ang ibinigay ng Diyos para sa atin.

Habang unti-unting nabubuo ang aming ginagawang bidyu para bang gusto

kong bumalik muli sa amin pinuntahan at maranasan ulit ang mga alalang aming

binuo. Masnapaisip ako na hindi mo talaga malalaman ang tunay na ibigsabihin ng

pagkakaroon ng buhay kapag hindi natin mararanasan na pumunta sa isang lugar na

makapabuntong-hininga. Sa nakita ko sa mga pinuntahan ng aking mga kagrupo

hindi naman pala kaylangan na sumakay pa ng eroplano para lang makapunta sa

isang “white beach” dahil sa tatlo hanggang apat na oras na biyahe ay pwede na

nating marating ang sikat na “Boracay of the North” na Bolinao, Panggasinan.

Mayroon pang cliff-diving at island hopping dahil malapit doon sa Bolinao ang

binansagang “Hundred Islands” na nakapasok sa “8 wonders of the world” noon.

Nabigyan ko ng importansya ang pagpapahalaga sa kapaligiran dahil

mismong ang kagandahan ng pilipinas ang ating sinisira. Iniisip kong gusto ko ding

makita ng mga susunod pang henerasyon ang munting kagandahan ng perlas ng

sinilangan.

You might also like