You are on page 1of 4

“BAWAT TAG-ARAW AY MAY KANYA-KANYANG KWENTO.


Tuwing bakasyon isa sa mga pinakahihintay ng mga tao ay ang mamasyal o magbakasyon sa mga
“Resort” o “Beach“. Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang
tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista. Masayang gawin
ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA.
Isa sa napuntahan ko kasama
ang aking pamilya ay ang lugar na Vano Beach sa Lungsod ng Lapu Lapu. Ang Vano Beach ay isa sa
mga sikat na beach dito sa Cebu lalong lalo na sa Lapu Lapu, kilala ito ng karamihan sa mga Cebuano
dahil bukod sa napakamura ay napakaganda at napakapresko itong puntahan lalong lalo na kapag tag init
o summer. Talaga namang dinadayo ito ng maraming tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang
ang kahit anong okasyon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Pinuntahan naming ito noong
panahon ng bagong taon noong unang araw ng Enero taong 2023. Di pa man ako nakakababa ng aming
sinasakyan ay tanaw ko na ang ganda ng beach, Pagpunta namin ay namangha kami sa puting buhangin
at hindi mabato na dalampasigan. Sabado ang araw na iyon, kaya punong-puno ng mga tao. Ang Vano
Beach ay Isang magandang beach kung saan maaari kang magpahinga at magsaya sa dagat.

Umaga, mga bandang


alas kwatro. Handa na
ang buong tropa upang
maglakbay, Naglakbay
kami patungo sa
Waterworld Cebu sa
Lungsod ng Mandaue.
Malayo na ang aming
nilakad ngunit hindi ito
pansin dahil sa
kwentuhang pumukaw
sa aming pagod..
Malayo pa lamang ay
rinig na namin ang
malakas na agos ng
tubig. Pagkapasok sa
loob ay tatambad sayo
ang napakalaking
signatura nila at isang nakapakalaki at napakagandang mga iba’t
ibang hugis ng slides na may iba’t ibang kulay. Nakakamangha
kung gaano kaganda at kalaki ang resort na ito at napaka dami ring
pools na pwedeng puntahan. Inikot ko ang lugar at sinubukan halos
lahat ng aktibidad rito. Ang ilan sa mga pangunahing atraksyon sa
Waterworld Cebu ay ang Wave Pool, Lazy River, at Adventure
Pool. Sobrang nakakapagod pero Sobrang saya rin ang dulot nito.
Hindi natin mapag kakaila na ang Waterworld ay isang natatagong
Paraiso sa Mandaue Cebu City, na talagang babalik balikan mo.
Noong ika-28 ng enero napag desisyunan naming makakaibigan na pumunta sa isang lugar na tinawag
na Mountain View Nature's Park sa Busay, Cebu City. Ang Mountain View Nature Park ay isa sa mga
pinakamagandang lugar na matatagpuan ilang kilometro sa Metro Cebu. Ang Busay ay kilala sa likas na
ganda nito dahil ito ay nababalot ng fauna at flora sa bahaging ito ng lalawigan ng Cebu. Mula doon,
maaari mong tingnan ang panorama ng lungsod at ang mga nakapaligid na bayan nito. Ang Mountain
View ay may swimming pool na may iba't ibang nakakaaliw na fountain at climbing facility para sa mga
bata. Ang parke ay may magagandang tanawin at mga eskultura na may iba't ibang hugis, na angkop na
angkop para sa pagkuha ng mga larawan. Mayroon ding iba't ibang maliliit na hayop na maaaring
bisitahin dito. Isang koleksyon ng tropikal na halaman, makukulay na bulaklak mga, at mga puno ng
iba't ibang uri ng hayop ang makikita sa botanical garden nito. Gayundin, asahan na makakita ng
maraming puno at iba pang uri ng halaman na itinatanim at tumutubo sa loob at paligid mismo ng resort.
Tiyak na hindi ka mabibigo kung nagpaplano kang pumunta dito.
Nagawa kong magnilay habang naglalakbay. Namangha ako kung gaano kaganda ang ginawa ng
Panginoon sa lahat ng bagay sa kalikasan, kabilang ang mga hayop at dagat. Isinaalang-alang ko kung
gaano sila kahalaga at kung gaano natin sila dapat protektahan upang sila ay magtiis at
maimpluwensyahan ang mga susunod na henerasyon. Naniniwala rin ako na nararapat itong panatilihin
para sa kapakanan ng turismo ng ating bansa at panatilihin bilang isang destinasyon.
Ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa natin sa likas na yaman, at huwag na
huwag mong kakalimutan ang iyong Pamilya dahil sila ang magiging sandalan mo sa lahat ng
problemang iyong kahaharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan
man kayo ng damdamin ay hinding hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay
mamahalin ka pa nila ng lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa
mga biyaya na ating natanggap galing sa kanya.

You might also like