You are on page 1of 2

Tapi, Home of Papisik Festival

Isinulat ni Bb. Glory Mae V. Atilledo

Bahay na gawa sa tapi, dito nakilala ang lugar ko na ipinagmamalaki ko, Tapi. Noong
unang panahon daw ay may bahay dito na gawa sa kahoy o tapi. Kaya ang mga naglalakbay
kapag nakita na nila ito sinasabi nilang “ Ay, nandito na tayo sa bahay na Tapi at sa kalaunan
naging Tapi”. Isa sa mga hinahangaang barangay sa lungsod ng Kabankalan. Binubuuo ng 32
purok at labindalawang libong taong naninirahan dito.Malayo man sa lungsod, ito’y puno naman
ng tradisyon at kultura na nakaukit sa bawat isa. Tapianon, kilala kami sa tawag na ito.
Ako si Bb. Glory Mae V. Atilledo, 23 taong gulang at sa biyaya ng Diyos ay nagtuturo
ngayon sa Mataas na Paaralan ng Tapi. Ito ay may 57 mga guro at may lawak na 5 ektarya.
Tinagurian ang paaralan na ito bilang “ Haven of Excellence”. Nakakuha rin ito ng 3 star sa
SBM Wash Program sa school. Mayroon ding Mababang Paaralan ang Tapi at paaralan para sa
mga bata, ang Saint Lorenzo Primary School.
Tuwing Abril ay ipinagdaraos dito ang Papisik Festival. Ito ay isang pagdiriwang ng mga
Tapianon na kung saan magpapaligsahan ang bawat tribu sa highlights ng kapiyestahan. Ang
Papisik Festival ay hango sa galaw at kilos ng isang manok. Ito rin ay batay sa isang delicacy ng
mga Tapianon, ang Papisik. Isang luto ng manok na kung saan ang tanging sangkap lamang nito
ay asin. Lilinisan lamang ang manok at papaupuin sa kalderong may asin hanggang sa maluto
ito.
Tuwing Setyembre, ipinagdiriwang din dito ang piyesta ni San Lorenzo ang patron ng
mga Tapianon. Maraming mga activity, at may ginaganap ring koronasyon na kung saan ang
mga kasali dito ay ang iba’t ibang purok ng Tapi.
Dalawampu’t dalawang kilometro ang layo sa lungsod. Ngunit kilala at binabalik-balikan
ng mga tao. Ang lugar na ito ay mainit sa mga gusting pumunta. Hitik sa kultura at mabubuting
tao. Baguhan ka man sa lugar na ito ay tiyak hindi ka matatakot datapwat maaliw ka sa mga
tanawin at mabubuting loob ng mga tao.
Kaya, ipinagmamalaki at buong giliw kong pinapakilala ang lugar ko, Tapi. Huwag ng
magpatumpik-tumpik pa, punta kana. Maikli lang ang buhay, punuin mo ito ng masasaya at hindi
makakalimutang mga alaala, at dapat kasali na rito ang lugar ko. Basta TAPIANON,
BASKUGAN!

You might also like