You are on page 1of 2

LAST NAME, Given MALACAD, Regine B.

SCORE
Name, M.I.
Subj Code and Section: RPH 0004-21

Title of the activity: Sync Activity#4

Date Due: April 10, 2022

Reaksyong papel tungkol sa pagkakakonekta ng kulturang Austronesiano at pagkakatulad ng


pagkakakilanlan ng mga Pilipino (Moana)

Ang palabas na Moana ay maraming kakikitaan na Austronesiang kultura sapagkat dito ay


gumagamit sila ng mga lengwahe lalong lalo na sa kanilang kanta at pati na rin sa physical na
karakter sa Moana. Ang kanilang hanap-buhay ay pangingisda dahil sila ay nakatira sa tabing
dagat katulad ng mga Austronesiano at Pilipino. Sila din ay naglalayag gamit ang bangka,
may mayabong na agrikultura, at iba pa. Tayo ay magsimula sa pagtalakay tungkol sa paggamit ng
mga austronesiano ng polynesian language dahil galling ito sa indigenous people na naninirahan sa
pacific islands. Sa kanta na “Tuluo Tagaloa”, makikitaan ito ng Austronesian na lengwahe dahil sa
paulit-ulit na pantig ng lyrics nito katulad na lamang ng “Sei e malamalama”, at “E lelei”. Ang ibig
sabihin ng kantang “Tuluo” ay “pardon us” at ang “Tagaloa” naman ay “God of oceanic sea”. Ang
kantang ito ay hango sa wikang Samoan. Samantala ang isang kanta pa sa Moana na “An Innocent
Warrior” ay parehas din na may paulit na pantig sa lyriko nito tulad ng “pelepele”, at
“mafanafanaga”. Ang kantang ito naman ay hango sa wikang Tokelauan. Dagdag pa dito ang
kantang “We know the way” na kung saan ay pinaghalong wika ng Samoan at Tokelauan. Sa
kabilang banda, sa ating bansa, tayo rin ay gumagamit ng sariling wika sa ating kanta na may
paulit rin na pantig tulad na lamang ng “Tayo na! Tayo na!” ng siakol. Mayroon din namang
pambatang kantang katutubo katulad na lamang ng “sisiritsit alibangbang” ni Lea Salonga na
nangangahulugan na kapag hindi nagpautang ang may ari ng tindahan ay dadayuin di umano ito ng
Tayo ay dumako naman sa kanilang kabuhayan o pinagkukunang yaman. Dahil sila ay
nakatira sa gilid ng dagat, ang pangkaraniwang hanap-buhay nila ay pangingisda katulad ng ating
mga katutubo sa ating mga isla. Hindi lamang pangingisda ang makikita na hanap-buhay nila
kundi pati na rin ang paggawa ng basket gamit ang dahon ng saging dahil sagana ang kanilang isla
sa puno ng saging at pati na rin puno ng buko na karaniwan namang matatagpuan sa bawat isla
dito sa ating bansa.

Bukod pa doon, sumasalamin ang kanilang pisikal na karakter at pag-uugali sa kultura ng


Austronesian at mga Pilipino. Tulad na lamang ng nasa larawan na kung saan sumasayaw si
Moana bilang tradisyon o kaugalian ng kanilang katutubo. Ito rin ay sumasalamin sa sining at
relihiyon. Ginagawa ito bilang pasasalamat sa panginoon upang mas dumami ang biyayang
matatanggap at para na rin umunlad ang kanilang tribo. Pwede rin namang ito ay
nangangahulugan bilang pantaboy sa masasamang Espiritu o kaya naman iwas sakit at maayos na
kalusugan. Tayo at ang ating mga ninuno ay minana pa ito sa ating mga kanunu-nunuan. Kung
kaya’t marapat dapat lamang na igalang natin ang kanilang paniniwala at tradisyon kahit pa na ito
ay naiiba sa ating kultura. Tayo man ay pinagbuklod ng iba’t ibang kultura, paniniwala o iba pa,
masasabi kong ito ay magandang pamana na dapat hindi kinakalimutan dahil dugo at pawis ang
nasa likod nito kapalit ang Kalayaan.

You might also like