You are on page 1of 4

MACTAN NATIONAL HIGHSCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

FILIPINO SA PILING LARANG –


AKADEMIK

LAKBAY SANAYSAY

ERICKA YBAÑEZ
Isinumite ni:

MA’AM GLENNA MAY RAGANAS


Isinumite kay :
Di pa kami nakaligo nito kaya naisipan naming mag
picture para may mababalik tanaw kami sa kakulitan
namin. Kapatid ko ang kasama ko sa larawang ito,
ako yung nakasuot ng kulay kahel at kapatid ko
naman yung naka kulay black sa gilid ko. Nasa bahay
kami ng tiyahin ko nito, ito ay sa Naga City, Cebu.
Dito kami pinatuloy dahil malapit-lapit lang daw ito
sa Carcar, kung tatanongin niyo, sa araw bago kami
pumunta sa Mainit Spring in CarCar City ay
namasyal pa kami sa Naga Boardwalk, kaya nong
napagdesisyonan nilang bumisita sa probinsya di na
kami pinasama pauwi sa bahay at pinatuloy nalang
sa tiyahin ko. Kinuha namin ang larawang ito
bandang alas sais ng umaga kakataas pa lang din ng
araw. Pagkatapos naming mag picture dito ay agad na
kaming umalis at sabay-sabay nang bumayahe
patungo sa probinsya para maligo sa Mainit Spring in CarCar City.
Sa larawang ito makikita mong nakahawak ako ng
isang basong kape. Maaga kaming bumyahe nito para
mataas-taas ang aming oras na makakapagpasya
doon. Tandang-tanda ko pa noon gumising kami ng
madaling araw mga alas kwatro ng umaga. Nagising
kami dahil sa ingay at kulit ng aking mga pinsan,
palatandaang ginigising na nila kami para bumangon
at maghanda na para makabiyahe na agad-agad, hindi
kami naligo nong oras naiyon dahil narin sa sobrang
ginaw pa ngunit nagbihis kami na para bang nakaligo
na. Pagkadating namin sa probinsya sa bandang alas
nuwebe ng umaga agad akong kumuha ng baso at
nagtimpla ng kape para pampawala ng antok at
pampainit ng giniginaw na katawan. Hindi ko mawari
ang kasiyahan na aking nadama ng ako'y umupo sa
harap ng magandang view na ito kaya agad kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan
ito ng larawan. Ilang oras kaming pumasya muna sa bahay ng lolo't lola ko para makapag
muni-muni sa view doon at makapag-ani ng iba't ibang prutas na bunga doon para madala
namin sa aming pupuntahang Mainit, Spring. May malalaking puno ng buko doon na
sobrang kaaya-aya tignan na para bang nasa ibang bansa ka, sabayan pa ng maaliwalas
na hangin habang ako'y naglalakad-lakad sa paligid, wala akong ibang naramdaman kundi
ang kapayapaan ng aking isip.
Sadyang kay ganda nga naman talaga ng mga
view dito sa probinsya, noon makikita namin
puro malalaking gusali, maiingay na sasakyan,
kay rami ng mga tao, dito sa probinsya halos
mga nagsilakihang mga bukid at puno ang
makikita, ang masariwang hangin na tiyak
makakapagpagaan ng iyong nararamdaman,
ang ingay na iyong maririnig ay ang mga huni
ng ibon lamang napakatahimik ng lugar na yon
sobrang payapa kung baga. Kasing ganda ng
panahon ang view doon tunay nakakawala ng
pagod, stress, at makakalimutan mo bigla ang
iyong mga problema. Mabuti't sa araw na ito ay
maganda ang panahon, di gaanong mainit pero
may malakas-lakas na hangin na siyang nakakapagpa-sayaw ng mga puno. O kay ganda
tignan na para bang masaya rin ang mga puno habang sila'y napasayaw dahil sa hangin.
Sa larawang ito makikita niyo ang
bakas ng kasiyahan sa aming mukha
noong kami ay pumunta at naligo sa
Mainit Spring in Carcar City. Naganap
ito noong taong dalawang libo't
dalawang po't isa sa Nobyembre, sa
aking pagkakatanda nangyari ito
pagkatapos namin pumunta sa
sementeryo para bisitahin ang yumao
naming kamag-anak, kinabukasan
niyan napagsundaan naming umuwi ng
probinsya at maligo dito sa Mainit
Spring. Ang probinsyang inuwian
namin ay lugar kung saan nakatira at
lumaki ang aking tatay, sa madaling
salita sa father side ko ito at ang kasama ko sa paglalakbay na ito ay ang mga kamag-anak
