You are on page 1of 2

AGRICULTURE TOUR

Bilang isang kabataan, kami ay napaisip kung ano pa nga ba ang tinatagong ganda ng aming kapaligiran.
Kung kaya’t sinimulan namin ang paglalakbay na ito. Mula sa malawak na lupain ng taniman hanggang sa
katangi-tanging galing sa pagsasaka, dito nakilala ang Nueva Ecija. Lungsod ng may mausbong at
masaganang pamumuhay ng mga Novo Ecijanos.

Ang unang destinasyon namin ay ang bayan ng Munoz na kung saan dito natin makikita ang tanda ng
tinaguriang Rice Granary ng Pilipinas, ang nagniningning na palayan. Ang pagsasaka man ay hindi biro,
ngunit ang mga Novo Ecijanos ay tuloy parin sa nakagawiang pamumuhay. Nakita naming sumasabay sa
ang mga magsasaka sa napapanahong makabagong teknolohiya. Ito man ay hightech, ngunit ito ay mga
bagong sustainable agriculture technologies na kung saan ay eco-friendly. Nakatutulong daw ito sa mga
magsasaka upang masubaybayan ang growing environment ng palay. Sa usapang pagkain naman,
nagtungo kami sa bayan ng Cabanatuan upang tikman ang mga potaheng tatak ng Nueva Ecija. Dito
namin natikman ang nakakatulo-laway na Longganisa Carbonara na gawa sa Special Longganisa, Sinigang
na Bulalo na pinagsamang Sinigang at Bulalo, Letchon Sinigang at Pork Sisig. Naglakbay naman kami sa
Barangay Calaanan, Bongabon na kung saan namin nakita ang ganda ng lawa na tinatawag nilang
“Dilalam.” Dito nanggagaling ang mga patubig sa mga pananim ng mga magsasaka. Ang bayan din ng
Bongabon ay may espesyalidad na pagkain gaya ng Tinumis at Arso Leche. Ang tinumis ay inasiman gamit
ang sampalok at ang Arso Leche naman na gawa sa gata. Pagkatapos sa pagkain, kami ay pumunta sa isa
pang pambato ng Bongabon, ang talon ng Calaanan. Malinis, malamig at nakagiginhawang agos ng tubig
galing itaas. Pero bukod pa roon, nagtungo kami sa patok din sa bayan na ito, ang Giron Botanic Culture
and Arts Center na matatagpuan sa Barangay Sinipit. Kasulit-sulit na tuluyan ito sapagkat hindi ka lamang
makapagpapahinga kundi ikaw ay may makukuhang aral sa pagtatanim. Ito ay isang tuluyan at paaralan
ng agrikultura. Ngunit hindi lamang pagtatanim, kundi ang lungsod ng Nueva Ecija ay may alternatibong
pamumuhay lalo na sa mababang presyo ng palay ngayon. Isa na rito ay ang paggagatas ng kalabaw at
baka na natagpuan namin sa Central Luzon State University ng bayan ng Munoz. Ibang klase ang
pagtulong sa magsasaka ang nagagawa ng inumin na ito dahil ito ay naibebenta sa mga local dairy social
enterprise na siyang pinagkakakitaan.

Ang paglalakbay na ito ay hindi lang pagbisita sa palayan ng Central Luzon, makikita rin natin dito ang
pag-usbong ng Agritourism sa nueva Ecija.

Kami ay naglakbay sa lungsod ng Nueva Ecija, na kung saan ito ay tinaguriang Rice Granary ng Pilipinas.

***
“Palayan lang yan,” ngunit sa aming palagay, ang

Ang paglalakbay na ito ay nagbunga ng mga bagong kaalaman

You might also like