You are on page 1of 26

 

 Ang Maikling Kuwento at Dula sa Bawat Panahon FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas

Republika ng PilipinasCommission on Higher Education

Benguet State University

College of Arts and SciencesKAGAWARAN NG HUMANIDADESPAARALANG GRADWADOMga Taga-ulat:

 Jose V. Valdez at Geraldine Gonzaga

Guro:

 Penelope F. Tica-a, PhD

 Asignatura:

FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas

 ______________________________________________________________________

 ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA:PAGDALUMAT SA KASAYSAYANI.

PANIMULA

 Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaanat


matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.Ito ay
nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikangkomposisyon na
nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mgamananalaysay, ang dula o
drama.Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang
taon ngpangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng
tanghalan,

iba’t ibang kasuotan, iskrip, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng

tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama aydrama
kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson,mimesis
ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Ang

mimesis

 ay ang pagbibigay buhay ng aktorsa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito
rin ang malaking pagkakaiba ngbanyaga sa Pilipinong dula.Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang
mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita angmga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon.
Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagisa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin
mamamalas ang iba

’t
ibang anyo ng kanilangpamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay
nagbibigay ng masmalawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga
pangangailangan ng

mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

II.

 ANG DULA SA IBA’T IBANG PANAHON

  A.

Panahon ng mga Katutubo

 Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago

pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na

mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga

unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y

isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang


ginaganappara sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan,
pakikipagdigmaan,kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating
ang mga dayuhangmananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

MGA KATUTUBONG DULA1.

Bikal at Balak-

 Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. ang mga mang-aawit ay


magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mgamanonood. Sa mga
berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan okapangitan ng bawat isa. Sa
ganitong pagkakataon, lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mgamanonood ay may kanya-kanyang
kakampi.

 Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit na

umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi.


Sapamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa ang kani-kanilang niloloob
atdamdamin.2.

 
Bayok o Embayoka-

Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na

 nilalahukan ng isang lalakiat isang babae na binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng


palabas. Ang mga kasali ritoay dapat na mahusay sa berso sapagkat ang kunting pagkakamali sa
pagkakamit o pagpili ng salita
 
 Ang Maikling Kuwento at Dula sa Bawat Panahon FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas

ay maaaring humantong sa mainitang sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring magingdahilan


ng pag-aaway ng mga pami-pamilya.

3.

Kasayatan-

Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na tinatawag na

kasayatan. Ito ay sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati sa dala

 wang pangkat. Magkahiwalay

ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos
ngtalumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may 

-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.

Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa m

agkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw

pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may 

-ari ng bahay na pinagdarausan ngpagdiriwang.

 Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito ay ginagawa sapamamagitan ng
patula. Pagkatapos sumagot ng mga panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-usap sa mga binata
habang sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng isangbinata ang isang panyo.
Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae at ipapatong angisa pang panyo sa isa sa
kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng mga instrumentong kudyapi, kulintang,agong at kubing. Ang
kanilang mga kilos ay waring naglalarawan ng kanilang mga ninuno.

4.

Dallot

Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag 

-ibig. Ang lalaki ay tutula at nagpapahayag ng pag-ibig

at ito’y sasagutin ng babae nang patula. Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng 

 
kutibeng 

, gitara

ng mga Ilokano. Ito’y itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan.

Habang nag-aawitan

ang dalaga’t binata ay pinapasa ang 

oasi 

, isang uri ng alak. Kapag angbabae ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay ihahayag at itatakda ng
mga magulang ang kasal.

 Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal. Ito ay ginagawa

sa saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga tao’y nagsasayawan.

Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan.

 5.

Dung-Aw 

 Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na binibigkassa piling ng bangkay


ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay nagsasalaysay ng paghihinagpis ngnaulila at paghingi ng
kapatawaran sa nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.

 Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Dung-aw na sipi sa aklat nina Natividad, Simbulanat Academia.

 Ako’y kaawaan o aking kapatid

ako’y kaawaan o aking asawa

ikaw namatay o aking kapatid


 

ikaw namatay o aking asawa

ano ang natira’t sa akin naiwan

sa abang buhay kong walang kapalaran?

 Ang lahat sa akin ay nakalilimot

pagkat parang sanggol sa iyo umiirog 

ang mga mata ko pugto sa luha

ang abang puso ko babad sa luha.

 6.

Hugas-Kalawang-

Isang tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ngpagtatanim ng palay, ang mga
magsasaka ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman.Naghahandog ng premyo ang may-ari ng lupa
para sa pinakamabilis magtanim. Pagkatapos ngpagtatanim, sila ay naghuhugas ng kamay at susundan
ito ng kainan at magkakasayahan habangnagkakantahan, nagsasayawan, nagkukuwentuhan at nagtutuk-
suhan.Ang hugas-kalawang aynagtataglay rin ng mimesis sapagkat ang mga gumaganap dito ay mga
magsasaka at may-ari ng lupa.

