You are on page 1of 2

Introduksyon

Ang rehiyon ay napapaligiran ng tubig at bukod pa rito, ito rin ay mabundok at may
malalim na lambak at dalampasigan. Ang Leyte ay mabundok samantalang ang Samar
ay maburol at walang kapatagan. Mayroon itong maalong dalampasigan dahil nga alam
naman natin na ang rehiyong ito ay napapalibutan ng karagatan. Walang takdang
panahon para sa tag-init o tag-ulan na siyang nagsisilbing balakid sa pag-unlad ng
rehiyon. Madalas dalawin ng bagyo ang rehiyon dahil sinasabing ito ay nasa “typhoon
belt”.

Tradisyon ng mga Waray


https://www.youtube.com/watch?v=e8lIY_wAlAw
Karamihan sa mga tradisyon ng mga Waray ngayon ay minana noong sinauna pang
panahon. Ang kanilang hilig sa pulseras, lalong lalo na ang ginto, ay mapapansin pa rin
hanggang ngayon. Ang mga Waray ay kilalang-kilala rin dahil sa kanilang husay sa
paghabi ng mga banig; tikug ang kanilang pinakamagandang material, habang berde at
(maroon) ay ang kanilang kilanling mga kulay. Dumako naman tayo sa pista ng mga
Waray.
Mga Pista
Ipinagdiriwang ang piyesta sa lahat ng mga bayan at mga barangay o baryo sa Samar
at Leyte, ayon sa naging kagawian ng mga Pilipino. Ito ay isa sa mga impluwensya ng
mga Kastila lalo na sa ating buhay pananampalataya. Ang bawat bayan, gayon din ang
mga barangay na kasakop nito, ay mayroong piyesta na ipinagdiriwang sa nakatakdang
araw sa bawat taon. Kainan at sayawan sa plaza ang ilan sa mga masasayang
okasyon.
Halimbawa ko na lamang din, na sa bayan ng aking ama dinaraos ang piyesta tuwing
ika-13 ng Hunyo, kapistahan ni Senor San Antonio de Padua, ang patron ng mga may
nawawalan. Maraming mga taga karatig bayan at mga nakapalibot nitong baryo ay nag
sisipagdatingan. Ang simbahan ay nag-uumapaw ng mga tao na nagsisindi ng mga
kandila sabay bulong ng kanilang mga taimtim na panalangin.
Merong parada, prosisyon, at perya. Sa gabi naman may paligsahan ng kantahan at
mga dulaan na siyang nagdudulot ng kasayahan sa lahat. Nagdadagsaan ang mga
bakasyonista galling Maynila at sa iba’t ibang bansa – Hongkong, Amerika, Saudi, Italya
at iba pa. Talaga nga naman, ito ang napakasayang okasyon na pinaka-aabangan ng
lahat.
(Pagtapos ng tradisyon at kultura)
Karagdagang kaalaman:
Saan ba kilala ang mga Waray?
Bawat probinsya ay kahit papaano mayroong isa man lang bagay na maipagmamalaki.
Ang mga Waray ay kilala bilang matitigas ang mga dila pag nana-nagalog. Tiyak na
malutong ang hagikhikan ng mga tagalog tuwing naririnig nilang managalog ang mga
Waray. Kilala rin ang mga Waray sa tuba, pulang alak hango sa niyog. Ito ay palaging
kasama tuwing may magandang okasyon o di kaya pangpalipas pagod pag galing sa
bukid. Kilalang masayahin ang mga Waray. Tuwing inuman o may pagtitipon, sila ay
nagsasayawan at nagkakantahan ssa loob man o labas ng bahay, o di kaya sa tabing
dagat tuwing may “picnic”. At panghuli, katulad ng palagi natin naririnig at naging pag
kilanlan na rin sa mga Waray ay ang kanilang pagiging matatapang, ngunit kahit na sa
ganun sila ay wagas pa rin kung magmahal, lalung-lalo na ang mga kalalakihan.

KONKLUSYON
Ang ating bansa ay nasakop ng mga dayuhan kaya maraming tayong mga nakuhang
kultura, paniniwala, kaugalian, at mga tradisyon mula sa kanila. Sinasabing ang
mga wikang ginagamit natin dito sa Pilipinas ay mga magkakapatid kaya’t minsan may
pagkakapareho ang mga ito. Ito rin ang dahilan kung bakit may pagkakahawig ang ating
mga paniniwala. Ang Wika ang dahilan kung bakit hanggang ngayon patuloy
itong naisasabuhay at naipapasa sa mga kabataan. Ang mga paniniwalang ito ay
isa sa nagbibigay identidad sa ating bansa. Hindi lang wika ang nagsisilbing
pagkakakinlanlan ng isang bansa, kundi kasama rin dito ang mga paniniwala,
tradisyon, kaugalian, at mga kultura ng isang bansa. Sa paglipas ng panahon angating
inang bayan ay patuloy na sumasabay sa agos ng buhay pati na rin sa pagiging
moderno ng mga teknolohiya.

You might also like