You are on page 1of 4

MAF 303– Dulang Filipino

Professor: Juliet Falisong-Urpiano, PhD.


Monday to Friday(5:00-7:00 PM)
Hunyo 23, 2022
Taga-ulat: NGOSLAB,JACQUELINE B.

5.MGA DULA SA IBA’T IBANG PANAHON

I.Panahon ng Kastila Sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Kastila ay namayani ang iba't ibang uri ng
dulang panrelihiyon. Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, ang dulang panrelihiyon ay napapanood bilang
makulay na paglalarawan ng mahalagang kapistahan at panahon ng simbahang Katoliko
A. Dulang Patula
1.Karagatan:Ito ay isang uri ng ating panitikan kabilang siya sa dulang panlibangan na ginagawa ng mga
Pilipino noong panahon ng mga kastila,ito ay batay sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang singsing sa
dagat batay sa hangaring makapili ng mapapangasawa.
-Ito ay itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito
ay nasusulat ng padula at ginagampanan ito ng mga tauhan.
-Ito din ay tinatawag na dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran
ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay.

* Ito ay isang larong may paligsahan sa tula o Ang kuwentong ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat
*Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing ,kinakailangang sumisid sa dagat ang
binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing
*Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay oMay dalawang papag sa magkabilang mesang na may
sarisaring pagkaing-nayon. O Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga
*Karaniwang isang lalaki ang magsisimula ng larong ito .Maaaring magpalabunutan para mapili ang
binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinhaga
*Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti o Bibigkas
muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinhaga

2. Duplo
Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang
mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga biro
at palaisipan sa bernakular.Isa rin ito sa mga larong paligsahan sa pagtula kaya maari rin itong
tawaging tulang patnigan.Ito ay itinatampok sa lamayan .Paligsahan sa pagtula,ito ay pagtatalo
sa pagmamatuwid.Ang palitan ng matuwid o sagutan ay likas na agaran (imprumto).Sa ibang
salita ,ang pagtatalo ay walang paghahanda.
-isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. binubuo ng
mga puns, biro at palaisipan sa bernakular. Kinalaunan, naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso.
- Ang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen Ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang
kanilang sarili Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya,
magsasabi siya ng isang dalit para sa namatay.
- Ang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen Ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang
kanilang sarili Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya,
magsasabi siya ng isang dalit para sa namatay.
- Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan. Dito nakaupo, ang villacas at villacos. Sa gitna ng grupo
nakaupo ang hari o ang duplero Pagkatapos, dagli na sisimulan na ng hari ang laro sa pamamagitan ng pagbato ng
bola o panyo sa isa sa mga villacos. Yuyuko ang villaco sa hari at dadalhin ang bola o panyo sa isangvillaca na
sumagot sa talumpati.
-  Bago mag-umpisa ang hari ay nagsisimula sa pagsasabi ng isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at isang
Requiem para sa namatay Pagkatapos ng dalangin, isisigaw ng hari ang “Numeracion”. Ang mga kasali naman ay
sasagot nang “Tribulacion”  Pagkatapos, dagli na sisimulan na ng hari ang laro sa pamamagitan ng pagbato ng bola
o panyo sa isa sa mga Billacos Yuyuko ang Billaco sa hari at dadalhin ang bola o panyo sa isangvillaca na sumagot
sa talumpati na ginawa ng Billaco.
-
- Walang iisang paksa .
Kategorya ng paksa sa duplo.
Alo-divino -may kaugnayan sa Diyos at sa mga banal na bagay
Historia-vino -kasaysayan ng Diyos at ng mga santo o anghel Alo
-humano/alo-mano -may kaugnayan sa mga propeta, mitolohiya, bayani o ng relasyon ng tao sa Diyos
Historia-mano -kasaysayan ng mga tao o ng bansa
Ley/Lai -tumatalakay sa mga batas tulad ng Kodigo Penal at Kodigo Sibil
3.Juego de Prenda
JUEGO DE PRENDA “Laro ng Parusa” Habang lamayan Linalaro ito upang di makatulog ang mga tao habang
nagbabantay sa patay Ang mga manlalaro ay uupo at bubuo ng isang bilog tapos ang isang pinuno ay magbibigay
ng mga puno o bulaklak sa mga manlalaro Ang pinuno ay magkukwento tungkol sa isang ibon na nawala na
pagmamay-ari ng ng hari. Magsisimula siyang magtanong “nawala ang ibon kahapon nahanap mo ba? ” tapos
magsasabi ng puno o bulalak tulad na lang ng ilang-ilang. Sasagot kaagad ang taong kumuha sa ilang Tuloy-tuloy
ang pinuno sa pagtanong sa iba pang mga puno. Pag sa pangatlong bilang ay di sila nakasagot ay magbibigay siya
ng isang bagay sa pinuno Makukuha mo lang ulit ang mga bagay na ibinigay mo pagkatapos magsabi ng isang dasal
o tula..
Ang huwego de prenda, batay sa kahulugan ng pinagmulan nitongEspanyol na juego de prenda, ay “laro ng
multa.” Nilalaro itotuwing burol o lamayan. Walang takdang bilang ang maaaring sumalisa laro ngunit
malimit na kabataan ang mga kalahok.
Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari na nawawala angkaniyang ibon at sisimulan
niyang pagbintangan ang isang kalahok na babae.Itatatwa ito ng napagbintangan at ipapasa ang sakdal sa
isang kalahok na lalaki.Kailangang mabilis sa pagsagot at pagpapasa ang kalahok. Kailangangmemoryado
din niya ang mga ibinigay sa kanilang pangalan. Kapag namali sapagsasabi ng pangalan, o bumagal sa
pagsagot, ang kalahok ay “napeprendahan”o napaparusahan.•Ang parusa ay dalawang klase: tumupad ng
isang utos o tumula/umawit.•Bago magsimula, sa pagitan ng mga parusa, at sa pagtatapos ay umaawit ang
mgakalahok ng dalít at ganito ang koro

