You are on page 1of 3

DELION,ASIDA M.

BSED SCIENCE 1A

Instructor:Sir Amenoden L. Norodin

Asignatura:SOSLIT

Ang Aking Talambuhay

Bawat tao ay may mahahalagang pangyayari marahil ito man ay mapait o matamis na
karanasan sa buhay ngunit kailanma'y hindi mawawala at patuloy na mananatili sa ating mga
ala-ala.Marami ang nagsasabi na ang pinakamasayang araw na nangyari sa ating buhay ay ang
ipinanganak tayo,kaya kung ano man ang mga ito dapat nating pahalagahan at pagyamanin ang
buhay na ipinagkaloob sa atin ng may kapal sapagkat ang pagpapahalaga sa ating karanasan ay
isang batayan kung paano natin mabibigyang halaga ang mga nangyari sa ating buhay.

Ako si Asida Maronsing Delion ,Octubre 23,2002 nang aking nasilayan at naramdaman ang
kagandahan at kahigawahan ng ating mundong ginagalawan at kasalukuyang naninirahan sa
barangay Barorao, Balabagan,Lanao Del Sur.Ang aking Ina ay isa sa mga kagalang-galang na
guro sa mababang baitang ng Barorao Central Elementary School na nagngangalang Sinayanan
M. Delion.Ang aking ama naman ay isang masipag na magsasaka na nagngangalang Ali T.
Delion.Ako ang bunso sa aming anim na magkakapatid na kung saan ang madalas na tawag sa
akin ay Asing.

Masasabi kong payak lamang ang aking pamumuhay ngunit mapalad parin ako sapagkat
nakilala ko ang aking mahal na pamilya na kahit na anong mga pagsubok na dumaraan sa
bawat isa sa amin ay hindi kami nag-iiwanan bagkus kami ay sama-samang nagtutulungan.Hindi
man isang Ustazh o kaya'y Ustazha ang aking mga magulang ngunit masasabi kong napalaki nila
kami ng maayos na may takot at pananampalataya sa Allāh S.W.A.

Ang aking buhay ay maituturing kong pawang may mapait na karanasan.Noong ako'y nasa
murang edad pa lamang sa dalawang taong gulang ang aking Ina ay naopearahan ang kanyang
kanang suso dahil sa isang malalang sakit na kanser.Noong mga panahong iyon,gulong-gulo ang
isipan ng aking ama sapagkat bukod sa buhay ng aking Inay hindi niya alam kung saan kami
kukuha ng pambayad sa Hospital dahil Ilan sa aming mga ari-arian ay ipinagbenta ngunit
Alhamdulillāh sa aking mga kamag-anak na tumulong sa amin.

Setyembre 9,2009 ay sariwa pa sa aking isipan nang aking kanang mata ay aksidenting
natamaan ng isang sirang plato ng aking pinsan.Noong mga oras na iyon,tila 'diko maidilat ang
aking mata at patuloy na umiiyak sabay may sigawan sapagkat dumugo ang aking mata.Dali-dali
akong dinala ng aking mga magulang sa Hospital ng Regional Cotabato na siyang dahilan kung
bakit hanggang ngayon ay 'di pa rin ako nakakakita ng mabuti.Awang-awa ako sa aking Inay
dahil ang kanyang sahod lamang ang aming inaasahan sa aming pang-araw-araw na
pamumuhay at hindi ko naman masisi ang aking ama sapagkat isa lamang siyang magsasaka.

Sa taong 2013,ang panganay sa amin na si Alraida M. Delion ay nasa apat na taon na sa


kolehiyo sa kursong edukasyon sa dating mataas na paaralang Cotabato City Polytechnic
College nang nagsimulang makaramdam ng di pangkaraniwang sakit sa puso.Noong una,sabi ng
doctor siya raw ay gagaling ngunit ilang buwan na pero wala pa ring nangyayaring mabuti
sakanya at tuluyang pumapayat ,dahil dito siya'y naidala sa lungsod ng Davao Doc.
Hospital.Ganoon na nga ,dahil wala ng malalapitan para himungi ng tulong, lahat ng lupa na
mayroon ng aking magulang ay ipinagbinta at nangutang sa mga kamag-anak para lang
mailigtas ang buhay ng aking kapatid dahil ang kanyang buhay ay nasa malalang kalagayan.

