You are on page 1of 1

PASKO SA PILIPINAS

Ang pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalaga at pinakapinaghahandaang


pagdiriwang sa Pilipinas. Pagsapit pa lamang ng Setyembre ay mararamdaman mo na
ang paparating na pasko. Kakikitaan ang mga kalye na mga makukulay na parol at mga
ilaw. Mga nag tataasang Christmas Treena may magagandang palamuti, mga batang
umaawit ng tugtuging pamasko, at pagbigay ng mga regalo. Ang Noche Buena naman
ay isang kaugaliang Pilipino na tumutukoy sa salu-salo o pagdiriwang sa gabi ng
bisperas ng pasko. Sa araw na ito ay ang pagtatapos ng Simbang Gabi, pagtitipon ng
mga magkakapamilya kasama ang iba pang kamag-anak para sa isang masayang
hapunan. Kaakibat nito ay ang mga masisiglang sayawan, magigiliw na awitin at walang
humpay na kwentuhan.

Ibang-iba talaga ang pasko sa Pilipinas, sa kabila ng mga pinagdaanan natin sa


nakalipas na taon, ay nanagawa pa rin nating magdiwang at magkaroon ng mga
kakaibang ngiti sa labi. Sadyang kakaibang sigla ang naidudulot ng simoy ng pasko sa
ating mga Pilipino.

You might also like