 7.

Dalling-Dalling-

 Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na anyo ng dula ng mga Tausug sa

Sulu. Nangangahulugang “Mahal Ko”, ang dalling 

-dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mgamanonood na umawit habang ang magsing-irog ay


sumasayaw.

 Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa


pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga niloloob. Kadalasan, ang mga manonood ay kumakantarin
nang may himig na panunudyo.

B.

Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol (1565-1872)

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong 3Gs. Dumating sila na ang pangunahinglayunin ay
ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitanng
pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Napakaraming dulang panlibangan ang ginanap ng ating mgakalahi
noong panahon ng kastila. Halos lahat ng mga dulang ito ay patula. Narito ang mga sumusunod:

1.

 Tibag-

ipinapakita at ipinapaalala sa dulang ito ang paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayangkrus ni Hesus sa
pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.

 
 

 Ang Maikling Kuwento at Dula sa Bawat Panahon FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas

2.

Lagaylay-

sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pagtitipon-tipon kung buwan ngMayo ang
pagtatanghal na ito. Abril pa lamang ay namimili na si Kikay, ang anak ng sakristanmayos ng mga
dalagang sasali rito para sa panata na ginagawa dahil sa pagkakasakit o sa isangpabor na nais makamtan.
Layunin nitong magbigay paggalang, papuri, at pag-aalay ngpagmamahal sa mahal na krus na nakuha ni
Santa Elena sa bundok na tinibag.

 3.

Panunuluyan

- prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay tungkol sa paghahanap ng bahayna matutuluyan
ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.

 4.

Panubong-

isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan na kungtawagin ay


panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan.

 5.

Karilyo-

 dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Pinapagalaw ang mga ito sapamamagitan
ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.Ang mga taong nagsasalitaay nasa
likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay kanilangmga
anino.

 6.

Moro-

moro-
itinatanghal sa pinasadyang entablado. Itinatanghal tuwing araw ng pista ng bayano ng nayon upang
magdulot ng aliw sa tao at lagging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ngrelihiyong Kristiyano. Ang mga
moro-

moro ay may hari’t reyna at mga mandirigmang kawal.

 Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa sagupaan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim noong ika-16siglo.

 7.

Karagatan

 uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan. Angpaksa ng karagatan
ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan.Nagpapasikatan ang mga binata sa
kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa pamamagitanng pagtula). Kung sino man sa kanila ang
makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.

8.

Duplo-

 ito ang humalili sa karagatan. Isang paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwirananpatula.


Hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro ito sapaglalamay sa gunita ng
isang namatay.

9.

Saynete-

itinuturing na dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mgaEspanyol. Ito ay
paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay,pangingibig, at
pakikipagkapwa.

Hal. La India Elegante Y El Negrito Amante ni FranciscoBalagtas.

10.

 
Sarsuela-

isang melodrama o dulang musical na tatatluhing yugto. Ito ay tungkol sap ag-ibig,paghihiganti,
panibugho, pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin. Karaniwangnagpapakita ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Upang lalong magustuhan ngmanonood ay nilalahukan ito ng
katatawan na laging ginagampanan ng mga katulong sa dula.Sinasabing ito ang nagsilbing libangan sa
mga huling taon ng pananakop ng mga Espanyol.

Hal.

Walang Sugat ni Severino Reyes.

C.

Panahon ng Pagbabagong Isip (Propaganda) at Himagsikan (1872)

Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkahimlay ang mga natutulog nadamdamin ng
mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Cavite ang tatlong paring sin Gomez, Burgos,at Zamorra at
patayin sa pamamagitan ng garrote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala.Dahil ditto nabuo
ang Kilusang Propaganda na binubuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uritulad nina Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro
Paterno at iba pa.Ilan sa mga dulang naisulat sa panahong ito ay ang mga sumusunod:1.

“El Consejo De Los Dioses” (Ang Kapulungan ng mga Bathala) ni Jose Rizal 

 Ito ay isangdulang pantanghalang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.2.

Pagpugot kay Longino ni Mariano Ponce- 

 isang dulang tagalog na itinaghal sa liwasan ngMalolos, Bulacan.

D.

Panahon ng mga Amerikano (1898)

 Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unangtaon ng
pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan angmga
katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabingnagtataglay ng
pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian,naglalahad ng buhay ng
katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga taong isang bayan upang
mabuhay, ay wala noon.Sa pagpasok ng mga Amerikano, sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ay
nagsimula ngkilusan laban sa moro-moro at nagpilit na magpakilala sa mga tao ng mga lalong
kapakinabangangmatatamo sa sarsuela at tahasang dula. Narito ang ilan sa mga akdang dula ba nakilala
sa panahong ito:

You might also like