You are on page 1of 48

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN


A. PANIMULA

Ang pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang
anumang materyal na hindi nalilikha at mapapalago ay dapat minahin. Ang pagmimina ng mga
bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksyon, paghango o paghugot ng mineral tulad ng nickel,
uling, ginto, pilak, platinum, tanso at iba pa. Ilan sa mga uri ng pagmimina ay tinatawag na
pagmiminang patalop o strip mining, pagpunta sa malalim na bahagi ng lupa upang marating mine
shaft ang poso ng mina o na tinatawag na pagmimina sa ilalim ng lupa o underground mining.

Ang pananaliksik tungkol sa epekto ng pagmimina sa kalikasan, ekonomiya, pang-agrikultural at


kalusugan ng mga mamamayang nakatira sa Baranggay Gisgis, Purok Saging, Sta. Cruz, Zamblaes ay
naglalayon na maipabatid sa mga mamamayan na kung ano ba talaga ang tunay na epekto nito
upang maitama ang mga maling naidudulot at higit na mas mapalawak pa ang magagandang
naidudulot nito sa mamamayan ng Baranggay Gisgis.

Sa kabila ng pagmimina sa iba’t-ibang lugar dito sa ating bansa lalo na sa lugar ng Purok Saging,
Brgy. Gisgis, Sta. Cruz Zambales, ito ay may mga kaakibat na epekto at suliranin para sa mga
mamamayan na naninirahan ditto. Lingid sa ating kaalaman na ang pagmimina ay may positibo at
negatibong epekto sa ating lugar. Ang mga epektong ito ay maaring makatulong sa mga
mamamayan na naninirahan malapit sa minahan upang masaayos o di kaya’y maaring dahilan ng
isang di magandang pangyayari sa kanilang pamumuhay. Marami sa ating mamamayan lalo na ang
nakatira sa mga bulubundukin tulad ng nasabing lugar ay walang mga trabaho at ang tanging
pinagkakakitaan ay ang pagkuha at paggamit ng ating mga likas na yaman tulad ng pangangaso,
pagsasaka at iba pa. Sa pagpasok ng minahan sa kanilang lugar naiisip nila na ito ay maaaring isang
alternatibong pagkakakitaan at hanap-buhay na maaaring makatulong sa pag-unlad ng kanilang
pamumuhay. Malaking salapi ang kinikita sa pagmimina ngunit ang salaping iyon ba ay
makakatulong sa mga mamamayan para umunlad ang ekonomiya sa kanilang lugar? Ano ang
maaring magiging kalagayan ng kanilang kalikasan, agrikultura, at seguridad? Ito ay aming tutuklasin
bilang mananaliksik sa pagbuo ng pananaliksik na ito.
B. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Nagsimula ang pagmimina sa Pilipinas sa panahong pre-kolonyal. Maraming mga rehiyon sa


kapuluan at ang mga katutubong komunidad ay nagmimina para sa ginto, tanso at maraming iba
pang mga mineral. Ang mga katutubo sa buong Pilipinas ay gumagamit ng ginto, perlas, agata, at iba
pa, para sa mga burloloy sa katawan. Nakipagkalakalan ang ating mga katutubo ng ginto sa mga
dayuhang Arabo, Asia at Europa sa mga panahon ng pre-Islam at Islam. Maraming mga
mangangalakal mula sa Luzon (Northern Philippines), Brunei at Jolo patuloy na naglalakbay sa buong
Mindanao sa paghahanap ng mga alipin at ginto.

Ang unang komersyal na minahan sa Pilipinas ay nasa Benguet, sa Gitnang Luzon, na itinatag ng
Benguet Mining Corporation. Sinamantala ng mga kolonyalistang Espanyol ang anumang
mapagkukunan ng mineral na maaari nilang makuha sa ating bansa. Sa katunayan, ang ginto ang
pangunahing dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, pangunahin para sa kanilang
tinatawag na Royal Service. Nagsagawa pa rin sila ng isang batas, na tinatawag na Inspeccion de
Minas, upang siyasatin ang pagkakaroon ng mga mineral sa arkipelago.

