You are on page 1of 1

Krizelle Mae D.

Trugo
11-Luna
Takdang Aralin
Piling Larangan

MGA KATUTUBONG KULTURA

BAYANIHAN
- isang tradisyong Pilipino kung saan ang paglipat ng tirahan ng isang
pamilya ay pinagtutulungan ng buong bayan. Ang mismong buong
bahay na malimit gawa sa kawayan at nipa (Bahay Kubo) ay
boluntaryong binubuhat ng mga kalalakihan. Sabay-sabay nila itong
maingat na dinadala sa bagong paglilipatang lugar ng pamilya.

PAGMAMANO
- ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang
paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng
nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po.
Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.
Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng
paggalang.

PIYESTA
- isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t
ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan,
ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan,
paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay
isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na
dinarayo ng mga turista taun-taon.

PAMAMANHIKAN
- ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong
magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa
magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang.

HARANA
- ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng
tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong
ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana
ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang
tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon
mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig.

You might also like