You are on page 1of 14

Pangalatok

10/6/2015
0 Comments

Isinulat ni Chantel Ayla Dhillon


Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan) o Pangasinense
Ito ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polenesian ng pamilya ng mga wikang
Austronesian. Sinasalita ang Panggasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa
lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at
ng kapansin-pansing bilang ng mga Amerikanong may kanunununuang Pangasinan.
Ang Pangasinan ang isa sa labindalawang pangunahing wika sa Pilipinas. Ang
kabuuang populasyon ng lalawigan ng Pangasinan ay 2 434 086, ayon sa sensus ng
2000. Ang pinapalagay na bilang ng mga katutubong mananalita ng wikang
Pangasinan ay 1.5 milyon.
Mga Halimbawa ng Wikang Pangasinense:
1. sino - siopa, sio, si
2. ano - anto
3. saan - iner
4. kailan - kapigan, pigan
5. paano - pano, panonto
6. lahat - amin
7. malaki - baleg
8. mahaba - andokey
9. mabigat - ambelat
10.maliit - melag, melanting, tingot, daiset
11. maikli - melag, melanting, tingot, antikey, kulang, abeba

12.makipot - mainget
13.manipis - mabeng, maimpis
14.babae - bii
15.lalaki - laki, bolog
16.tao - too
17.bata - ogaw
18.hayop- ayep
19.isda - sira, ikano
20.ahas- oleg
0 Comments

Waray
9/25/2015
2 Comments

Isinulat ni Donnaliza Opulencia


Ang Winray, Win-ray, Wray-Wray o Wary
(karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyteSamarnon)
Ito ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte
(silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate
Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate
Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng
wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga
diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.
Bagamat may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil
iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba naman
sila sa mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay
may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba

ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing
wika sa mga probinsiyang ito.
Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte (Academy of the Visayan
Language of Samar and Leyte) na nagsaliksik at nagrekomenda ng ortograpiya, ay
wala pa ring opisyal na labas ukol sa natural na gamit nito. Ang epekto, magiging
katanggap-tanggap ang anumang salita at bigkas gaya ng:
diri o dire ("hindi")
hira o hera ("sila")
maopay o maupay ("mabuti")
guinhatag o ginhatag ("binigay")
direcho o diritso
Sa rehiyon 8 ay kinapapalooban ng probinsya ng samar, leyte at biliran island. Ang
tacloban city ay isa sa mga siyudad sa leyte. ang rehiyon na ito ay pinalilibutan ng
yamang tubig. Sa probinsya ng Leyte maraming diyalek ang sinasalita at ito ay
depende sa lugar kung nasaan ka. Kadalasan isa o dalawang oras na biyahe lang dito
ay nagbabago agad ng dayalekto
Minsan ay waray o minsan ay bisaya. Ngunit kadalasan sa mga tao dito ay
nakakaintindi at nakakasalita ng parehas na lingwahe. pero may mga lugar sa samar
na ginagamit nila ay waray s pero iba pa rin ito sa waray na ginagamit sa leyte,
halimbawa ang "sa" sa samar sa leyte ay "ha" . ang tawag dito ay waray "h" at waray
"s".
Mga Salitang Waray:
Magandang (umaga/tanghali/hapon/gabi): Maupay nga (aga/udto/kulop/gab-i)
Nakakaintindi ka ba ng Waray?: Nakakaintindi/Nasabut ka hin Winaray? (hin o hiton)
Salamat: Salamat
Ang ganda-ganda mo talaga: Kahuhusay nimo hin duro
Mahal kita: Hinihigugma ko ikaw o Ginhihigugma ko ikaw o Pina-ura ta ikaw
Tagasaan ka? : Taga diin ka? o Taga nga-in ka? o Taga ha-in ka?
Magkano ito? : Tag pira ini?
Hindi ko maintindihan: Diri ako nakakaintindi o Di ak naabat
Hindi ko alam: Diri ak maaram o Ambot
Ano: Nano o Anya
Sino: Hin-o
Saan: Hain
Kailan (mangyayari pa lang): San-o
Kailan (nakalipas): Kakan-o
Bakit: Kay-ano
Paano: Gin-aano?
Oo: Oo
Hindi: Dire o Diri