B. Dulang Panlibangan
1.Karilyo: Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis –tao sa likod na kumot
na may ilaw,habang pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng
kurido ,awit,dulang panrelihiyon o alamat.
-Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa
karton, na pinapanood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng mga
taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
-Ancient Art Form o Isa sa Pinakamatandang Porma ng Sining na Ginagamit sa Pagtatanghal •
Nagsimula ito sa China noong Han Dynastyyo-maynila,Rizal,Batangas.
- Kagamitan • Puppets • Screen • Light form
Titires-Ilocos,Pangasinan,bataan,capiz,Negros
Kikimut-Pampamga at Tarlac
Aliala-Launion
2.Senakulo: Nagsasalaysay ng buhay ng kamatayan ni Hesukristo.Ito ay Pasyong itinatanghal sa
entablado. Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga
dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa
Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa
bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay
magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula.
-Ang senakulo ay nangangahulugang pook para sa hapunan o kaya ito rin ang pagsasadula ng kwento ng
buhay, kahirapan, at pagkabuhay muli ni Hesukristo.
- Ito ay itinatanghal tuwing Mahal na Araw upang maipakita ang mga pinagdaanan ni Hesus noong siya
pa ay nabubuhay.Ito rin ay tinatawag na pasyon ng tanghalan. Nagsisimula ito sa Lunes Santo at
nagtatapos sa Biyernes Santo. Minsan naman ay umaabot din ito ng Linggo ng Pagkabuhay.
- Ito ay tradisyon na ng mga katoliko sa Pilipinas upang mapaalala ang mga pinagdaanan ni Hesus para sa mga
tao at kung ano pa ang iba niyang sinakripisyo para lamang maligtas ang mundo.

3.” Sugat o Salubong”: Ito ay ginaganap tuwing araw ng pagkabuhay ni Hesukristo.Ang salubong ay
tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen Maria at Hesukristo.May awitan ng mga anghel at pagpupuring
tula at awitin na sinasambit .Hanggang sa kasalukuyan ang tradisyung ito ay buhay at ginagawa sa
Pilipinas.

4. TIbag: Pagtatanghal tuwing buwan ng Mayo sa paghahanap ni Reyna Elena sa krus na pinagpakuan
kay Kristo.

5.Flores de Mayo :Pagpaparada sa Krus na pinagpakuan ni Hesus sa lansangan at paghahatid nito sa


simbahan.Marangyang parade ng mga sagala at konsorte na kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa
Bibliya.
Ang Santacruzan :ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng
Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang
ina ni Constantino. May ilang personalidad sa industriya ng pelikula at telebisyon ang lumalahok
sa ganitong pagdiriwang at kadalasan ay nagiging tampok sa sagala bilang reyna at konsorte.
6. Panunuluyan: Isinasagawa bago mag-alas-dose ng gabi ng kapaskuhan.Natutungkol ito sa paghahanap
ng matutuluyan ni Maria at jose upang iluwal ang sanggol na si Hesus. Ang Panunuluyan ay isang
kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na nagtatanghal ng masalimuot na paglalakbay nina
Santo Jose at Birheng Maria mula sa Nazareth patungong Bethlehem upang maghanap ng
matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesukristo. Ito ay hango sa salitang-ugat na “tuloy” na
isang magiliw na pag-anyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng tahanan.
7.Panubong o Putong Pamutong: Mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o
kapistahan.Masasaksihan ito sa Quezon at sa Marindugue.

8. Pangngaluluwa: Dulang panrelihiyon na isinasagawa tuwing araw ng mga patay(Todos Los


Santos).Bisperas pa lang ay gumagala na ang mga kaluluwa at bumibisita sa mga bahay-bahay at
humihingi ng limos habang kumakanta.

9.Moriones( Mindoro at Marindugue) Ginaganap tuwing mahal na araw.Miyerkules hanggang Biyernes


Santo.Nagsusuot ng maskarang may iba ibang kulay.Kumakatawan ito sa Senturyong
Romano.Pinakabayani si Longinus,taong bulag ang isang mata na gumaling nang matuluan ng dugo ni
Hesus nang itusok ng sibat si Hesus sa Krus Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na
pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng
armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang
mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng
pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay
nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

10.Moro-moro:Itinatanghal sa entablado tuwing araw ng Pista upang magdulot ng aliw,itinatanghal ang


pag-aaway ng Muslim at Kristyano. Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula
sa Europa na comedia de capa y espada. Ito ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na
nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas
lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuring na
kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.

11.Sarswela: Komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog.May tatlong yugto at nahihinggil sa
mga punong damdamin ng tao,pag-ibig,kapopootan,paghihiganti,kasakiman,kalupitan o pampulitika.

12.Opera-Ito ay nagmula sa wikang Italyano at tumutukoy sa teatro na gawa na ang teksto ay inaawit
kasama ang saliw ng isang orchestra.Ang termino ay inilapat upang pangalanan ang akda,ang
dramatikong tula na inilaan para sa ganitong uri ng representasyon,ang genre na pinagsama ang gawa
na ito,ang tipikal na musika ng genre at teatro na binuo upang kumakatan sa mga operas.

You might also like