You are on page 1of 6

LAKBAY SANAYSAY

@BAYWALK,POBLACION MALITA, DAVAO OCCIDENTAL

Ang saya at ang sarap sa pakiramdam kapag nakakapunta ka sa kung saan


saang lugar ngunit sa katulad ko na hindi masyadong naglalakbay ay kakaunti
lamang ang mga lugar na aking napupuntahan. Kadalasan sa mga
napupuntahan ko ay dito lamang sa lungsod ng Malita, Davao Occidental, para
sa iba maliit lamang ito na bagay ngunit labis ang aking kasiyahan nang
makapunta ako dito. Ang mga larawang nasa itaas ay kuha ko nung pumunta
kami sa Baywalk dito lamang sa Malita. Ako ay namangha sa tanawin at
gumaan ang aking pakiramdam noong makita ko ang karagatan. Hindi man
masyadong malayo ang lugar na ito ngunit nagdudulot parin ito ng malaking
kasiyahan sa akin at ang tanawin na hindi ko makakalimutan at ninanais kong
mapagmasdan ng paulit ulit.
@SITIO ILIAN, BARANGAY SAN JUAN, SANTA MARIA, DAVAO
OCCIDENTAL

Minsan lamang sa isang taon ako makapunta at maka- uwi sa aming


tahanan sa bukid. Napakasarap mabuhay dito dahil may sariwang
hangin at magagandang tanawin. Mababait din at palakaibigan ang
mga tao dito. Ang mga larawan na nasa itaas ay kuha ko noong ako
ay maka uwi sa amin, sobrang sarap sa pakiramdan noong
napagmasdan ko na ang mga tanawin. Tiyak na matutuwa ka din sa
malamig at magandang klima dito. Sarap balikan ng mga panahong
ito at lalo ko lamang namimiss ang aking tahanan, nasasabik na
akong bumalik dito.
@TITUS PARADISE,KIDALAPONG, MALITA, DAVAO OCCIDENTAL

Ako ay namangha sa magandang tanawin na makikita sa lugar na ito.


Kapag ikaw ay nasa itaas ay makikita mo ang karagatan at
magagandang tanawin na nasa ibaba. Pumunta kami dito upang
magpahangin at para narin maranasan ang pag akyat sa 300 steps ,
nakakapagod man ngunit sulit naman. Hindi ako nakapag kuha ng
litrato masyado at ang mga tanawin lang ang aking pinicturan. Ang
ganda ganda dito at napakasulit, babalik ako dito ulit.
@ SANTO ROSARIO PARISH, POBLACION SANTA MARIA DAVAO OCCIDENTAL

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging maka diyos. Hindi rin
maikakaila sa atin na tayo ay mahilig bumisita sa mga simbahan
upang magdasal at humingi ng kapatawaran sa ating mga nagawang
kasalanan. Ang larawan na ito ay kuha noong ako ay nakabisita sa
Santa Maria at nagsimba sa kanilang magandang simbahan. Kasama
ko ang aking pinsan at pamangkin dito. Maraming pumupunta dito
para magsimba at para manalangin, sumaya at gumaan ang aking
pakiramdam noong ako ay nakapagsimba dito.
@ BARANGAY SANGHAY, MALITA, DAVAO OCCIDENTAL

Tuwing tag-init isa sa pianakahihintay ng mga tao ay ang mamasyal sa mga


resort or beach. Sa litratao ay kasama ko ang aking mga pinsan dahil
napagpasyahan namin na maligo at magtampisaw sa malamig na swimming
pool dito. Sulit ang bayad at talaga nga namang nag enjoy kami. Madami pang
pagkakataon na bumalik ako dito ngunit hindi na ako nakapag picture,
madaming magagandang lugar at pasyalan dito sa Malita na magaganda at
nakaka enjoy.

You might also like