Iyon/Hayun: Adto o Didto o Ngad-to


Ito: Didi o Nganhi o Ini
Harap/sa harap: Atbang/Atubangan
Gabi: Gab-i
Araw: Adlaw
Wala: Waray
Mabuti: Maupay
Sino ka?: Hin-o ka?
Ako ay kaibigan: Sangkay ak.
Nawawala ako dito: Nawawara ak didi.
Siguro: Bangin
Sana: Unta
Bukas: Buhas o Buwas
Kahapon: Kakulop
Ngayon: Yana
2 Comments

Sebwano
9/25/2015
0 Comments

Isinulat ni Fatima Regine Carpio


(Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano)
Ito ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33
milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may
pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi
pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika
sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng
wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano
(nangangahulugang likas, o isang lugar).
Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros
Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay
sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng
Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang
wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga
naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng
Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.
Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz],
swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles.

Mayroon din na galing sa salitang Arabo.


Tagalog Kapampangan - Cebuano
1. Magandang Umaga - Maayong Buntag
2. Magandang Tanghali - Maayong Udto
3. Magandang Gabi - Maayong Gabi-i
4. Mahal Kita - Nahigugma Konino
5. Oo - Naa
6. Bakit - Nganoman
7. Saan - Asa Dapit
8. Paano - Unsa un
9. Kailan - Kanos-a
10. Ano Nano - Unsa na
11. Kamusta - Kamusta
12. Hindi - Didi ko
0 Comments

Ilocano
9/25/2015
0 Comments

Isinulat ni Chantel Ayla Dhillon


Ang Iloko (o Iluko, Iloco, puwede ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing
wika ng Republika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuaan
ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa
maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa
Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Tinatayang may mahigit 8 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.
Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang
katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga
estado ng Hawaii at California sa America.
Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang
tinutukoy. Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng
wika o ang katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o
salita, at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.
Ang wikang Iloco ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang
Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa
kadahilanang nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa
kadahilanan ding marami sa mga nauna nang sakada(mga Pilipinong nagpunta sa
Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita

ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may lahing


Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon
ay marunong kahit papano sa Tagalog.
Idagdagpa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng
wikang ito. Sa katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa
Pilipinas at isa sa mga may pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi
ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may kompletong bokabularyo bago pa
dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa gahum ng wikang banyaga.
Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang
dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingua
franca raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga
Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar.
Sa Honululo ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng
mga naunang sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang
paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak.
Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa propaganda ng mga Tagalista na
naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa Tagalog.
Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso.
Wala silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na
kinikilala bilang Heritage Language sa Hawaii.
Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa
buong mundo.
Mga Halimbawa ng Salitang Ilocano
Magandang Umaga - Naimbag na bigat
Magandang Tanghali - Naimbag na aldaw
Magandang Gabi - Naimbag na rabi-i
Mahal Kita - Ay-ayaten sika
Hindi - Haan
Oo - Wen
Bakit - Apay
Saan - Idiay
Ano - Inya
Wala - Awan
Meron - adda
0 Comments

