You are on page 1of 3

SUNDAY C.

DOMINGO
BSED-3B

LEARNING ACTIVITIES
Activity 1. (10 pts. each). Sumulat ng tig-iisang halimbawa ng;

DYORNAL

January 10, 2022


Dear Diary,
Ito na yung araw na nagpaalam ako sa aking boss na aalis sa
kanilang bahay. Hindi ko gusto na umalis sa kanilang bahay
ngunit iniisip ko kasi ang aking pag-aaral, hindi kona kayang
pagsabayin ang aking pag-aaral at pagtratrabaho sa kanilang
bahay kaya nakapagdesisyon akong umuwi na lamang. Sa aking pag-
alis bakas sa aking mukha ang lungkot dahil mahihiwalay na sa
akin ang alaga kong aso na si Georgia, napamahal na sa akin ang
alaga kong ito dahil simula noong ako ay nagtrabaho sa kanila
siya lamang ang kasama kong naiiwan sa bahay, siya ang aking
kalaro at maging katabi sa aking pagtulog. Ngunit hindi lamang
ito ang pangyayari sa petssang ito sapagkat ito din ang petsa
na nakapagsimula ako muli sa online selling dahil kinakailangan
ko ng pagkakakitaan lalo na at working student lamang ako, sa
kabila ng aking lungkot na nadarama sa aking pag-alis sa
trabaho ay tinanggap ko ito ng magaan sa aking kalooban
sapagkat ito ay para rin sa aking sarili at upang mas matutukan
o mabigyan ko ng oras ang aking pag-aaral.

Nagmamahal,
SUNDAY C. DOMINGO

LAKBAY-SANAYSAY

ANG PAGLALAKBAY SA KASIBU, NUEVA VIZCAYA


Ang paglalakbay ay maituturing kong isa sa aking mga plano sa buhay sapagkat mahilig akong
pumunta sa mga pook pasyalan ngunit dahil sa kakulangan ng pera ay ang mga pasyalan na malapit
lamang sa aming bayan ang aking napuntahan pa lamang. Ang paglalakbay ay maituturing na isang
libangan na kung saan nakakatanggal ito ng ating mga problema at lungkot sa buhay lalo na kung
mayroon tayong mga nakikitang magagandang tanawin at iba pa.

Sa aking paglalakbay sa Kasibu, Nueva Vizcaya kasama ang aking mga kaibigan ay nakapunta
kami sa isang pinakasikat na tourist spot sa kasibu at ito ay ang Capisaan Cave ngunit dahil sa
kakapusan sa oras ay hindi na kami pumasok sa loob nito. Ang Capisaan cave ay ikalima sa
pinakamahabang sistemang kuweba sa bansa at na-raranggo sa pinakamahusay. Ito ay itinuturing na
paraiso at isang heologo ng dahil sa kanyang iba't ibang mga bihirang calcite formations at
natatanging estalagmita at estalaktita. Sa loob nito sa haba ng apat na kilometro ay isang ilalim ng
lupa at ilog na bilang isang daanan upang ang pinakamagandang bahagi ng ito multi-chambered cave.
Hindi man namin napasok ang loob ng kuwebang ito dahil sa kapos sa oras ngunit kami ay masaya pa
rin dahil sa nakita namin kung gaano kalaki ang kuweba at kung ipagkakaloob ng tadhana na
makabalik kami ay bibisitahin naming muli ang kuwebang ito at susubukang pasukin upang malaman
ang kayamanang itinatago nito.

Sa aming paglalakbay sa kasibu ay napuntahan rin namin ang Alimadin Falls na matatagpuan
sa Baranggay Papaya, Kasibu Nueva Vizcaya. Ang falls na ito ay hindi sikat at pahirapan ang daan
papunta dito ngunit pagdating mo sa mismong falls ay makikita mo ang ganda nito kasabay ng lamig
ng tubig na nagmumula sa falls, iisa lamang ang falls nito ngunit sa mismong baba ng falls na ito ay
may malaking butas na nakatitiyak akong ito ay malalim, kapansin pansin rin ang makapal na damo
damo sa paligid kung kaya’t masasabi kong hindi ito pinagtutuunan ng pansin upang alagaan at
pagandahin.

