You are on page 1of 24

Balik- Aral

Ano- ano ang mga likas na yaman ng bansa?

Bakit mahalaga na pangalagaan natin ang mga ito?


Sa paanong paraan mo maipapakita ang pangangalaga mo sa ating
mga likas na yaman?
PAGGANYAK

HAPAGHAPANYU LAKAKNALA
PAGHAHAYUPAN KALAKALAN
SONGAPAANG SDAINGPAIGN
PANGANGASO PANGINGISDA
SASGPAAKA
PAGSASAKA
PAGTATALAKAY

KABUHAYAN

• Ano-ano kaya ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?


• Ano ang pagsasaka?
• Ano naman ang pangingisda?
• Ano ang pangangaso?
• Ano ang paghahayupan?
• Ano naman ang pakikipagkalakalan?
MGA HANAPBUHAY
NG SINAUNANG
PILIPINO
PAGSASAKA
PAGSASAKA
 Ang malawak na kapatagan ay ginagamit ng mga unang Pilipino sa pagsasaka. Binungkal nila
ang lupa sa pamamagitan ng araro at suyod na hila-hila ng kalabaw.
 May dalawang paraan noon ng pagsasaka – ang pagkakaingin sa kabundukan at ang
pagpapatubig sa kapatagan.
 Ang pagkakaingin o ang paghahawan at pagsusunog ay ginagawa sa burol. Pinipiling lugar
yaong maraming puno at walang matataas na damo.
 Sa paraang pagpapatubig, ang mga magsasaka ay gumagamit ng patubig o irigasyon.
 Palay ang pangunahing tanim ng mga Pilipino, gayundin ang abaka, saging, kamote, bulak,
niyog at bungangkahoy.
 Ginamit nila ang malalaking punongkahoy sa paggawa ng bahay at iba pang mga kagamitang
yari sa kahoy.
PANGINGISDA
PANGINGISDA
Ang mga unang Pilipino na nakatira sa tabi ng ilog at dagat ay
pangingisda ang ikinabubuhay.
Karaniwang ginagamit nila ang sibat, salakab, buslo at lambat.
Bukod sa panghuhuli ng isda, ang mga unang Pilipino ay nanguha
rin ng mga kabibi at halamang dagat, ang iba naman ay naninisid ng
perlas.
Ginamit nila itong pamalit sa mga kalakal ng mga mandarayuhang
Tsino, Hapon at Arabe
PAGMIMINA
PAGMIMINA
Natuto din ang mga sinaunang Pilipino ng paraan ng
pagmimina ng iba’t ibang uri ng metal tulad ng ginto, bakal,
tanso at pilak.
Ang bakal ay ginagamit nila sa paggawa sa paggawa ng mga
kagamitan sa pagsasaka, mga sandata, at iba pa.
Ang ginto ay ginagamit nila sa paggawa ng palamuti at alahas
ang tanso ay ginagawang kagamitan sa pagluluto tulad ng
kaldero at kawali.
PAGPAPANDAY
PAGPAPANDAY
Ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay sa metalurhiya o
pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto.
Ito ang obserbasyon ng mga dayuhang nangangalakal na
ipinagpapalit ang kanilang paninda ng ginto, pilak at tanso.
Bukod sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda, at pagmimina, ang
mga tao ay nabubuhay rin sa pag-aalaga ng mga hayop at pagtitinda
ng mga produktong yari o gawa sa kanilang lugar.
KALAKALAN
KALAKALAN
 Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o pareho.
Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan
ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan.
 Ang pinagmulan ng kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng mga produkto at
mga serbisyo.
 Ang mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang pangkalahatan
sa halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng salapi
 Ang pangangalakal ay tumutukoy rin sa mga aksiyon na ginagampanan ng
mga mangangalakal at ang mga ibang ahenteng pangkalakalan sa mga kalakalang
pampananalapi.
PAGHAHAYUPAN
PAGHAHAYUPAN
 Ang paghahayupan naman ay binubuo ngpagaalaga ng kalabaw, baka, kambing,
baboy,manok, at pato. Ang paghahayupan aynakatutulong sa pag-supply ng
ating mgapangangailangan sa karne at iba pang pagkain.Ang paghahayupan ay
gawaingpangkabuhayang kinabibilangan ng ating mgatagapag-alaga ng hayop.
Mayroon ding mgapribadong korporasyon na nasa ganitonghanapbuhay.
ANO-ANO ANG MGA
HANAP BUHAY NG MGA
SINAUNANG PILIPINO?

Pagsasaka
Pangangaso Pangingisda

Hanap buhay ng
mga Sinaunang
Pilipino

Pagpapanday Pangangalakal
Paghahayupan
PAGTATAYA
PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot
1. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang mga Pilipino?
a. pangingisda
b. pangangaso
c. pagsasaka
d. lahat ng nabanggit
2. Ang mga sumusunod ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang mga Pilipino maliban
sa _____.
a. pangingisda
b. pananahi
c. pangangaso
d. pakikipagkalakalan
3. Ito ay tawag sa pakikipagpalitan ng mga produkto na hindi ginagamitan ng pera.
a. pangingisda
b. pananahi
c. pangagaso
d. Pakikipagkalakan
4. Ang pangingisda, pangangaso, pagsasaka, paghahayupan at pakikipagkalakan ay mga
pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.
a. tama
b. mali
c. siguro
d. wala sa nabanggit
5. Bilang isang kabataan, pano mo maisasabuhay ang konsepto ng pangkabuhayan?
a. taas noo kong nirerespeto ang mga kabuhayan na nakakatulong sa ating pang araw-araw na buhay
b. kinakahiya ko ang magsasaka dahil ito ay maduming trabaho
c. tinutukso ko ang aking kaklase sapagkat isa lamang mangingisda ang kanyang tatay
d. wala sa nabanggit
TAKDANG ARALIN

SA ISANG MALINIS NA PAPEL, GUMUHIT NG


ISANG KABUHAYAN NG MGA SINAUNANG MGA
PILIPINO NA PATULOY NA ISINASAGAWA PARIN
SA KASALUKUYANG PANAHON SA INYONG
LUGAR

You might also like