Tausg

9/22/2015
0 Comments

Isinulat ni Donnaliza Opulencia


Tausg (Tausg: Bahasa Sg, Malay: Bahasa Suluk)
Ito ay isang wikang sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas, sa estado ng Sabah,
Malaysia, at sa Hilagang Kalimantan, Indonesia sa pamamagitan ng Tausg ang mga
tao. Malawak Ito ay ginagamit sa mga Sulu Archipelago (Basilan, Sulu at Tawi-Tawi),
Zamboanga Peninsula (Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del
Sur, at Zamboanga City), Southern Palawan, Malaysia (Sabah) at Indonesia (North
Kalimantan) . Ito ay napaka malapit na nauugnay sa mga Surigaonon wika ng
lalawigan Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur at ang Butuanon wika
mula sa hilagang-silangan ng Mindanao lalo na sa root Tausug salita nang walang
impluwensiya ng Arabic wika. Ang pangalan ng wika sa Tausg ay Bahasa Sg na
nangangahulugang 'wika ng Sg' Sg kung saan ay dadalhin sa ibig sabihin ang lugar
kung saan ito ginagamit (ie Sulu). Ang salitang Tausg ay nagmula sa dalawang salita
"Tau" na nangangahulugang "tao", at "sg" na nangangahulugang "kasalukuyang".
Ito ay maaaring dahil sa ang katunayan na ang mga tao ng Sulu Sea na si
pinamamahalaang upang mabuhay sa kanilang mga uri ng pang-ekonomiyang
kabuhayan sa kabila ng malakas na kasalukuyang nasa Sulu Sea kung saan sila
ginamit upang trans-navigate bilang mangingisda, perlas iba't iba at negosyante. Ang
Sulu Sea ay naging paggamit bilang ang strategic ruta ng kalakalan sa katimugang
Pilipinas at iba pang mga kalapit na ASEAN bansa, kahit na hanggang sa
kasalukuyan. Bilang maaga bilang ang ika-10 siglo ito ay naniniwala na nagkaroon na
yumayabong daan ng pangangalakal sa pagitan ng Sulu sa Tsina at Hilagang Borneo.
Talaga ang mga tao sa lugar na ito ay kilala bilang "mga tao ng kasalukuyang", kung
saan ay ang literal na pagsasalin ng "Tausg".
Halimbawa ng salitang tausug:
Dagitab- paraan upang makausap ang kapwa
Gelgido- Ito yung lutuan ng mga Tausug
Bigsaer- kinikilala ng mga taong Tausug na Dyos
Retyu- Ama
Daser- Ina
Yaut- Matulog
Kihgda- Humiga
Ngan- Pangalan
by - Bahay
lamisahan- mesa
pagkaun-pagkain
mangadji'-aral

0 Comments

Wika
9/21/2015
6 Comments

Isinulat ni Fatima Regine Carpio


Isa sa pinakatanyag na pagdiriwang ng wikang Filipino sa mga Pilipino ay ang Buwan
ng Wika tuwing Agosto sa Pilipinas. Bakit kailangan pang ipaalala sa ating mga
Pilipino na ang ating wika ay Filipino? Ibig sabihin nito hindi pa natin napagwawagian
ang kaisahan at kaganapan ng wika na pilit ipinapaangkin sa atin. Sa ibang bansa,
hindi na kailangan ng pagdiriwang o pag-alala sa kanilang mga wika, ganap at buong
giting nila itong ginagamit sa pang-araw araw nilang pamumuhay, kumbaga sa
kasuotan, ito ay kanilang brief at panty. Naku! Ano kaya ang katumbas sa wikang
Filipino ng brief at panty? Malayo sa bahag ng ating katutubo. Sadya nga bang hubo
tayo pagdating sa pag-angkin ng ating pagkakakilanlan? Maging sa wika, tayoy tila
ligaw. Ligaw sa sariling lupa.
Palawakin pa natin.
Kapansin pansin sa mga tindahan ng libro na bibihirang mailagay sa Best Seller
section ang mga aklat na gawa ng mga Pilipino. Ang mga librong likha ng ating mga
manunulat na Pilipino ay hindi din kumakain ng malaking lugar sa nasabing mga
tindahan. Isa ito sa halimbawa na lumalamon ng alikabok ang wikang Filipino
kumpara sa banyagang wika lalo na sa wikang Ingles. Kumbaga sa telenobela, api ang
karakter ng wikang Filipino at kontrabida naman ang Ingles, at hindi maglalaon ang
pakiwari ko dahil yakap na yakap natin ang globalisasyong hindi napipigilan, mas
lalawak ang wika ng mga Filipino. Para nang halu-halo ang ating wika. May Hapon,
Koreano, Intsik, Kastila, at iba pang wika; ang resulta bekimon at jejemon, sa aking
palagay.
Nachorva mo na ba ang chinorva ni Cheverloo? Nauunawaan? Ei1 kohz phoz eh.
Nawaley ang wallet me.
Nagbibihis ang wika, mabilis magpalit. Ang tanong, naabot ba ang hangarin na
pagkakaisa na mapagyaman ang wikang Filipino? Kung sinasabi nating ito ay bahagi
ng kasaysayan, ng ating kultura at tradisyon maging pagkakakilanlan, hindi ba dapat
pinayayabong ang ating wika?
Hindi man lamang tayo makipagsabayan sa paggawa ng mga nobela, maikling
kuwento, at iba pang sulatin na magpapayaman sa ating panitikan. Gustong gusto
nating basahin ang nobela na may kinalaman sa paninipsip ng dugo sa leeg upang
manatiling bata at magandang lalaki ang bida o iakma ang ating mga sarili para

