You are on page 1of 5

PAGMASDAN ANG GANDA NG PAGURIRAN!

Isinulat ni: Sheena Mae A. Ditan

Marami na akong napuntahang


mga naggagandahang beach resort,
maging tanawin na kinabibilangan ng
ilang mga anyong tubig. Ngunit, isa
lamang ang lugar na nagpabalik sa akin.
Nakatatak na sa puso’t isipan ko ang
kagandahang taglay ng isla na ito. Isang
isla na may mala-kristal na butil ng
buhangin at malinaw na tubig. Lingid sa
mga deskripsiyon na iyan masasabi
kong hindi lang ‘yan ang mapapansin
mo kapag binisita mo ang isla na ito.

Binigyang katwiran nito ang aking kuryosidad upang higalapin at balik-


balikan ang tunay na kagandahang taglay ng isla ng Paguriran. Masasabi ng iba na
wala namang gaanong kakaiba sa isla na ito ngunit nagkakamali sila. Batid kong
marami ang nakapikit nang bisitahin nila ang lugar na ito. Nabubulag yata at hindi
napansin ang ilang katangian ng isla. Ngunit, batid kong marami na rin ang
tumatangkilik sa lugar na ito kung kaya’t nawawari kong ito ay dahil sa tanawin at
higit sa lahat… ang ipinagmamalaki nilang lagoon na tinuturing pusod ng isla.

Bilang isang kabataan, ang lugar


na ito ay nagsilbing isang kuwit na
mahirap iwan. Ito’y isang puwang na
kasama ko pa rin hanggang ngayong
dalaga na ako. Mula pagkabata ay palagi
na naming binibisita ang lugar na ito,
kung kaya’t mahirap itong
makalimutan. Subalit, sa ilang taon
kong pabalik-balik sa isla, napagnilay-
nilayan kong hindi ko pa batid ang
kanilang kultura, maging ang
pinakadahilan kung bakit dinarayo ito.

Noong huli kong punta rito noong Enero 3, taong 2023, kasalukuyan lamang,
napagtanto ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ko siya.
Kung bakit nakatatak siya sa aking puso’t isipan. Kung tatanungin ninyo ako, ano
nga ba ang ipinagmamalaki nila? At ano nga ba ang kagandahang taglay ng
Paguriran? Isa lang ang masasabi ko kundi… Halika na’t samahan mo akong
pagmasdan ang ganda ng Paguriran!

1
Ang isla ng Paguriran ay
matatagpuan sa Barangay Sawanga,
Distrito ng Bacon, Siyudad ng Sorsogon.
Itinuturing ito na isa sa ipinagmamalaki
ng lugar nila. Ito ay parang hiyas sa
gitna ng dagat. Ngunit mahaba-haba rin
ang magiging biyahe mo kung
dadayuhin mo ito. Kung mula ka sa
sentro ng Sorsogon, kailangan mong
sumakay ng isang pampasaherong dyip
na didiretso sa Sawanga. May
kamahalan nga lang ang pamasahe. Sa
halagang P100 ay makakapunta ka na
sa isla. Isahan lamang ang magiging
biyahe
biyahe sapagkat ididiretso ka na ng dyip mula sa sentro hanggang sa isla ng
Paguriran. Mahigit isang oras hanggang isa’t kalahating oras ang magiging biyahe
mo papunta roon. Kung ikokompara naman ang pamasaheng gagastusin mo
papunta sa isla sa pamasaheng isinisingil noong Pre-Pandemic ay medyo tumaas
siya ngayon. P50 lang noon ay makakapunta ka na sa isla ngunit batid kong dahil
ito sa kakulangan ng transportasyon papunta ro’n. Kumonti rin kasi ang dumarayo
doon noong pandemic kung kaya’t naapektuhan din ang transportasyon sa lugar.

Ngunit dahil malapit lang naman


ang aming lugar sa isla, dinarayo namin
ito gamit lamang ang aming pansariling
transportasyon katulad ng motor. Kung
sasakay ka naman sa pampublikong
transportasyon mula sa amin papunta
ro’n, magbabayad ka ng P25. Sa pagitan
ng 15 hanggang 30 minuto ay
makakarating ka na sa lugar na iyon.
Mula sa aking perspektibo, kaonti lang
ang aking nagagastos tuwing dadayo
ako ro’n. Sa badyet na P300 ay
nawawari kong mag-e-enjoy ka na.
Ngunit kung gusto mo talagang mag-

enjoy nang hindi kapos sa badyet, inirerekomenda kong maghanda ka ng P500


hanggang P1,000. Sa mga aktibidad at pagkain lang naman, tiyak kong
makakagastos ka nang hindi mo inaasahan mula sa iyong badyet.

Kapag nakarating ka sa isla, may binabayarang limang-piso na entrance fee


kada isang tao. Mula ro’n, unang-una mong hahanapin ang mga cottages o bahay-
pahingahan na may presyong P100 hanggang P3,500. May ilang mga cottages na
maaari mong rentahan overnight. P3,500 ang magiging bayad mo sapagkat
rerentahan mo ang bahay-pahingahang may aircon at kama, tama para
makapagpahinga at makatulog.

2
Noong pinuntahan at binista
namin ito, nagbayad lang kami ng P100
para sa cottage na puwede naming
gamitin sa buong araw naming
pananatili sa isla. Maaari ring
magpatayo ng tent kung may dala ka o
wala ka namang pambayad para sa
cottage. Ngunit noong binisita namin
ang lugar, nagbayad kami ng cottage at
nagtayo rin ng tent. Pinili rin namin ang
cottage na may magandang tanawin ng
isla. Lalo na ang naglalakihang bato na
nakapalibot sa lagoon.

