You are on page 1of 3

WIKANG WARAY

Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy (karaniwang


binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyte-
Samarnon) ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar,
Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray
Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang
Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga
wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo
ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon
at Masbatenyo.
Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag
lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita.
Gayumpaman, nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at
konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may tinatawag na
Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba ang
dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang
pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.
Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte (Academy of
the Visayan Language of Samar and Leyte) na nagsaliksik at nagrekomenda Mga lugar na nasasakupan
ng ortograpiya, ay wala pa ring opisyal na labas ukol sa natural na gamit nito. ng Waray
Ang epekto, magiging katanggap-tanggap ang anumang salita at bigkas gaya ng:
diri o dire ("hindi")
hira o hera ("sila")
maopay o maupay ("mabuti")
guinhatag o ginhatag ("binigay")
direcho o diritso
Mga Ekspresyong Waray
1. Magandang (umaga/tanghali/hapon/gabi): Maupay nga (aga/udto/kulop/gab-i)
2. Nakakaintindi ka ba ng Waray?: Nakakaintindi/Nasabut ka hin Winaray? (hin o hiton)
3. Salamat: Salamat
4. Ang ganda-ganda mo talaga: Kahuhusay nimo hin duro
5. Mahal kita: Hinihigugma ko ikaw o Ginhihigugma ko ikaw o Pina-ura ta ikaw
6. Tagasaan ka?: Taga diin ka? o Taga nga-in ka? o Taga ha-in ka?
7. Magkano ito?: Tag pira ini?
8. Hindi ko maintindihan: Diri ako nakakaintindi o Di ak naabat
9. Hindi ko alam: Diri ak maaram o Ambot
10. Ano: Nano o Anya
11. Sino: Hin-o
12. Saan: Hain
13. Kailan (mangyayari pa lang): San-o
14. Kailan (nakalipas): Kakan-o
15. Bakit: Kay-ano
16. Paano: Gin-aano?
17. Oo: Oo
18. Hindi: Dire o Diri
19. Iyon/Hayun: Adto o Didto o Ngad-to
20. Ito: Didi o Nganhi o Ini
21. Harap/sa harap: Atbang/Atubangan
22. Gabi: Gab-i
23. Araw: Adlaw
24. Wala: Waray
25. Mabuti: Maupay
26. Sino ka?: Hin-o ka?
27. Ako ay kaibigan: Sangkay ak.
28. Nawawala ako dito: Nawawara ak didi.
29. Siguro: Bangin
30. Sana: Unta
31. Bukas: Buhas o Buwas
32. Kahapon: Kakulop
33. Ngayon: Yana
WIKANG DAVAOEÑO
Sinasabi na ang dahilan kung bakit hindi pagkakakisahin
ang mga Pilipino ay ang heograpikal na pagkakabuo ng ating
bansa. Dahil sa pagiging archipelago, nagbunga ito sa 171 na
dayalekto sa ating bansa. Ang dalawa sa pinaka-ginagamit na
wika ay ang Bisaya at Tagalog. Ngunit kahit na ang mga
dayalektong ito ay naiiba sa Tagalog o Bisaya, ang karamihan sa
mga dayalektong ito nanggaling parin sa dalawang ito.
Sa Davao ay iba-iba rin ang mga wika at wikain na
ginagamit. Kung pag-uusapan ang wika ng Davao, malamang ay
ang una nating iisipin ay Davaoeno ang pinakaginagamit na salita
rito. Pero sa katotohanan, ang Davaoeno ay isa sa mga minoridad
na dayalektong ginagamit sa Davao. Ang Davaoeno ay nagmula
sa Davao Oriental. May malaki itong pagkakaiba nito sa ibang
dayalekto, ngunit tulad ng isinaad ay meron parin itong mga
Tagalog at Bisaya na salita.
Ang Davao ay kilala bilang “melting pot of cultures”.
Maraming katutubong tribo ang naninirahan sa mga bundok ng
rehiyon ng Davao, at maraming ring naninirahan na mula sa iba’t
ibang parte ng bansa sa Lungsod ng Davao. Ito ay dahil sa
napakaraming wika at dayalekto na ginagamit sa davao.
Ayon sa census, ang 74% ng Davao ay nagsasalita ng Cebuano, at 3% ay nagsasalita ng
Tagalog. Ang natirang bahagdan ay ang iba pang mga dayalektong ginagamit nila na Bagobo,
Davaoeno, Hilagaynon, Ilokano na isang dayalekto mula sa Hilagang Luzon, at Waray na isang
dayalekto mula sa Visayas. Sa madaling salita, ang pinakaginagamit na dayalekto ng mga
Davaoeno ay Cebuano, meron nga lamang kaunting pagkakaiba sa ibang mga salita.
Ang wikang Ingles ay ginagamit din ng marami sa Davao. Sa katunayan, ito ay ginagamit
bilang panturo sa ilang mga paaralan sa Davao. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit
kadalasang napipili ang Davao ng mga dayuhang turista na puntahan. Nararamdaman nilang
madali lamang makipag-usap at pakisalamuha sa mga taga-Davao. Isa narin sa mga dahilan ang
kakayahan ng mga Dabawenyo na matutunan ang isang wika o dayalekto ng mabilisan. Madali
lang rin makahanap roon ng maaaring mag-interpret para sa iyo. Ika nga nila, “Language is never
a barrier in Davao.”

You might also like