makisabay kung paano magpakawala ng mahika upang sa isang iglap ay maglahong


parang bula. May nakalimbag bang nobela sa Filipino tungkol sa patagong relasyon
ng duwende at kapre? O kung bakit nagpalaglag ang tikbalang pagkatapos siyang
takbuhan ng garapata? O kung paanong ang bituka ng aswang ay hindi manlang
nalaglag sa paglipad niya sa kalawakan? Bakit hindi gawing tinuhog na isaw yon para
malamnan ang gutom na si Juan? Ang punto ko, hindi natin inuuna ang paggawa ng
sariling atin sa wikang alam ng mas nakararami. Pilit nating isinisiksik ang ating mga
sarili sa kulturang ligaw sa ating mga dugo dahil sa paniniwalang mas angat tayo sa
iba kapag alam natin yon. Walang masama, hindi ipinagbabawal ang pag-aaral ng iba
pa, ito ay isa ding hakbang sa pagpapalawak ng karunungan pero ang wikang Filipino
ay parang isang nangingimong dalaga sa kaniyang kasintahan na nagmamahal ng
mas higit na matingkad kaysa sa kaniya. Nagtatago sa sulok. Sinasambit na lamang
ng pabulong kapag nag-iisa at walang makakadinig. Hindi mo ba napansin ang
malaking epekto nito sa kamalayan ng mas maraming Pilipino? Ito na yon,
ipinagduduldulan natin na pansinin naman ang wikang Filipino. Ngayon sino ba ang
pinakikiusapan nating ito, mga Hapon ba? Koreano? Kastila? Amerikano?
Nagmamakaawa at nagpapansin tayo sa mga kapwa natin Pilipino. Napakabisa ng
dulot ng wikang Inges sa kamalayan nating mga Pilipino, nag-umpisa sa hangarin ng
mga Amerikanong maituro ito upang tayoy sumunod sa kanilang naisin at oo
pinagsamantalahan ang nanggigipuspos nating lakas mula sa pagkakaalipin ng mga
Kastila at Hapon at sa iba pang nagpasarap sa Perlas ng Silangan. Hanggang ngayon
kahit wala na sila mas namamayani naman ang kanluranin nating pag-iisip, pansinin
mo, nagmula yan sa wikang Ingles. Kung magkagayon, paniwalaan mong napakabisa
din ng wikang Filipino kung mamahalin mo din gaya ng pagmamahal mo sa wikang
Ingles.
Sa pag-aaral natin, gaano mo tinutukan ang pag-aaral ng wikang Filipino? Minani mo
ba o parang wala lang. Filipino naman yan, hindi masyadong mahalaga yan.
Aminin man at sa hindi ng mga nagtuturo o ng ating mga guro sa kasalukuyan, gaano
ba nila pinahahalagahan ang pag-aaral ng wikang Filipino? Nasa kailaliman ng ating
isipan ang paniniwalang mas matatas ang isang taong maalam sa Ingles. Pwede mong
pabulaanan pero itoy parang nabubulok na laman na umaalingasaw hanggang sa
kasalukuyan.
Ang karatula ng MMDA Bawal TUMAWID, May Namatay na Dito ay mas
maiintindihan ng karamihan kaysa sa PED Xing. Sino o ano ba ang Ped Xing? Alam
mo?
Kahit sa blogesperyo/blogsphere, kapag ang isang blogger ay piniling gamitin ang
wikang Filipino sa kaniyang panulat, mahirap ibenta ito.Halatang halata na
kinatamarang basahin ang isang sinulat, bibihira ang nagpapakita ng interes, paano
naging malalim ang wikang Filipino, baka naman sadyang pinababaw lamang natin
ang pagkakaunawa dito. Kung magkagayon, mababaw ba ang pagtingin mo sa iyong
pinagmulan?
Malinaw sa ating kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng

komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para
sa pag-uusap ng mga mamamayan. Naging paraan ito para sa paghahati-hati ng mga
mamamayan.
Baduy, jologs, pangkanto. Ang wikang Filipino ay wika ng mga nangangatulong, ng
magsasaka, basurero, nagwawalis, sa madalit sabi, ang wikang Filipino ay wika ng
mga totoong Pilipino. Sila ang mga totoong Pilipino. Hindi nabahiran ng kanluranin.
Hindi sila mangmang, sadyang silay Pilipino.
Ang diskursong ito ay namamayani sa pagitan ng mga nakapag-aral,
nagpapakadalubhasa at tayo iyon. Kung tayo nga ang nagpapaligsahan kung alin at
ano ba talaga ang Wikang Filipino,sana naman, makilala na natin ang pagiging
Pilipino natin kahit sa wika man lamang.
Kabaduyan ba kapag sinambit mo ang salitang Iniibig kita higit pa sa buhay ko? ,
Hoy! yong lahi mo diyan nabuo, sa banig ng panunuyo tanglaw ang aandap-andap na
lampara ng bukas. At ngayong nakatikim ka na ng ibang lasa, ligaw, pinaghalu-halo,
hindi mo na tuloy malaman ang pabalik. Saan nga ba tayo magbabalik? May
makapagtuturo kaya? Yong po at opo na ramdam mo ang dalisay na paggalang sa
mga nakakatanda, iyan ay isang buhay na patotoo kung gaano kaganda ang wika
natin.
Natatangi. Kayumanggi.
Ang watak-watak na heyograpiya ng ating bansa ay may epekto din sa wika. Bibigyan
kita ng ilang halimbawa.
Ang pangungusap na pautos na Magsalita ka. ay may ibat ibang katawagan sa
ibang lugar sa atin.
Magsalita ka..- Tagalog
Mag-irgo ka.- Marindukehin
Magtaram ka.- Bikolano
Pagsiring- Waray
Mag-ingon ka- Cebuano
Ag Sao Ka- Ilokano
Panambitan mo.- Panggalatok
Ito pa.