Ang dalawang magandang tanawin na aming nabisita sa aming paglalakbay sa kasibu ay naging
sapat na sapagkat kasama ang aking mga kaibigan ay nagsilbi itong bonding at nakatulong upang
iwanan ang mga problema kahit sa maikling oras.

TALAARAWAN

Mga Dapat kong Gawin


January 3,2022
❖ Gumawa ng mga gawaing bahay
❖ Pagsagot ng aking mga modyul
January 4,2022
❖ Gumawa ng mga gawaing bahay
❖ Itutuloy ang paggawa ng mga hindi natapos na gawain
January 5,2022
❖ Gumawa ng gawaing bahay
❖ Tapusin ang modyul sa asignaturang Natatanging Diskurso, at Dulang Filipino
January 6,2022
❖ Gumawa ng gawaing bahay
❖ Gumawa ng iskrip at magvivideo ng sarili
❖ Mag-eedit ng video at isumite sa Guro
January 7,2022
Gumawa ng gawaing bahay
Gumawa ng Quiz sa kahoot at Socrative
Ipagpatuloy ang paggawa ng gawain sa Elective modyul 6 at Prof Ed 4A modyul 6
January 8,2022
❖ Gumawa ng gawaing bahay
❖ Tulungan ang batang alaga sa kaniyang modyul
❖ Ituloy ang mga gawaing hindi pa natatapos
January 9,2022
❖ Gumawa ng gawaing bahay
❖ Mag-ayos ng gamit para sa paghahandang pag-alis bukas sa bahay na
pinagtratrabahuan
❖ Magpahinga
❖ Manood ng Movie

BIONOTE

Ako si Binibining Sunday C. Domingo, dalawampung taong gulang at kasalukuyang


nakatira sa P-1 buliwao, Quezon, Nueva Vizcaya. Ako ay nagmula sa isang mahirap na
pamilya kung kaya’t bata pa lamang ako ay marami na akong mga trabaho na natutunan at
alam gawin, ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid, ang aking mga magulang ay
sina Ginoong Samuel Domingo at Mary ann Domingo, sila ay kapwa hindi nakapagtapos ng
pag-aaral at parehas silang nahihirapan sapagkat sa kanilang kondisyon sa kalusugan. Bata pa
lamang ako ay pangarap ko ng maging isang Guro, ang pinapangarap kong propesyon na ito
ay hindi lamang para sa aking sarili bagkus ay para na din sa aking pamilya. Ako ay maliit na
babae ngunit may malakas na boses, sa ngayon ay sumubok ako sa online selling na naging
pansamantalang hanapbuhay ng marami simula nang dumating ang pandemya.
Noong ako ay elementarya lagi akong napapabilang sa unang seksyon at nakakatanggap
ng mga medalya at ribbon simbolo ng aking pagiging mahusay. Ipinagpatuloy ko ang aking
pag-aaral sa sakundarya sa tulong ng aking pinsan at sa awa ng diyos natapos ko ang aking
pag-aaral sa sekundarya ng may natanggap na karangalan. Sa kasalukuyan, ako ngayon ay
nag-aaral ng kolehiyo sa Nueva Vizcaya State University (NVSU) at kumukuha ng kursong
BSEd medyor sa Filipino.
Ako ay namumuhay ng simple at kuntento sa kung anong mga biyaya na mayroon ako
ngayon dala-dala ang aking mga pangarap para sa aking kinabukasan at sa aking pamilya. Sabi
nga nila “Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng mga pangarap” kung kaya’t habang
mayroong mga taong tumutulong sa akin upang makapagtapos ng pag-aaral ay hindi ko ito
sinasayang bagkus ay pinagbubuti ko pa upang hindi masayang ang lahat ng aking mga
ninanais at mithiin sa buhay lalong lalo na upang hindi ko mabigo ang mga taong
naniniwalang kaya kong lampasan ang laban na ito.

You might also like