You are on page 1of 4

PAGKAKAIBA NG PISTA NG

MGA IBANAG AT NG MGA


ILOKANO
IPINASA KAY:

Bb. Mary Grace Velasco


IPINASA NINA:
Lovely Lajo
Julie Ann Corpuz
Jan jan Principe
Angela Galvez

INTRODUKSYON
Tayong mga Pilipino ay nilikha ng panginoon at dahil sa katalinuhan niya, hindi nya ginawang
magkakatulad ang kultura at wika upang malaman ang halaga nito. Bawat taon na lumilipas ipinagdiriwang ang
pista.Tuwing buwan ng mayo ay nagkakaroon ng masasayang samahan. Ibat ibang paligsahan ang
matutunghayan sa umaga man at gabi. Sari saring putahe ang matitikman, ibat ibang amoy ang malalanghap, at
iba-ibang tao ang makakasalamuha. Dahil dito nagkakaroon ng bagong kaalaman at bagong kaibigan ang bawat
isa sa atin. Minsan ito rin ang nagbubukas ng pintuan tungo sa magandang samahan ng mga ibanag at mga
ilokano.
Ngunit naitanong niyo na ba kung paano ipinagdiriwang ng mga ibanag ang pista sa kanilang barangay?
Anu ano kaya ang pagkakaiba ng mga ibanag at ilokano tuwing ipinagdiriwang ang araw ng pista? Sa araw ng
pista, ginigising ng musika ang mga tao at nagkakaroon ng misa sa simbahan. May ibat ibang palaro gaya ng
bitak banga,palosebo,hulian ng biik, atbp. Marahil ang pagkakaiba nito tuwing pista ay mas maraming
namamasyal o dumadalo sa mga ibanag kaysa sa mga ilokano. Kumbaga walang kabuhay-buhay ang pista ng
mga ilokano. Hindi mabubuo ang samahan ng isang barangay o lugar kung walang mangyayaring pista. Mas
nagiging aktibo ang mga kabataan kung nagkakaroon ng pista dahil alam nating maraming paligsahan ang
masasalihan at masasaksihan.

KATAWAN
Ang pista ay isang magandang okasyon na nagaganap sa ating buhay. Sapagkat dito tayo nakakaranas ng
kasiyahan, kagalakan at marami pang ibang mararamdaman lalo nat kung darating na ang mga kakilala. Ang
pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon. Kasama na dito ang mga makukulay na
parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan.
Sa mga ibanag ay talaga namang napaka-kaengrande. Bawat bahay ay may handa tulad na lamang ng
letchon, kakanin, adobo, kaldereta at marami pang ibang masasarap na luto. Kahit walang pera ay ginagawa nila
ang lahat para lang may maihanda sa araw ng pista. Ilang araw bago magpista ang mga tao ay naglilinis ng
kanilang mga bahay at mga paligid. May mga magagandang kurtina sa mga bintana. Ang mga kalye ay may
mga dekorasyon. May mga ginupit-gupit na makukulay na plastic. Ang mga ito ay sa pisi nila sinasabit sa mga
daan. Sa mga ibanag, kapag pista ang may bahay ay hindi na nakakakain o nakakapagsimba dahil sa dami ng
kanilang mga bisita at hindi rin nila nakikita ang mga pagdiriwang dahil pagod na pagod na sila pagdating ng
gabi. Karaniwan din pagkatapos ng pista ay ubos ang handa at malaki ang utang ng naghanda. Isa sa
pinakatampok tuwing pista ay ang mga salo salo o handaan. Bukod sa pagiging likas na masayahin, likas din sa
mga ibanag ang pagiging mapagbigay. Sa katunayan, kapag sasapit na ang pista ay binubuksan ng bawat
tahanan ang kani-kanilang mga pintuan sa sinumang bisita, kakilala man nila ito o hindi. Kadalasan pa ngay
bago pa man tuluyang makauwi ang bisita ay binibigyan pa sila ng pabaong pagkain.
Ang pista naman ng ilokano ay simple lang. Walang saysay sa iba at hindi nila binibigyan ng halaga.
Kadalasan ngy hindi na rin ito ipinagdiriwang dahil may mga taong hindi inaalala ang araw ng pista. Ang mga
may kaya nalang ang naghahanda subalit nagkakaroon din naman ng simpleng programa. Sa programang ito ay
may sayawan, kantahan, pa-raffle at may pakontes. Ang pista ng mga ilokano ay bahay bahay at may sarisariling ginagawa. Minsan ang mga kalalakihan ay magdamag ang inuman at kantahan sa may videoke. Sinasabi
ng ilan ay kuripot ang mga ilokano dahil hindi sila naghahanda. Tinaguriang kuripot ang mga ilokano pero ang
iba naman ay nagkakaroon ng liga bawat purok. Tuwing umaga naman ay nagkakaroon ng mga palaro para sa
mga batang gustong maglaro.

KONKLUSYON
Tinanong naming ang ilang magaaral sa Monico Rarama National High School kung ano ang pag
kakaiba ng pista ng mga ibanag at ng mga ilokano;
Sa mga ibanag ay may mga kantahan, sayawan at inuman ng mga lalaki, may mga nagkakatay ng mga
hayop tulad ng baboy. Karamihan sa iba naming nainterview ang pareho lang naman ng kanilang sinasabi at sa
mga ilokano naman ay sinasabi nilang hindi sila naghahanda tuwing pista nila dahil ang kapitan lamang ang
may kakayahang mag-utos ng kanilang gagawin .Ang kapitan ang nagsasabi kung paano nila ito ipagdiriwang.
Sa parke lang sila nagtitipon-tipon upang ipagdiwang ang pista at pag gabi ay meryenda lamang at ang mga iba
naman ay bumibili. Ang mga tao ay nahihiyang pumunta sa bahay ng kanilang kapitan kaya naman ay sa parke
nalang sila dumadalo.
ANU-ANO ANG PAGKAKAIBA NG PISTA SA MGA IBANAG AT SA MGA ILOKANO?
1. Ang mga ibanag ay naghahanda ng maraming pagkain.
2. Ang mga ilokano ay hindi naghahanda dahil kuripot ang ilan sa kanila.
3. Ang pista ng mga ibanag ay Masaya,kumpleto,sulit na sulit at maraming paligsahan ang mapapanuod.
4. Ang pista ng ibanag ay kainan at ang pista ng mga ilokano ay bahay bahay lamang.

You might also like