Hindi daw totoong ang San Juanico Bridge ang pinakamabahang tulay sa Pilipinas,
ayon sa maalamat na kuwento ng mga nalalasing sa kanto, ang Pampanga bridge daw
diumano ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Bakit? Dahil ang itlog daw ng mga
taga Bulakan pagdating sa San Fernando Pampanga, ebon na.
Hindi bat dito pa lamang, ibang ibang wika na ang mayroon tayo. Nagpakita ka ba ng
pagkapukaw na alamin man lamang ang wika ng mga taga-Luzon, ng Bisaya at
maging sa taga-Mindanao? Bakit pa? Iyan ang malaking tanong.
Muli, ang wika ay bigkis ng isang lipi. Kapag tinatanong ka, taga-saan ka? Pilipinas
po. Ano ang wika ninyo doon? Halu-halo po.
Matatas na tayo, kung kaya nating pag-aralan ang wika ng iba mas naniniwala akong
kayang kaya nating paunlarin ang wikang Filipino iyon ay kung itataas mo ang iyong
pagtangi. Isipin mo na lamang na kunyari ang Wikang Filipino ay ang iyong ama at
ina. Hindi bat silay ating mahal?
Kulang ang pagkakaunawa ko sa wikang Filipino. Maaaring may iba kang
pagkakaunawa, maaari mong ibahagi. Simulan nating magpayabong. Maaaring taliwas
sa iyong napag-aralan at pinaniniwalaan. Mainam kung magbabahagi ka dahil ang
wika ay hindi ipinagdadamot.
Read More
6 Comments

CREATE A FREE WEBSITE


POWERED BY

START YOU
Unibersal na Nukleyus bilang hugpungan ng mga wika sa Pilipinas
ni Ronel Laranjo

BA Filipino
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

Binubuo ng mahigit sa pitong libong kapuluan ang Pilipinas, hindi man ganito karami, maituturing ding hindi biro ang
pagkakaroon ng mahigit sa isandaang wika sa pareho ring bansa. Ang katangiang pisikal ng nasabing bansa ang nagluwal
sa marami nitong wika. Dala ng pangangailangang makipagkomunikeyt sa kapwa tao sa parehong lugar tulad ng bundok,
kapatagan, at maging sa loob ng pulo, nalikha ang ibat ibang wika: wika ng mga taga-kapatagan, wika ng mga tagabundok, wika ng mga taga-pulo, wika ng mga taga-ibayo at marami pang iba. Bagaman iba-iba ang wikang sinasalita ng

bawat lipunan, nasa iisang bansa naman sila at tiyak na hindi maiiwasan ang pakikipagkalakan at pakikipag-interak sa
ibang lipunan kaya naman, ang wikang partikular lamang sa isang lugar ay hindi na lamang sa kanila kundi nalalaman,
nahahaluan at napapaunlad ng mga wika ring dati ay partikular lang din sa isang pamayanan. Base sa mga pag-aaral ng
mga dalubwika, ang mga wika sa Pilipinas ay kabilang sa pamilya ng wikang Malayo-Polynesia na nagsanga-sanga.
Nagsanga-sanga man ito, iisang puno pa rin ang pinagmulan nito at tulad ng tubig na dumadaloy sa mga buong kapuluan,
tiyak na may hugpungan ang mga wikang nabanggit. Ang papel na ito ay tatalakay sa mga pagkakatulad ng mga wika sa
Pilipinas batay sa Unibersal na Nukleyus (Paz,1995) na tumutukoy sa mga magkakaparehong elemento ng lahat ng mga
wika sa Pilipinas. Saklaw nito ang pangunahing mga bahagi ng gramar: fonoloji, morfoloji at sintaks.
Fonoloji
Ayon kay Consuelo Paz, hindi gaanong magkakaiba ang mga wika sa Pilipinas, ganoon din sa pagkakabit-kabit ng mga
tunog na ito sa pagbuo ng silabol o ng mga salita. Madalas na mapapansing nagkakapalitan ang mga tunog na /e/ at /i/
maging ang /o/ at /u/ dahil sa ang mga tunog na ito ay iisa lamang sa panahon ng mga katutubo ngunit dahil sa
impluwensya ng mga banyagang salita tulad ng Espanyol, Ingles, Arabik, Sanskrit, Chinese at iba pa, naging hiwalay na
mga ponema na ang mga nabanggit. Lahat ng mga wika sa Pilipinas ay may mga tunog na i, a, u, p, t, k, b, d, g, s, h, m, n,
ng, r, l, w at y. Halos pareho ang pagbigkas sa mga nasabing tunog sa lahat ng mga wika sa bansa. Ponemik din sa lahat ng
mga wika ang diin kung saan nagbabago ang kahulugan ng salita kapag nililipat ang diin. Halimbawa ang mga salitang
Tagalog at Hilgaynon na pno na nangangahulugang mataas na halaman at pun na nangangahulugang wala ng maidagdag
sa isang lalagyan. Gayundin ang mga salitang mat (mata) at mta(hilaw) sa wikang Ivatan at bleng (gubat)
at belng (lasing) sa wikang Binukid.
Morfoloji
Nasa mga salita naman ang pinakamaraming pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas kaya halos hindi magkaintindihan ang
mga Pilipinong may ibat ibang wika. Sa kabila nito, halos limampung porsyento naman ang magkakatulad na mga salita
sa mga wika sa bansa. Tinatawag na kogneyt (cognate) ang mga salitang pareho ang kahulugan, bigkas o anyo. Halimbawa
nito ay ang salitang wal sa mga wikang Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Ibanag, Itawes, Pangasinan, Bontok, Naga
Bikol, Waray, Agutaynen, Maranaw, Tagbanwa at Buhi; wlu naman sa wikang Blaan at Binukid; wlu? sa wikang Yakan;
gwlu sa wikang Subanen; wlu sa wikang Bagobo; wax sa wikang Itbayat; weyu sa wikang Isinay; wago sa wikang
Aklanon; wal sa wikang Kalinga; waw sa wikang Sebwano at waw sa wikang Ilongot. Makikita pa ang maraming
patunay ng aspektong ito ng gramar sa pag-aaral ni Paz na A Reconstruction of proto-Philippine phonemes and
morphemes.

