You are on page 1of 1

Wikang Katutubo Tungo sa Wikang Katutubo Tungo sa

Isang Bansang Filipino Isang Bansang Filipino

Lingunin, ugatin, isa-isahin ang bawat tunog Lingunin, ugatin, isa-isahin ang bawat tunog
Sinasalita sa mga liblib kapataga’t bundok Sinasalita sa mga liblib kapataga’t bundok
Nagsilbing tagapagdaloy sa imaheng suot-suot Nagsilbing tagapagdaloy sa imaheng suot-suot
Wikang katutubo sariling lahi ng bawat pook Wikang katutubo sariling lahi ng bawat pook

Diwa ng Wikang Katutubo ang sinusong salita Diwa ng Wikang Katutubo ang sinusong salita
Niluwal mula sa sinapupunan ni Inang Wika Niluwal mula sa sinapupunan ni Inang Wika
Pagkakakilanla’y umusbong mula sa pagkabata Pagkakakilanla’y umusbong mula sa pagkabata
Yumabong, tumatag hitik sa konteksto ang salita Yumabong, tumatag hitik sa konteksto ang salita

Wikang Katutubo sinasalita sa kapuluan Wikang Katutubo sinasalita sa kapuluan


Sa Luzon, Visayas Mindanao natin matututunan Sa Luzon, Visayas Mindanao natin matututunan
Tunay na may angking taginting gilas at kakanyahan Tunay na may angking taginting gilas at kakanyahan
Kaysarap salitain bigkasi’t ipagparangalan Kaysarap salitain bigkasi’t ipagparangalan

Bansang perlas ng silangan taglay wagas na kariktan Bansang perlas ng silangan taglay wagas na kariktan
Maningning na kaugalian at kulturang mayaman Maningning na kaugalian at kulturang mayaman
Filipino ang mamamayang ubod sa kabutihan Filipino ang mamamayang ubod sa kabutihan
Nag-aalab ang puso sa kagitinga’y dinuduyan Nag-aalab ang puso sa kagitinga’y dinuduyan

Wikang katutubo tungo sa ‘sang bansang Filipino Wikang katutubo tungo sa ‘sang bansang Filipino
Agta, Aklanon, Bantuanon, Bagobo, Bikolano Agta, Aklanon, Bantuanon, Bagobo, Bikolano
Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilokano Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilokano
Kankanaey, Sambal, Tagalog mga Wikang katutubo Kankanaey, Sambal, Tagalog mga Wikang katutubo

Ihalayhay pa Wikang nag-ugat sa mga ninuno Ihalayhay pa Wikang nag-ugat sa mga ninuno
Kasiguran sa Quezon, Bontoc, Malaynon at Manobo Kasiguran sa Quezon, Bontoc, Malaynon at Manobo
Subanon, Surigaonon, Sambat, Tausog, Palawano Subanon, Surigaonon, Sambat, Tausog, Palawano
Wagas at dansay mga katutubong Pilipino Wagas at dansay mga katutubong Pilipino

Dangal ng isang mamamayang sa bayan ay may puso Dangal ng isang mamamayang sa bayan ay may puso
Milya-milya man ang agwat adhika’y punong-puno Milya-milya man ang agwat adhika’y punong-puno
Pinaghihiwalay man ng malalayong mga pulo Pinaghihiwalay man ng malalayong mga pulo
Nabibigkis ang katwiran naitutuwid ang liko Nabibigkis ang katwiran naitutuwid ang liko

Kaysarap muli’y muling alalahani’t salitain Kaysarap muli’y muling alalahani’t salitain
Katutubong wikang yama’y mula sa sariling atin Katutubong wikang yama’y mula sa sariling atin
Sama-sama nating patingkarin at mas payabungin Sama-sama nating patingkarin at mas payabungin
Wikang katutubong tunay at hindi nang-aalipin Wikang katutubong tunay at hindi nang-aalipin

Isang Bansang Filipino na may dangal at may laya Isang Bansang Filipino na may dangal at may laya
May tinig may bisig na pinapatatag ng Wika May tinig may bisig na pinapatatag ng Wika
Katutubong salita na pinasuso ni Inang Wika Katutubong salita na pinasuso ni Inang Wika
Bansang Filipino, Wikang katutubo’y binandila! Bansang Filipino, Wikang katutubo’y binandila!

You might also like