Gayunpaman, ang mga amerikano ang gumawa ng mga estratehikong hakbang upang
pagsamantalahan ang mga mineral ng Pilipinas. Ginawa nila ang isang geological survey, na
nagpatunay sa Pilipinas bilang isang bansa na mayaman sa mineral, at naglabas ng Batas 468, isang
batas na nagbigay sa gobyerno ng karapatan na magreserba ng mga lupang mineral para sa sarili
nitong mga layunin. Inaangkin nila ang maraming lugar bilang "reserved areas" para sa hinaharap na
pagmimina, gaya ng komersyalisasyon ng pagmimina ng ginto sa Benguet.

Sa taong 1914 sa timog, ang Surigao at iba pang bahagi ng rehiyon ng Caraga ay ipinahayag
bilang isang "iron reservedl" na lugar para sa hinaharap na pagmimina. Noong panahong iyon, ang
industriya ng pagmimina sa Pilipinas ay unti-unting umusbong at pinalawak pA ng “Commonwealth
US Government” at bumuo ng isang Mining Bureau upang makontrol ang lahat ng mga potensyal na
operasyon sa hinaharap.

Hanggang 1921, walang malaking pagmimina ngunit marami ang namumuhay mula sa maliliit na
pagmimina ng ginto. Sa pagitan ng 1933 at 1941, ang ginto ang nangingibabaw at pinakamahalagang
mineral sa industriya ng pagmimina. Sa ilalim ng paniniil ng Hapones, ang mga Pilipino sa maraming
rehiyon ng bansa ay pinilit sa pagmimina para sa mga metal na gagamitin para sa mga armas ng
digmaan sa imperyalismong Hapon. Ito ang naging daan para sa karagdagang komersyalisasyon,
pagsasamantala at pagkasira ng Pilipinas. Ang malaking pagmimina ng tanso ay nagsimula noong
dekada 1960 at 1970s. Sa huling bahagi ng dekada 80, ang pangangailangan ng tanso sa bansa ay
nabawasan sa pabor ng ginto. Gayunpaman, ang bilang ng mga kumpanya ng pagmimina ng ginto ay
nagsara sa panahong iyon dahil sa mga paglabag sa batas at ang bilang ng ginto ay bumaba.

Sa tulong ng World Trade Organization, International Monetary Fund at World Bank, ang neo-
kolonisadong Pilipinas ay muling pinilit na baguhin ang mga patakaran sa ekonomiya upang
sumunod sa mga patakaran ng neo-liberal. Noong 1994, ang mga proyektong pulitiko, tulad ni Gloria
Macapagal Arroyo, ay nagboboluntaryo para sa isang Mining Bill na sa kalaunan ay magiging
Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995. Ang batas na ito ay nagbibigay ng kapangyarihan
sa lupa, yaman at buhay sa mga korporasyon; maraming lugar ang naging sentro ng pagmimina.

Noong 1996, ang industriya ng pagmimina sa Pilipinas ay nakabalik , na nagpapahintulot sa mga


kompanya ng malayo sa pampang na muling mgmina sa nakalaan na mga lugar - isang kalamidad
para sa maraming lugar sa Pilipinas. Noong Marso 1996, ang Marcopper tunnel sa Marinduque ay
bumagsak. Sa estimasyon, 1.6 milyon metrong kubiko ng mga” tailings” ng minahan ang dumaloy
mula sa hukay ng minahan sa Makulapnit at Boac river, na nagpatigil ng 4,400 katao sa 20 baryo sa
pagdaan sa ilog. Ipinahayag ng pamahalaan na ang Boac river opisyal na patay. Ang kalamidad ay
nagdulot ng napakalaking siltation sa mga komunidad malapit sa minahan at baybaying lugar.

