You are on page 1of 1

“ Walang yaman sa kasalukuyan kung wala ang bawat wikang naguging batayan.

Wikang may
sistema, arbitraryo at daynamiko”.
Tanyag na nakakaaliw at nakakabighani ang wikang waray-waray na aking kinagisnan.
Ang wika na ipinaman, isnusulat at sinasalita. Ang wika ko na kinagisnan ang tupay sa
samariñong pamumuhay, ito ang ganap na wika na nag bubuklod sa kasaysayan at kulturang
Samariño. Ang wika ko ay kalugod-lugod pakinggan, maganda ang resulta sa pagkamit ng
pagkakaisa, mayaman sa historya at kahali-halina kung binibigkas na. Ang wikang waray-waray
ay mayroon din malalalim na salita at kahulugan, maraming terminolohiya ang bumabalot mula
pa sa pamumuhay ng mga ninuno sa isla na aking kinalakihan. Isang katutuhanan na hindi
pweding makaligtaan ang kaalaman na ang isla ng Samar ay isa sa pinakamalaking isla sa
Visayas, datapwat magbibigay din ng kaunawaan na ang wikang waray-waray ay malawak ang
sakop at kinasasangkutan
Maraming sakop na lugar ang Samar na sumasalita ng waray-waray, nagkakaiba man
ang paniniwala peru iisa lang ang wikang kinagisnan, na maghahatid kamalayan sa kultura at
pagkakaisa. Itinatangkilik ang waray-waray sa kalakalan at pangkabuhayan. Ang wika ko na
kinagisnan ang isang sangkap na bumubuhay sa gawang kamay na mga produkto gawa ng
Samariño, dahil sa wikang waray-waray kinikilala ang Waraynon sa ibang dako ng bansa na
matapang at may paninindigan, masayahin, mapag-aruga at madiskarte sa buhay.. Ang wikang
waray-waray ay may ambag sa pag-asenso at pagkakakilanlan bilang isang Samariño. Kung
narinig muna ang mga kantang “Kuratsa” at mga sayaw na “Budots”, ito ang mga kayamanan
dulot ng wikang aking kinagisnan.
Ang mga sayaw at kantang ito ay itinatangkilik hindi lamang sa isla kundi pati narin sa
ibang sulok ng lugar sa bansang Pilipinas. Kung anu ang pisikal na yaman ng Waraynon ay
yaman din ng wikang waray-waray, kung anu ang katangiang yaman ng Waraynon ay siya ring
yaman ng wikang waray-waray, dahil lahat ng kayamanan sa sarili at pamayanan ay hatid at
resulta lamang sa masigla, mayaman at magandang wikang kinagisnan.

You might also like