You are on page 1of 3

PANAGSINAN STATE UNIVERSITY

Bayambang Campus
Bayambang, Pangasinan

Pangalan: Valerie P. Ventura


Instructor: Bb. Monica Paiman
Petsa:

Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan, Pakinabang para


sa lilan

I. INTRODUKSYON
Sa panahon ngayon maraming umuusbong na suliranin pangkalikasan sa
bansa tulad ng paglobo ng populasyon sa pilipinas, deforestation o pagkalbo ng mga
kagubatan, nariyan din ang paglaki sa problema ng basura at higit sa lahat ang
pagmimina na siyang dulot ng pagkasira sa kalaikasan at iba pa. Dito tatalayakin ang
mga epekto ng pagmimina sa bansa at sa mamamayanan.

II. NILALAMAN
Noong sinaunang panahon ang unang luminang o umunlad sa aspeto ng
pangkabuhayan ay ang pagsasaka, pangingisda, paghahabi at naririto din ang
pagmimina
Hindi maipagkakaila na ang pagmimina sa pilipinas ay nakakaambag ng hindi kalakihan
sa ekonomiya ng bansa. Na sagi ba sa iyong kaisipan kung saan nagmumula ang mga
alahas, mga gadget, electronic appliances at mga materyales na kinakailangan sa
paggawa ng mga gusali batid kong malaman niyo na ang lahat ng ito ay nagmula sa
mga tanso, ginto, nickel at iba pa na siyang kinukuha sa ilalaim ng lupa na tinatawag
na pagmimina. Ngunit dapat nga ba natin hindi pagtounan ng pansin ang pagmimina?
Maraming tao ang hindi batid na pagkawasak ng natural na habitat o tirahan ng mga
hayop; pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon sa lupa na dulot ng mga tumagas na
kemikal sa minahan at iba pa ay sanhi o dulot ng pagmimina. Ngunit ano nga ba ang
pagmimina? Paano ba maproproteksyonanan ang ating kalikakasan dulot ng mga illegal
na gawain dito sa pilipinas.
a. Pagganyak

Ito ay uri ng laro na kung saan magbibigay ang taga pagsalaysay ng


tatalakayin ng isang partikular na bagay o salita na gagayahin ng mga manlalaro sa
makatuwid tinawag ito sa ingles na give me the picture of.

b. Pagatalakay

Ang pagmimina o (mining) sa ingles ay isang proseso ng paghuhukay at


pagkuha ng mga bagay sa lupa. Ang mga bagay na hindi malilikha ay kailangan
minahin. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon,
paghanngo o paghugot. Maaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga
metal at mga mineral, na katulad ng uling, ginto pilak, platinum, tanso, at bakal. Maari
rin naming iba pang mga bagay, katulad ng langis at likas na gas. Wari man ang
pagmimina ay nakakaambag sa paglago ng bansa o sa ekonomiya ng pilipinas nasiyasat
kong hindi lamang sa kapaligiran ito pumipinsala kundi sa aspeto din ng sosyo-
ekonomikong kalagayn ng mga komunidad. Ang mga halibwa nito ay ang dilokasyon ng
mga katutubong mamamayanan na kariniwang pinapalayas sa kanilang lupang ninuno o
ancestral domain. Itinala naman sa aklat ng Philippine Rural Reconstruction Movement
(PRRM) inilatha noong 2005. Ayon dito ang pagmimina ay nagdudulot ng pagkwasak ng
natural na habitat o tirahan ng mga hayop. Pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon
ng lupa na dulot ng mga tumagas na kemikal sa minahan at marami pang iba pa.

Noong 2007 ang isla ng Rapu Rapu ay nakaranas ng hindi kaaya ayang pangyayri dulot
ng pagmimina. Ayon dito malaking quantity ng nakakalasong cyanide ang tumagas sa
ma katubigan na nagdulot ng pinasala sa kalikasan. Ayon naman kay Gina Lopez isa sa
may-ari ng abs-cb company, isang iksperto sa pagbabalita ang kaniyang nakapanayam.
Ayon kay Gina Lopez para sa kanya hindi naman niya alintana ang pagmimina hanggat
ito ay hindi nakakapinsala sa kalikasan bagkus nasambit din niya na ang mga
negosyante at mga foreignera ang siyang higit na nakikinabang dito.

C. Konklusyon
Ang pagmimina ay lingid na mapanganib ngunit ang mga minero sa pilipinas
ay handang isugal ang kanilang buhay para may makain lamang ang kanilang mga
pamilya. Ngunit ito ay lubos na nakakapinsala,nakaka-apekto at higit sa lahat
nagbibigay suliranin sa kalikasan at panlipunan na siyang nagdudulot ng kontaminasyon
sa tubig at marami pang iba pa. Hanggat maari ating pausbungin ang ating
pagkamakalikasan at magsilbing magandang ihemplo pagdating sa ating kalikasan.
Huwag sanang mamayani sa mga mamamayan ang pagiging ganid sa kayamanan lalo
na’t itoy nakakasira sa kalikasan.
III. Sanggunian
Book (David Michael M. et al, Mutya Publishing House Inc. 2018, Talastasan,
kontektwalisadong lominikasyon sa Filipino)

You might also like