Kabilang sa mga trahedya na nangyari noong 1998 ay ang kaso ng Malangas Coal Corporation sa
Zamboanga Del Sur, Mindanao, kung saan naganap ang isang pagsabog sa minahan, na pinatay ang
halos isang daang manggagawa at 35 katao ang nasaktan. Noong 2004, naganap ang isa pang
kalamidad sa Surigao Del Norte, Mindanao. Sa pagkakataong ito, ang pinakamalaki at pinakamatagal
na korporasyon ng pagmimina sa Pilipinas, ang Manila Mining Corporation (MMC) ang may sala sa
pangyayari. Naganap ang tatlong nakapipinsalang insidente, kung saan ang humigit-kumulang na
limang milyong kubiko metro ng mga materyales na basura na naglalaman ng mataas na antas ng
mercury ay inilabas, nakakapinsala sa mga lupang agrikultural ng mga tao at pansamantalang
pagkalason sa katabing Placer Bay.
Sa kasalukuyan, 20 malalaking operasyon ng pagmimina, 10 medium-scale at mahigit 2,000 non-
metallic small-scale mining operations ang umiiral sa Pilipinas. Gayunpaman, ang daan-daang mga
application ng pagmimina ay nakabinbin upang makuha ang natitira sa mga mapagkukunan ng
bansa.

C. BALANGKAS TEORETIKAL
Para sa Pang-Kalikasan, nagsiyasat ang Center of Environmental Concerns – Philippines, 1.8
hektaryang bukid sa Sta. Cruz Zambales ang natabunan ng may 6,475 cubic meters na putik na kung
susumahin ay makakapuno ng 675 na mga truck. Taong 2006 nang magsimula ang pagmimina ng
Nickel at Chromite sa lalawigan, bumaba ang kita ng mga residenteng tanging sa agrikultura lamang
umaasa. Noong 2009, naging 7,000 piso hanggang 10,800 piso, ang dating 44,000 piso hanggang
60,800 pisong kita ng mga magsasaka. Katumbas ito ng dating 100 hanggang 120 kaban ng bigas na
ngayon ay 55 hanggang 80 kaban na lamang. Sa madaling salita may negatibong epekto ang
pagmimina sa kalikasan.

Para naman sa Pang-Ekonomikal, ang mapait na katotohanan ay ito: mula 1997 hanggang 2013,
ang karaniwang kontribusyon lang ng industriya ng pagmimina sa employment rate ay naglalaro sa
0.44% o 149,235 trabaho, at ang karaniwang kontribusyon sa GDP ay 0.7% lang. Ibig sabihin, kahit
nag-export ang Pilipinas ng minerals at produktong mineral na nagkakahalagang 1.13 trilyon sa
parehong panahon, napakaliit ng pakinabang kung meron man, sa lokal na ekonomiya

Sa loob ng labing-anim na taon ay nagkaroon lamang tayo ng napakaliit na employment rate


bilang ng nalikhang trabaho ng minahan sa Pilipinas. Ang 0.44 na porsyento ng trabaho ay napakaliit
para sa napakaraming kompanya ng minahan sa Pilipinas at napakaliit para sa loob ng mahabang
panahon. Malaiit na pakinabang para sa isang malaking industriya ng pagmimina na may masamang
epekto sa ekonomikal na estados ng bansa.

Ang pagpapalakas ng ating bansa sa industriya ng pagmimina ay isa sa mga pamamaraan kung
kaya natatamo natin ang pagsulong ng ating ekonomiya. Batay sa datos mula sa Department of
Environment and Natural Resources umaabot sa humigit-kumulang 500 milyong dolyar ang naipasok
na bagong pamumuhunan ng industriya ng pagmimina sa bansa sa taong kasalukuyan. Ang
industriya ay nagbukas din ng 3,250 na bagong trabaho sa unang tatlong buwan pa lamang ng taong
2007. Ang bilang na ito ay sumasakop lamang sa 24 na pangunahing kompanya na nagmimina sa
bansa.

