You are on page 1of 2

Ilocos Sur

Isa sa mga hinihintay ng mga mag- aaral ang fieldtrip kung saan sila ay namamasyal
kasama ang buong klase. Nagpupunta sa mga magagandang lugar na kung saan nakakakuha rin
ng mga kaalaman. Noong ako’y nasa ika-7 baitang sa hayskul kami ng aking mga kapwa mag-
aaral at mga guro ay nagpunta sa Ilocos Sur bilang bahagi ng aming edukasyonal na fieldtrip.
Sa una ako ay nagtaka kung bakit kaya sa Ilocos Sur ang pinili nilang destinasyon namin
at habang kami ay naglilibot doon ko napagtanto kung bakit. Dahil bukod sa angkin nintong
ganda marami rin itong mga lugar na makabuluhan at mapagkukunan ng aral.
Habang kami ay papunta sa aming destinasyon
kami ay huminto muna sa tabi ng daan kung saan
pwedeng timigil at kumain muna ng aming agahan,
ito rin ay may magandang tanawin ng dagat at mga
bulubundokin isabay pa ang kulay ng langit sa pagtaas
ng
araw.

Pagkatapos mag umagahan kami ay nagpatuloy sa


aming byahe. Pagkatapos ng higit isang oras ay
nakarating na kami sa Vigan, Ilocos Sur kung saan
una kaming pumunta sa Vigan Cathedral kung
saan kami ay nag dasal ng taimtim at humingi ng
gabay at proteksiyon para sa araw na iyon.Sayang
nga at hindi na naming naabutan ang misa.
Isa rin sa pinuntahan naming ay ang Vigan Arce
Mansion kung saan ay kami ay natuwa ng lubos sa
mga nakitang mga antique na mga kagamitan. Hindi
man naming pwedeng hawakan ngunit ang mga mata
naming ay busog na busog lalo nat may nagkukuwento
rin na tour ng guide ng mansion kung ano ang mga
gamit at sino ang mga gumamit ng mga ito noon.
Bilang
isang
batang mahilig sa history at kultura ng pilipinas
ang puso ko sobrang nagagalak sa mga nakita.
Sunod naman naming
pinuntahan ang Hidden Garden/ Botanical Garden
kung saan nakakita ako ng mga iba’t ibang uri ng
mga halaman, mapa maliit man ito o malaki. At
mayroon ding mga halaman na unang beses ko lang makita doon. Napakaganda ng lugar na ito
lalo na’t napakapresko ito sa mata dahil puro berde at halaman lang ang makikita.
Pagkatapos naming sa Botanical Ganden kami ay pumunta sa Bantay, Ilocos
Sur para kumain ng pananghalian sa Mang Inasal. Napakayang tignan na puno ang kainan ng
aking mga kaklase. Magana kaming kumain sapagkat ito ang gusto naming lahat na panang
halian. Matapos kami kumain pumunta kami sa Calle Crisologo para bumili ng mga pasa-lubong.
Huli na naming pinuntahan ang Baluarte
Zoo kung saan kami nagtagal ng lubos. Buong
hapon kami nadoon kaya lahat ng parte ng lugar at
mga hayop ay nakita naming. Nag enjoy din ako sa
mga palabas ng mga nagtratrabaho doon kung saan
pinapakita nila ang mga kayang gawin ng mga
hayop na nandoon kagaya ng parrot na napakalaki
at makulay. Ipinakita din nila ang mga hayop na
hindi basta basta makikita dito sa bansa tulad ng
mga butiking mula pa sa ibang bansa. Pina hawak din nila sa amin ang mga ahas na kung saan
medyo natakot ako ng kaunti. Pagkatapos ay sumakay naman ako kasama ng kaklase ko sa isang
donkey na kung saan ililibot ka at ipupunta ka sa Baluarte safari gallery. Napakarami akong
nakita at natutuhang bago sa aming mga pinasyalan doon.

REALISASYON:
Ang aking naging realisasyon sa aking paglalakbay ay hindi dahil familiar
kana sa lugar na ito ay wala na itong ibibigay na iba batay sa iyong unang pagpunta dito. Dahil
napagtanto ko na ito ang pinili nilang destinasyon namin dahil madami pa palang pasabog ang
Ilocos Sur na naghihintay madiskubre ng mga tao. Hindi lang ito masagana sa natural na ganda
dahil madami pang mga nakatagong kayaman at angking ganda dito.

You might also like