You are on page 1of 1

Paglalakbay? Ano nga ba ang dahilan kung bakit gustong maglakbay ang isang tao? Bakit nga ba?

Dahil ba sa mga alaala na mabubuo, sa saya na masasaluhan, sa matutuklasan o maaaring masasaksihan,


o sadyang gusto niyo lang maglakbay ng walang dahilan. Basta ako? Ako ay naghahanap pa ng dahilan.

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong
lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang
bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip.

Likas na sa aming magkakapamilya ang mamasyal at maglakbay sa iba’t ibang lugar upang
magliwaliw, magsaya at magbou ng alaala. Bilang isang kabataan, gustong-gusto ko ang maglibot-libot sa
mga lugar na maganda. Gusto kong makaranas kung ano ang sayang maidudulot nito at mga
magagandang ala-ala.

Ang Vigan ay matatagpuan sa Ilocos Sur. Kami ay bumiyahe gamit lamang ang bus mula alas dyis
ng gabi hanggang madaling araw. Ang Calle Crisologo ang pokus ng aming paglalakbay ngunit bago
namin patunguhan iyon ay may mga simbahan pa kaming dinaanan. Tatlong simbahan ang naaalala
kong aming pinuntahan. Ang isa dito ay ang Vigan Cathedral Church. Ito ang unang simbahan na aming
pinuntahan at kulay puti ang buong simbahan. Ang pangalawang simbahan naman na aming pinuntahan
ay ang St. Augustine Parish. Isa itong pilgrimage site at kinikilala ding Apo Caridad. Naalala ko din na ang
kanilang “patron saint” ay kinikilalang Lady of Charity. Ang huling lugar na aming pinuntahan ay ang
Bantay Bell Tower. Katabi nito ay may simbahan din. Sa Bantay Bell Tower, kinakailangan umakyat ng
mataas na hagdan upang marating ang kampana sa tuktok. Para sa ain, ito ang lugar na aking
pinakana-“enjoy”.

Ang pinakahuli at pokus ng aming paglalakbay tulad ng aking sinabi ay ang Calle Crisologo. Ito
ang pinakasikat na kalye at nagsisilbing “tourist spot” ng Vigan. Sa kalyeng ito, makikita ang kasaysayan
at kultura ng Pilipinas. Makikita na sobrang “preserved” ang mga estraktura dito. Madami din ditong
kalesa at ginagamit ang mga ito upang malakbay ang mahabang Calle Crisologo. Ang isa namang
produkto na kilala ang Vigan ay ang empanada. Bawat sulok sa Calle Crisologo ay may nagtitinda ng
empanada. Sobrang haba ng kalye na ito ngunit masaya ito lakarin. Kung kayo ay interesado puntahan
ang Vigan,siguraduhing magsuot ng “rubber shoes” at ng sombrero dahil maraming lakad ang iyong
gagawin sa ilalim ng init.

Ang Vigan ay siya ring matandang kabesera ng buong Ilocos noong hindi pa ito nahahati sa
dalawang lalawigan. Ang salitâng “Vigan” ay nagmula sa kabigaan o lugar na maraming tanim na bigaa,
isang uri ng bungang-ugat na gaya ng gabe. Ang matatandang bahay-na-bato at kalsada ng Lungsod
Vigan ay nahahawig sa makikita sa Intramuros, Maynila. Dahil dito, tinagurian ito ngayong “Intramuros
sa Hilaga.” Dinarayo rin sa Vigan ang matandang katedral na may malalaking imahen ng mga estasyon ng
krus na nililok ng kamay, gayundin ang malalaking bornay at hinabing telang Ilokano.

Ang naging konklusyon ko sa aking paglalakbay at sanaysya na ito ay huwag mong kakalimutan
ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga
lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At higit sa lahat ay
magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga Biyayang ating natanggap galing sa kanya.

You might also like