ko sa mother side ko. Naisipan naming pumunta dito dahil sa kuryosidad ng asawa ng
kapatid ng nanay ko, napag-usapan lang namin kung gaano kalaki ang lupain ng lolo't lola
ko roon, mga tanim, mga prutas at ang view doon hanggang sa umabot na
napagdesisyonan nilang bumisita roon.
Pagkadating namin sa aming destinasyon
agad naming inihanda ang aming
dinalang mga pagkain. Yung j ang tiyohin
ko ay nagluto ng ibang pagkain at
naghanda ng maiinom, sa oras na iyon
nag tulong-tulong kami sa mga gawain
para mapabilis ang aming ginagawa at
makakain na agad. Habang nag hihintay
kami sa ibang pagkaing niluluto pa ay
napagkasundoan namin ng mga kapatid
ko na sumayaw sa TikTok para maibsan
ang aming nadaramang pahkagutom.
Habang Naghihintay ako sa kapatid ko na
nagtitiktok din ay kinuha ko itong larawan na ito dahil sobrang busy nila tignan at nag
hinay-hinay nadin kumain ang iba. Hindi gaano ka rami ang aming pagkaing inihanda
sakto lang para kami ay mabusog bago magtampisaw sa lawa. Ang mga pagkaing aming
inihanda ay mga iba't ibang putahi ng baboy at sinugbang isda, shrimp, biko, pansit at
may buko juice din na kung saan nakuha namin sa bunga doon kina lolo't lola.
Pagkatapos naming kumain ay agad
kaming naligo at nagtampisaw sa malamig
na tubig ng Mainit Spring, sobrang relaxing
and nakakachill ang view doon, maliban sa
masariwang hangin na sinabayan ng
magandang mga puno sobrang
nakakabighani din ang kalamig-laming na
tubig doon kahit na maliit lang ang espasyo
roon. Malalim din ang tubig doon, tanda ko
pa noong muntikan ng malunod ang aking
batang pinsan dahil bigla nalang siyang
bumaba para maligo pero di nya alam
sobrang lalim doon, mabuti't nakuha
kaadgad siya ng aking tiyuhin. Ang Mainit
Spring ay isang maliit na spring na matatagpuan sa kasulok-sulokang lungsod ng CarCar,
mahaba-habang biyahe ang iyang matatamasa bago makapunta rito pero worth it lang ang
lahat kapag nakadayo kana dito, puro puno ang makikita mo doon, bilang isang nature
lover sobrang na-aapreciate ko ang lugar na ito.
Ang parteng ito ay isang lawa na nasa gilid ng Spring na aming nililigoan, naligo kami dito
dahil napansin naming nalinis at mainit-init ang tubig sa parteng ito di gaya ng sa spring
na sobrang lamig. Habang kami ay nagtatampisaw at nagkakasiyahan dito bigla naming
napansin ang bilis ng daloy ng tubig. Palakas ng palakas ang aming boses kakakatawa
tanda na nagkakasiyahan kami ay siya ring paglakas ng daos ng tubig. Bago pa kami
pumunta sa parteng ito, biglang sumama ang panahon biglang umulan-ulan ng kunti at
dumilim ang kalangitan pero tuloy parin ang aming pagsisiya roon. Sa oras na bumilis na
talaga ang daloy ng tubig ay agad kaming nagdesisyon na umalis na doon at bumalik sa
spring. Nahihirapan pa kaming maglakad sa gitna ng tubig dahil madulas ang mga bato
doon at pabilis ng pabilis ang tubig. Saktong pagkabalik namin sa spring at kakababa
palang namin sa tubig doon ay bigla nalang nagsisigawan ang mga tao na nakasabay
naming naligo na papaalisin kami sa Spring dahil masama na ang daloy ng tubig, noong
una ay pasawalang kibo pa kami pero ng tinignan ng isa kong tiyohin ang sitwasyon doon
na namin nakumpirma na babaha na talaga. Habang kami ay nasitakbohan pabalik sa
aming kinabibilangang cottage ay tsaka na tumaas ang tubig. Kitang-kita ng dalawa kong
mata ang pagbilis ng pagtaas ng tubig, naghalo-halo na ang aking nararamdaman sa oras
na iyon pero na nangingibabaw ang takot at nerbyos. Sa isang iglap natunaw ang aming
kasiyahan. Ilang minuto kaming naghintay na bumaba ang tubig hanggang sa may isang
ale ang napadaan at nagka usap sila ng mga kamag-anak ko sabi niya malakas daw ang
ulan sa ibabaw ng bukid kaya baka siguro dumaloy ang tubig pababa dito sa Mainit Spring
at nakapagresulta ng baha.

You might also like