Isa pang taglay ng mga wika sa Pilipinas ang sistema ng paglalapi. Maaaring kabitan ng isa o mahigit pang panlapi ang
salitang ugat at stem. Karaniwang matatagpuan sa mga wika ng Pilipinas ang mga panlaping pandiwa tulad ng mag-, -in-,
i-, na-; mga panlaping ikinakabit sa mga pang-uri tulad ng ma-, pala-; at panlaping causative o sanhi na pa-.
Sintaks
Sa dalawang pag-aaral ni Ernesto Constantino na The Sentence Pattern of Twenty-six Philippine Languages at The Deep
Structures of Philippine Languages, tinalakay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga pangungusap sa mga wika sa
Pilipinas. Ayon sa kanyang analisis, lahat ng payak na pangungusap sa mga wika sa bansa ay may nakapangilalim na
unibersal na istruktura na nabubuo ng isang preys (phrase) na may pandiwa at isang preys na complement ng pandiwa o
keys. Kung gayon, pare-pareho ang pagbubuo ng mga pangungusap sa lahat ng wika sa Pilipinas. Binubuo ng pangngalan
at ng panandang pang-simuno ang sabjek o simuno, halimbawa: ang aso (Tagalog), an iru (Sebwano), at dyay asu
(Ilokano). Maaari ring madagdagan ito ng possessive phrase: ang asomo (Tagalog), ang iru mu (Sebwano), at
dya asum (Ilokano). At maaari ring madagdagan ng locative phrase: ang kambing sa bukid (Tagalog), ang kandingsa
uma (Sebwano), dya kalding diyay taltalun (Ilokano). Maaari namang buuin ang panaguri ng mga sumusunod: isang
pandiwa- Tumakbo ang aso. (Tagalog),Nidalagan an iru. (Sebwano), Nagtaray dyay asu. (Ilokano); Pandiwa at
pariralang pangngalan- Kumain ng mangga ang bata (Tagalog), Kinmaun hin mangga ang bata. (Waray), Kinminan tu
mangga i abbing (Ibanag); Pariralang pangngalan- Abugado ang kapatid ko. (Tagalog), Abugadu ang tud ku
(Hiligaynon), Abugaw in tymanghud ku; at pariralang pang-uri- Gwapo ang binata. (Filipino), Gwapu an sultero.
(Bikol), Gwapu su bagit ley. (Pangasinan).
Isa ring katangian ng mga wika sa Pilipinas ang pagmamarka ng pangngalan kung tiyak na pangalan o hindi na nangyayari
sa simuno

ng pangungusap: Manunulat si Juana.

