Professional Documents
Culture Documents
Ako ay interesado sa lugar na tinatawag nilang “Bulacan” dahil simula pa noong bata
ako, nababanggit na nila ang Bulacan kasi may kapatid sila nanay na taga-doon at umuuwi sila
tuwing may okasyon. Nakikita ko rin sa mga social media at TV na sa Bulacan ang lugar kung
saan gumagawa o naglilikha ng mga paputok na ginagamit natin tuwing bagong taon. Marami rin
pala ang Bulacan at akala ko iisang lugar lang ito. Pinapangarap kong pasyalan ito balang araw.
Sa pagpunta doon, sumakay kami sa van kasama ang buong pamilya at excited kaming
lahat na pumunta. Mahaba ang byahe kasi nagsimula kami ng madaling-araw at nakarating lang
kami doon ng halos gumabi na. Pagkarating namin doon, marami ang nakatitig sa amin. May
mga tambay doon, mga kapitbahay nila, at meron ring mga mukhang adik. Deretso kaming
pumunta sa loob ng kanilang bahay para makapagpahinga at maayos ang aming mga gamit para
sa susunod na araw.
Sa pagkagising naming ay agad kaming nag-almusal tsaka naligo kasi ipapasyal daw
kami sa kanilang pamiliang-bayan. Tinatawag nila itong Pulilan, pagkarating namin doon,
maraming tao agad ang sumalubong sa amin. Mahirap maglakad kasi masikip at puro siksikan.
Bumili kami ng lulutuin naming para sa aming tanghalian. Bumili rin kami ng mga damit at
shorts para sa karagdagang susuotin at bumili kami ng mga CD para sa movie marathon namin.
Meron silang Jollibee doon at doon na kami nagmeryenda tsaka na kami umuwi. Pagkauwi
namin, nagluto na sila ng tanghalian at pagkatapos ay kumain na kami. Nanood lang kami ng
mga binili naming CD buong hapon at sa gabi ay kumain na kami ng haponan, nanood ng TV, at
natulog na ulit.
Basketball Court, Mayo, 2016
Ibang-iba ang estilo ng buhay doon kompara dito sa probinsya. Masayang masaya ako
dahil nakapunta na ako sa Bulacan na dati pinapangarap ko lang puntahan. Sa tagal ko na dito sa
mundo, yun palang ang pinakamalayo kong napuntahan dahil hindi ako komportableng bumyahe
ng malayo.