You are on page 1of 1

PAGHABOL SA BOHOL

Nasa General Santos Airport kami nang may nakilala kaming isa ring turista na
papunta ng bohol, siya ay masiyahin at madaldal, nakasabay namin siya sa eroplano
papuntang bohol, kami ay nag kwentuhan at nang pababa na kami ng eroplano bigla
niyang naitanong kung saan kami pansamantalang maninirahan at nung nalaman niya
na pareho lng kami ng tutuluyan ay niyaya nalang niya kaming sumabay sa kanya
papunta doon, nang kami ay nakalabas na ng airport ay may biglang sumundo sa
kanya na isang pang pribadong van, pag dating sa hotel na aming tutuluyan kami ay
namangha dahil sa ganda, linis at pagiging organisado nito.

Kinabukasan tinanong namin sya kung ano ang pinunta niya sa Bohol sabi niya
gusto niya raw makita ang chocolate hills.Habang kami ay naglalakad madami din
kaming nakitang mga manlalakbay.Karamihan sa mga manlalakbay ay mga banyagang
turista.Limang araw pa sila mamalagi sa Bohol at kami naman ay isang linggo.

Unang araw namin sa Bohol ay kaagad naming tinikman ang kanilang delicacies
kalamay,ube polvoruna at torta at sadyang napakasarap nga naman ng mga pahkaing
inihain samin at abot kaya pa sa bulsa.Pagkatapos naming kumain pumunta kami at
namasyal sa serpentarium,namangha kami sa mga nakita namin dahil kay daming uri
ng ahas sari-sati at sadyang napakarami talaga hinawakan namin ang isang aha na di
makamandag iba talaga ang nararamdamang takot namin.

Lumipat kami sa Chap Body ball dito nararanasan namin kung ano ang
pakiramdam sa loob ng isang hamster ball.Sa pangatlong araw wala kaming gaanong
ginawa dun. Pang-apat na araw ay pumunta kami sa Loboc River kay ganda talaga ng
lugar at ang presko ng hangin ng malalanghap mo. Nag river paddleboard kami sa
labok river at ako ay naaliw dahil sa aktibidad mas na e-enjoy ko ang ganda at alagaan
ang kalikasan.

Sa pang limang araw ay nag camping kami malapit sa chocolate hills at sa pang
anim naman na araw ay nag eco hiking kami, kami ay naaaliw sa mga aktibidad na
aming ginawa sa aming pang huling araw, sa ikapitong araw ay pumunta na kami sa
aming totoong pakay sa bohol na chocolate hills ati hndi lami binigo dahil papalapit pa
lamang kami ay nasisilayan nanamin ang ganda at mala-berdeng kulay ng
bulubundukin kaya hindi na nakapag tataka kung nasali ito sa 7 wonders of the world, at
pagkatapos sa huli naming destinasyon bumalik na kami ng hotel at nag impake na
para sa pag uwi namin kinabukasan.

You might also like