You are on page 1of 2

Trisha Mae L.

Bacala

GAS 12- A

LAKBAY SANAYSAY

“Boracay Beach”

Isa sa masasayang gawin sa ating buhay ay ang paglalakbay dahil bukod sa pag
sasaya ay pwede den ito ang maging dahilan para makapag pahinga tayo sa mga bagay
na nakakapag bigay sa atin ng stress. Ang pag punta namin ng aking pamilya sa Boracay
ay isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari. Madaming mga bagay na unang beses
ko lang nagawa noong kami ay nagpunta sa Boracay. Una na don ay ang pagsakay sa
eroplano. Aaminin ko na natakot ako nung unang sakay ko, sobrang higpit pa ng kapit
ko sa aking nanay noong naandar na, pero nung naka angat na sa ere ang eroplano ay
nagawa ko ng kumalma at tignan ang tanawin.

Unang beses ko rin makasakay sa bangka. Maalog ang biyahe kaya medyo mahilo rin
ako ngunit masasabi ko parin na masaya ang biyahe na yon dahil habang naandar ang
bangka na sinasakyan naming ay may nakikita akong mga isda na sumasabay sa amin.
Sinuwerte den kami dahil nung panahon na kame ay pumunta sa Boracay ay may mga
taong nagpaparada at pinintahan ng itim ang kanilang mga mukha. Isinasagawa pala
ang Ati-atihan Festival noong oras na iyon.

At syempre ang pinaka hindi ko malilimutan sa bakasyon namin na ito ay ang napaka
gandang tanawin sa isla ng Boracay. Napaka linaw ng tubig, pinong pino at napaka puti
ng buhangin. Marami rin akong nakitang turista na nanggaling pa sa ibang bansa. Ang
isa pa nga doon ay tinanong ako kung ako daw ba ay isang koreana. Tuwing gabi naman
ay napaka sigla ng isla. Maraming tent kung saan mayroong nag fi-fire dancing at ang
karamihan ay kainan. Nanatili kami doon ng tatlong araw at sinulit ang mga oras ng
pananatili doon. Simula bata ay mahilig na talaga ako lumangoy kaya sobra kong na-
enjoy ang bakasyon na ito at hinding hindi koi to malilimutan.

You might also like