You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
Kagawaran ng Filipinolohiya

Baryasyon Ng Mga Piling Terminolohiya sa


Wikang Pangasinense:
Isang Pananaliksik

_______________________

Bilang kailangang gawain sa Mga Barayti at Baryasyon ng Wikang Filipino


______________________

nina

Rico B. Tique
Joshua Brezuela
Hazel Anne Sigue
Alliah Gabriel
Christine Joy Menes
Joselle Granada

March 2020
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
Kagawaran ng Filipinolohiya

Introduksyon

Ang mga teoistang neo-klasikal (Tollefson, 1991) ay nagbigay ng tepolohiya ng mga

pangkat-wika batay sa mga katangiang istruktural ng mga varayti ng wika ng

pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito (Kelman,1971; Fishman, 1968; Kloso,

1968). Ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wikas sa paniniwala ng mga linggwist ay

nakabatay sa pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at hindi kailanman pagkakatulad o

uniformicidad ng anumang wika (Bloomfield 1918). Bunsod ito ng mga nagkakaibang pangkat

ng tao na may ibat-ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Ang mga

pagkakaibang ito sa wika ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw ditto kaugnay ng

dipagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita kultura at sibilisasyon

(Constantino, 2000).

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Ito ay matatagpuan

sa kanlurang bahagi ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog-dagat Tsina. Ito ay may

kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometres (2,104.65 sq mi). Pangasinan ang pangalan ng

lalawigan, ng mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Sinasabing

mayroong 1.5 milyong mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal

na kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika

ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa

Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog. Ingles at Filipino ang kadalasang wika
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
Kagawaran ng Filipinolohiya

dito at ang ginagamit sa pagtuturo sa paaralan.Pangasinense ang wikang ginagamit ng mga taong

naninirahan sa gitnang bahagi ng Pangasinan at Ilokano ang pangunahing wika sa

pinakamalaking bahagi ng lalawigan. Ang Bolinao ay may sariling wika.

Ayon kay Rubino (2002) maliit ang bahagdan ng sari-saring uri ng dayalektikal na

varayti sa Pangasinan ngunit sinasabi ni Quiros na ang wikang Pangasinan ay madaling makilala

dahil ito ay ginagamit sa gitnang bahagi ng lalawigan. Kung gagamitin ang salitang Pangasinan

sa mga lugar ng Camiling (Tarlac) at Bayan ng Mangatarem at paghambingin sa mga lugar na

mga baybayin kagaya ng Dagupan, pagkatapos ay muling paghambingin ang mga salita sa

Lungsod ng Carlos at tiyak na makikita ang mga pagkakaiba ditto. Ang nasabing wika sa gitnang

Pangasinan ay may detalyadong paglalarawan sa ispesipikong pangyayari.

Isang magandang halimbawa nito ang ulan na may kaugnayan sa pang-uri kagaya ng

maksil [malakas] or makapuy [mahina] sa ibang lugar. Ngunit sa gitnang Pangasinan, maraming

iba’t ibang katawagan sa ulan. Maaring It can be maya-maya [drizzle], tayaketek [light rain] or

ambusabos [heavy rain].

Madalas sa mga Pangasinense ay marunong magsalita ng Ilocano, Filipino at Ingles. Sa

kasalukuyan ang Pangasinan ay dominanteng wika sa kanyang probinsiya na may 48% na

bahagdan ayon sa kanilang populasyon batay sa 2000 na sensus.


Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
Kagawaran ng Filipinolohiya

Layunin
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Baryasyon ng mga Piling Terminolohiya sa

Wikang Pangasinense. Layunin nitong sagutin ang mga sumusunod na tanong;

1. Matukoy kung bakit mayroong ibat-ibang baryasyon ang Wikang Pangasinense

2. Anu-ano ang mga baryasyon ng Wikang Pangasinense

3. Anu-ano ang mga terminolohiya sa Wikang Pangasinense

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw at nililimitahan ng mga mananaliksik tungkol sa

Baryasyon ng mga Piling Terminolohiya sa Wikang Pangasinense sa Pilipinas. Aalamin nito ang

pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit sa Pangasinense.

You might also like