Alam niyo rin ba na mula sa


napili naming cottage, masisilayan mo
rin ang perpektong hugis tatsulok na
bulkang Mayon. Kahit na nasa Legazpi
na iyon, makikita pa rin ito mula sa isla.
Tunay ngang napakaganda ng tanawin
sa isla, lalo na’t napili mo ang
puwestong makikita ang tunay na ganda
ng lugar. Mas nagiging atraksiyon din sa
lugar ang Mayon dahil kaakibat nito ang
sumasalubong na tubig mula sa dagat.
Kaya naman, iilan sa mga turista ay
dinarayo ito gamit lamang ang bangka
kung nakatira ka sa kabilang ibayo ng
isla. Sa presyong P300 hanggang P500 ay
pwede kang magrenta ng bangka at
lumibot sa buong isla. Makikita mo rin ang pinakalikod ng lagoon kung saan ay
itinuturing na itong karagatan dahil sa lalim ng tubig mula roon. Mas nakakaaliw
ring gawin ang pagsisid at pamamangka sa isla. Lilinawin ko lang na walang bayad
ang pagsisid doon at pagbisita sa loob ng lagoon.

Ang pamamangka, paglangoy, at pagsisid mula sa mga bato mula sa taas ng


isla ay ilan lamang sa mga magaganda at adventurous na mga aktibidad na
magagawa mo sa isla. Isa rin ito sa mga itinuturing na pre-nup place sa lugar
sapagkat ang tanawin na makikita rito ay maganda sa mga litrato. Itinuturing itong
“place of photos and celebration” dahil halos dito isinasagawa ang mga photoshoots
ng debutant, birthdays, at nang kahit ano pang mga okasyon. Ngunit hindi lang ito
ang dahilan kung bakit dinarayo ang isla kundi dahil din sa… lagoon nito.

3
Ang loob ng isla ay isang
lagoon. Mas marami ang naliligo at
lumalangoy sa loob ng isla dahil sa
tamang lebel ng tubig nito. Ngunit
mas binibisita ito tuwing high tides
at mataas ang lebel ng tubig dahil
mas maganda ang pagsisid at
pagtalon mula ro’n. Ito’y itinuturing
na singsing na limestone kung saan
ito’y nagbibigay daan sa paglangoy
kasama ang mga makukulay na
isda at nagsisilbing launching pad
para sa cliff-diving.

Dahil din sa malinaw na tubig at


mala-kristal na buhangin, nagsisilbi
itong pampaganda pa lalo sa tanawin
na makikita mo sa isla. Lalong-lalo na
kapag lulubog na ang araw. Makikita
mo ang pagwangis ng tubig at araw.
Mararamdaman mo rin ang payapa’t
tahimik na pagninilay habang
pinagmamasdan ang tanawing nasa
harap mo. Picturistic kung tawagin ang
lugar.

Pagdating naman sa kanilang kultura, mapapansin mo ang pagiging mabait


ng mga makakasalamuha mong tao. Ang mga nagbabantay rin sa isla ay ginagawa
ang lahat upang mapanatiling malinis ang lugar upang maingatan hanggang sa mga
susunod pang henerasyon. Kung pag-uusapan naman natin ang pagkain, wala
silang maipagmamalaki ngunit mero’n silang pagkain na tiyak ay magugustuhan ng
mga turista. Kilala sila sa paghahanda ng mga dessert tulad ng ice cream at halo-
halo. Maliban ro’n ay tanging mga karaniwang pagkain din ang kanilang inihahain.
Subalit, inaasahan ko na sa susunod kong pagbisita ay may maipakilala silang
putahe para sa mga taong darayo sa isla.
Masaya ring magliwaliw sa isla
lalo na’t kasama mo ang iyong mga
kaibigan at pamilya. Tiyak na
makokompleto mo ang araw nang
masaya at uuwing nakangiti pa rin.
Sinasabi ring mas magandang dayuhin
ito tuwing karaniwang araw dahil kung
sa katapusan ng linggo, marami ang
mga tao. Mas mainam na bumisita rito
tuwing bakasyon at tag-init upang mas
maramdaman mo ang preskong simoy
ng hangin.

4
REALISASYON:

Ang naging realisasyon ko mula sa paglalakbay na ito, mas mainam na


bumisita sa isang lugar nang may kasama at tunay na magdadala sa iyo ng saya
habang kayo’y nagliliwaliw. Hindi mo kailangang pumunta sa mga mamahaling
pasyalan dahil kahit kaonti lang ang badyet, matitiyak mo ang saya kung
gugustuhin mong sumaya. Hindi man ito ang itinuturing na “happiest place in the
world”, ngunit itinuturing ko itong “my happiest tranquility in the world.” Basta’t
kasama mo ang mga taong napakahalaga sa iyo, ang halaga ng gagastusin ay hindi
isyu nang dahil sa sayang mararamdaman. Habang tayo’y mga bata pa, mas
magandang huwag sayangin ang oras at gawin ang mga gusto mong gawin hangga’t
ika’y masaya. Tanging memorya na lamang ang mananatili, at hindi na iindahin ang
badyet lalo na’t alam mong nag-eenjoy ka. Kapos man sa pera at badyet pero
“WORTH IT” pa rin ang paglalakbay at pagbisita sa isla. Sa pagiging budget-friendly
ng lugar, mas iisipin mo na lang na mag-enjoy at sumaya. Ang Paguriran ay hindi
lang isla ng kasiyahan kundi isla ng pagkakaibigan. Ito ang rason kung bakit ko siya
binabalik-balikan. Hindi lang sa magandang tanawin kundi dahil sa ala-alang
hinding-hindi mo makakalimutan. Ala-ala ng pagkakaibigan. Kaya’t ano pa ang
hinihintay ninyo? Halika at pagmasdan ang ganda ng Paguriran!

You might also like