Pebruary 14,2014 ,ako'y pupunta lamang patungong paaralan para sa pagsusulit nang
tumawag ang aking ina na iuuwi na raw ang aking kapatid,nong una akala ko iuuwi siya dahil
siya'y magaling na ngunit kabaligtaran ,iuuwi na raw siyaa dahil wala ng buhay.Nang marinig ko
ang mga salitang iyon tila di ako makagalaw na parang hindi ko alam kung ano ang aking dapat
na gagawin dahil sa subrang pagkabigla di ko namalayang tumutulo na ang aking mga luha.Ang
lumbay na aming karanasan ay napakasakit sapagkat alam kong hindi ko na siya makikita't
makakausap.Sa pagdaan ng ilang buwan,unti-unti kong natatanggap na siya ay wala na sa aking
piling.Malungkot mang isipin ngunit kailangan kong magpakatatag .

Pagkalipas ng ilang buwan ,taong 2015,hindi sa pagmamayabang ngunit ito ang taon ng aking
pagtatapos sa elementarya bilang isa sa mga magagaling na mag-aral sapagkat ako'y pangalawa
sa aming magkakaklase.

2016,taon ng aking unang pag-aaral sa sekondarya sa paaralang Sultan Mangalampa Dating


National High School,masaya ngunit di pa ring maiwasan ang mga hamon sa buhay.Sa mga
panahon namang ito ,nasagasaan ang aking ina ng kotse ngunit Alhamdulillāh hindi gaanong
masyadong malala pero aabot ng dalawang buwan bago siya makalakad ng mabuti.Minsan sa
tuwing iniisip ko,bakit lagi nalang ganito?sa tuwing umaangat ang aming pamumuhay ,may
dumarating na insidente?wala naman kaming ginagawang masama?lagi naman kaming nag-
dudu'a na sana hanggang dito lang sapagkat ako'y pagod na.Alam kong ito'y maling sabihin at
humihingi ako ng kapatawaran sa Allāh S.W.A. at napagtanto ko na dapat akong magpasalamat
sapagkat sa kabila ng lahat,hindi nya kami pinabayaan bagkus ginabayan niya kami at dahil dito
ito'y aming nalagpasan ng magkakasama-sama lalong dapat akong magpasalamat dahil alam
kong may mas malala pa rito at naniniwala akong bawat nangyari ito'y may dahilan at sa likod
nito'y may nakatadhana para sa amin.
Taong 2021,nakapagtapos ako ng sekondarya bilang isa na namang maipapagmamalaking mag-
aaral sapagkat ako'y kabilang sa mga honor na mag-aaral.Sa kasalukuyan,ako'y nag-aaral sa
mataas na paaralang Unibersidad ng Cotabato.Mahirap man (Dahil sa Pera) ngunit kailangan
kong magsakripisyo at magpatuloy sa pag-aaral dahil ito lamang ang natatangi kong alam upang
sa gayo'y In shã Allāh aking masusuklian ang paghihirap sa amin ng aming mga
magulang.Pangako kong aking pag-iigihan at pagbubutihan ang aking pag-aaral para sa aking
kinabukasan.

Sa kabuuan ng aking kuwento ng buhay,isang aral ang aking napakahalagang napulot ,iyon ay
kahit na anong pagsubok sa buhay ,huwag sumuko at mawalan ng pag-asa ,panalangin ang susi
sapagkat In shã Allāh darating ang panahon na ang iyong dalangin ay iyong makikita.Laging
pakatandaan ,kahit ano ang ating kalagayan at kahit saan man tayo ,ang Allāh ay laging nariyan
upang tayo'y gabayan.

You might also like