You are on page 1of 8

PAGPILI NG PAKSA SA

PANANALIKSIK
Ang mahusay na paksa ay:

TIYAK, TUWIRAN AT MAKABULUHAN


Mga konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa:
 Interes- matutuwa ba akong pag-aralan ito?
 Panahon-sapat ba ang dalawang buwan para maisagawa
ang pag-aaral?
 Hanguan ng datos- mayroon bang mga aklat, magasin at
iba pang akademikong sanggunian na maaaring
magamit? Mayroon bang eksperto sa paksa na maaaring
makapanayam?
 Inaasahang Output-Nangangailangan ba ang paksa ng
malawak na pag-aaral kaya makakasulat kami ng 20
pahinang papel-pananaliksik?
 Ambag sa larangan- May potensyal ba ang paksa na
magsulong ng makabuluhan at maka-Pilipinong
pananaliksik? Napagyayaman ba nito ang kulturang
Pilipino habang natututo kami sa aming kurso?
Pagpili ng Paksa
Alamin ang mga larangan.
◦ Medisina sa Pilipinas (malawak na larangan)
◦ Wikang Filipino sa medisina (mas tiyak ngunit
malawak pa rin)
◦ Kaisipang Filipino sa medisina (mas tiyak ngunit
malawak pa rin)
Magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral at maghanap
ng isyu na maaaring saliksikin. Bigyang-pansin ang
mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa upang ito ay
malimitahan.
Batayan ng Paglilimita ng Paksa
 Edad
 lugar
 panahon
 kasarian
 partikular na halimbawa o kaso
 propesyon o grupong kinabibilangan
 tiyak na uri o anyo
Halimbawa 1:
 Larangan: Katutubong konsepto sa Medisina
Isyu: Maraming mga Pilipinong may malalang
sakit na tulad ng cancer ang kumokonsulta sa
mga faith healer para sa kanilang paggaling.
Paksa: Epekto ng ispiritwal na paniniwala sa
paggaling ng mga pasyenteng may malalang
sakit: Kaso ng mga Pasyenteng may Breast
Cancer .
Halimbawa 2:
 Larangan: Register ng Filipino sa Medisina
Isyu: Higit na epektibong gamitin ang sariling
wika para maipaunawa ng doktor sa pasyente
ang tamang paggaling.
Paksa: Isang Pag-aaral sa Epektibong
Komunikasyong Pangwika sa Pagitan ng mga
Endocrinologist at mga Diabetiko: Kaso ng
DOERS, Marikina
Halimbawa 3:
 Larangan: Leksikal na Pag-aaral sa Konsepto
ng Medisina
Isyu: Bitbit ng mga salita ang kultura ng bayan,
kung kaya malalaman sa leksikal na pag-aaral
ang natatanging kulturang medikal ng bansa.
Paksa: Pahambing na Pag-aaral sa mga Leksikal
na Larangan ng Salitang “Kirot”: Kaso ng
Tagalog at Ilokano

You might also like