You are on page 1of 4

LAKBAY

SANAYSAY
NI

LOURDES CHELSEA B. NUENOS


GRADE 12 STEM ALPHA
Noong taong 2020 ay nag tungo ako sa Lungsod ng Tacloban upang ipag diwang ang kaarawan ng isa
sa aking ninang, kami’y kanyang inimbitahan upang maligo sa napakagandang resort ng La Vilaa Francisco na
matatagpuan sa Baranggay ng Diit , Tacloban City. Itoy may isang oras na biyahe mula sa bayan papunta
doon, bagama’t nakakapagod ngunit talaga namang sulit dahil sa magandang tanawin at sariwang malamig
na tubig sabayan pa nito ng masasarap na pag kain na naroon at magagandang fountains at slides sa bawat
swimming pool meroon ding doong hot spa na pwedeng pag relaksan ng mga matatanda kahit din bata ay
pwede.

Umaga pa lamang ay nag tungo na kami roon upang mas


mahabang oras ang aming magamit at upang mas mag enjoy pa
kami . Bumiyahe kami ng isang oras galing sa bayan papunta
doon , sumakay kami ng pampublikong sasakyanng multi cab dahil
yun lamang ang pwedeng masakyan papunta doon , ngunit
bababa rin pag dating doon upang sumkay pa ng tricycle papunta
doon . Kinakailangan pang lumipat ng sasakyan dahil masikip ang
daan doon at tanging tricycle lamang ang makaka kayang maka
biyahe doon dahil meroon itong mataas na daan papunta doon.
Maulan noong kami’y nag tungo doon kaya naman madulas ang
daan at maputik, kaya sinabihan namin ang tricycle driver na mag
dahan dahan lang sa pag mamaneho.

Sasalubong sa iyo ang napaka laki at napakagandang sign ng La Villa Francisco, itoy napapalibutan ng
mga halaman at isang fountain . Sa kabila nito ay makikita mo ang reception area kung saan ka mag babayad
ng pang entrance mo. May halaga itong 50 pesos bawat tao , pag pasok mo sa loob ay sasalubungin ka ng
mga nag gagandahang mga halaman at mga iba’t-ibang uri ng mga hayop , sa iyong pag pasok ay may
makikita kang isang uri ng ibong nag sasalita at ito sy ang parot .

Lalakarin mo ang napaka habang


daan patungo sa kanilang main area kung
saan naroroon ang napaka daming
swimming pool at slides pati narin ang mga
fountains at iba pa. Habang kami’y nag
lalakad ay nadadaan din namin ang mga
cottages kung saan pwedeng kumain o mag
pahinga pag katapos lumangaoy . Maraming
mga magagandang desinyo kung saan pwede
kang kumuha ng mga litrato kung kelan mo
gusto , meroon ding mga pambatang
palaruan kagaya ng swing , siso at bahay
bahayan .
Napakasaya habing ako’y naliligo
doon kasabay ng mga gibing batang naroroon
din , malamig ang tubig at napaka sariwa.
Kasama ng aking kaibigang si Vanessa, naisipan
naming subukan ang pinakamahabang slide
doon , ayon sa naka bantay doon ay kailangang
may edad na 16 pataas ang pwedeng maka
slide para iwas disgrasya mabuti na lamang at
akoy labing anim na gulang na ng mga araw na
iyan , kaya naman agad naming sinubukan at
talaga namang nakaka aliw dahil sa ito’y
napaka mabilis.

Nagdala kami ng aming sariling pag kain ngunit kailangan ding bayaran dahil bawal mag dala ng pag
kain na galing sa labas ngunit bumili din naman kami ng pwede naming makain sa kanila kagaya ng french
fries , burger , at ang kanilang chicken and rice . Pag katapos naming kumain ay naligo kami ng sabay sabay ,
ngunit kailangan munang mag palit ng damit para sa pampaligo dahil kinakailangan.

Malamig ang tubig at napa ka sariwa kaya nakaka enjoy talaga , umahon kaming muli upang kumain
muli ng cake pero kinantahan muna namin yung ninang ko ng maligayang kaarawan bago kumain kasundo
nun ay bumalik naman kami sa paliguan at sinubukan ang iba pang mga slides . Maraming mga tao ang
naroroon kaya maingay ang paligid at nakakawiling tignan. Sinubukan din namin ng kaibigan kong si Vanessa
at si ate Rose Marie ang hot sauna na katabi lang ng pool , ang hot saunang iyon ay bumubukal ng tubig na
mainit sa ilalim ng pool , may mga lights na naka paligid kaya naman ay magandang tignan ito .Sa tabi naman
nito ay may mini bar kung saan pwede kang omorder ng makakain o di kaya ay maiinom.
Lumipat kami ng aking kaibigan sa may
pambatang paliguan kung saan ay may mga
nakaka aliw na mga munting slides na para sa
pambata lang , bagama’t umuulan parin ay enjoy
naman dahil sa makapigil-hiningang magagandang
tanawin na nakanpalibot dito , nag dala rin kami
ng mga pwede makain ngunit hindi ito pwedeng
dalhin sa loob ng paliguan dahil madudumihan
ang loob ng paliguan kaya naman nilagay lang
namin ito sa may mesa kung saan malapit lang din
doon. May mga ibang bata din doon na kasabay
naming naligo at talaga namang kawili wiling
tignan.

Pag katapos namin doon ay nag picture taking


muna kami dahil medyo dumidilim na at kailangan na
naming umuwi . Hapon na ng kami’y maka uwi , at
halos gabi na ng kami’y makarating sa aming tahanan ,
umuulan parin ng umuwi kami ngunit hindi na gaano
kalakas. Sobrang saya ko ng makita ko ang mga
kuhang litrato , dahil ito’y magaganda , sobrang nag
enjoy din ako doon dahail yun ang unang beses na
naka punta ako doon , sanay maka punta ako ulit
doon na kasama ang aking pamilya o di kaya naman
ang mga kaibigan.

Doon nag tapos ang aking pag lalakbay , lubha akong natuwa sa pag punta ko doon , at talaga
namang kabalik balik puntahan ang lugar na iyon . Masasabi kong yun ang isa sa pinaka masayang
pangayayari sa aking buhay at sana’y mabalikan ko pa iyon upang mas madag dagan pa ang mga masasayang
alala ko sa lugar na iyon.

You might also like