Manunulat ang kapatid

ko.

(Tagalog),

Manunulat hi Juana.

Manunulat in taymanghad ku. (Tausug), Mannurat ni Juana. Mannurat dyaykabsat ku. (Ilokano). Nangyayari din sa mga
complement ng pandiwa: Pumunta ang bata kay Ana. Pumunta ang bata sa bukid. (Tagalog), Niadtu ang bata kangAna.
NIadtu ang bata sa uma. (Sebwano), Myattu in bat kan Ana. Myattu in batha uma. Makikita rin ito sa mga pariralang
possessive: Gumanda ang bahay niJuan. Gumanda ang bahay ng pulis. (Tagalog), Hinmusay an balay ni Juan. Hinmusay
an balay san pulis. (Waray), Limingkat in bay hi Juan. Limingkat in bay sin pulis. (Tausug).
Lahat ng mga wika ay may mga pangungusap na nabubuo ng isang salita lamang: Umuulan. (Tagalog), Nagaulan.
(Sebwano), Immulan. (Tausug), Agtudtudu. (Ilokano), Mumuran. (Kapampangan). Nadudugtungan din ang mga ito ng
mga particle: Madilim na. (Tagalog), Madulum na. (Hiligaynon) Malindum na. (Tausug), Nasipngeten. (Ilokano),
Madulumdum na. (Kapampangan).

Naipapakita rin kung isa (singular) o marami (plural) ang isang bagay at ipinapakita ito sa paggamit ng pluralizer tulad ng
manga (mga) sa Tagalog, Binukid, Manobo, Waray, Sebwano, Tausug atbp. Makikita rin sa mga sistema ng panghalip ang
pagiging isa o marami, gayundin ang pagiging ng dalawa o dual tulad ng kita at kata sa Tagalog, Sebwano at Bikol.
Pare-pareho rin ang sistema ng pagtatanong na nilalagyan ng mga morfim: Maaga pa, di ba? (Tagalog), Maaga pa, diri
ba? (Waray) Sayu pa, di ba?(Sebwano), Kaaga pa, bukun ba? (Romblon), Nasa pa pay, saan kadi? (Ilokano), Bibihat
pay, boon adi?, (Isinay), Maranun pa, ali mo? (Kapampangan)
Masasabing ang Unibersal na Nukleyus ang hugpungan, tagpuan at nagbibigkis sa mga wika sa Pilipinas na minsay
maaaring isang wika lamang. Ang mga elementong nabanggit ang basehan sa pagkakaroon ng Filipino, na hindi lamang
base sa iisang wika, kundi taglay ng lahat mga wika mula Luzon hanggang Mindanao. Isang lingua franca na buhay,
patuloy na yumayabong sa pamamagitan ng patuloy na pag-aambag ng mga wika sa Pilipinas na dinagdagan pa ng iba
pang umiiral na wika. Dahil ang bansa ay isang demokratikong lipunan, malaya ring nakikisangkot ang mga wika sa
kapwa wika sa pagpapaunlad ng Pambansang Wika ng sambayanang Pilipino.
Bibliografi
Constantino, Ernesto A. The deep structures of the Philippine languages. Ph. D. Dissertation Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman,1970.
__________________. The sentence patterns of twenty-six Philippine languages. Amsterdam: North Holland
Publication,1965.
Paz, Consuelo. Ang Wikang Filipino Atin Ito. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng PilipinasSistema.1995.

You might also like