Malaki ang naging ambag ng Industriya ng pagmimina sa ekonomikal na estado ng bansa. Ang
pagpasok ng malalaking kompanya kasabay ng malaki nitong puhunan ng yamang mineral ng bansa.
Ang pagtaas ng bilang ng bagong trabaho para sa manggagawa ay isa rin sa magandang naidulot ng
pagmimina sa ating bansa. Marahil kahit papaano ay may magandang naidudulot rin ang pagmimina
sa ating ekonomiya lalo na sa bilang ng trabaho at mga nagkakatrabaho pati na rin ang pagtaas ng
mga dayuhang gustong mamuhunan sa pilipinas dahil sa yamang mineral ng bansa.

Para sa Pang-Agrikultura naman naka apekto ng malaki ang pagmimina sa Zambales magmula
noong 2006. Higit na apektuhan ang kanilang agrikultura dahil natabunan ng putil ang malaking
parte ng kanilang taniman. Naapektuhan din ang trabaho ng mga residente sapagkat pagtatanim
lamang ang kanilang ikinabubuhay sa lugar. Tinatayang mahigit 30,000 ang ibinaba ng kanilang kita
pagsapit ng taong 2009 ng dahil nga sa nasabing pagmimina, yung dating 100 hanggang 120 na
kaban ay naging 75 hanggang 80 na lamang. Pinatunayan sa ginawang pagsisiyasat na negatibo ang
naging epekto ng pagmimina sa agrikultura ng lugar.

Para sa Pang-Kalusugan naman tumaas din ang naiulat na bilang ng mga nagkakasakit ng hika
dahil sa 200 hanggang 300 mga truck na naglulan ng nickel at lupang mayaman sa mineral na
dumadaan ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw sa komunidad.

Isa sa mga posibleng dahilan ng pagtaas ng bilang ng nagkakahika sa komunidad ng Zambales ay


ang mga truck na naglululan ng mga nickel. Ang nickel ay isang carcinogen. Ang paglanghap nito ay
delikado sa ating baga. Ayon sa Estados Unidos “Ang Nickel ay nasa listahan ng pinakadelikadong
metal”, kung kaya’t ito ay kontrolado ng OHSA (Occupational Hazard Safety Association).
Nangangahulugan na negatibi ang mga nagiging epekto ng pagmimina sa kalusugan ng tao lalo na
ang mga nakatira malapit sa mga minahan.

D. BALANGKAS KONSEPTWAL
Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mga mananaliksik hinggil sa pag-
aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing
balangkas ay ipinapakita sa isang presentasyon ng paradigma ng pananaliksik na kailangan
maipaliwanag ng maayos. Ito ay binubuo ng Paghahanda (Input), Proseso (Process), at Kinalabasan
(Output). Sa Paghahanda o Input, nakalahad dito ang mga paghahanda o pagbabatayan ng gagamitin
sa pag-aaral. Kung paano gagawin o mga dapat gawing hakbang sa pag-aaral ay nasa bahagi ng
Proseso. Ang kinalabasan o resulta ay kauuang dapat malaman at mapatunayan sa pag-aaral.

INPUT PROSESO AWTPUT

Ang propayl ng mga


tagatugon

1. Edad
2. Mag-asawa Ang epekto ng
3. Epekto ng Interbyu pagmimina sa
pagmimina kalikasan,
sa: Analysis ekonomiya,
-Ekonomiya agrikultura
-Agrikultura
-Kalikasan
-Kalusugan

Ang konseptwal na balangkas ng pananaliksik na ito ay ginamitan ng input-process-output model.


Inilalahat ng input ng balangkas ay propayl ng mga tagatugon tulad ng edad, mag-asawa at kung anu-
ano ang mga epekto ng pagmimina sa pang-ekonomiya, agrikultural, kalikasan at kalusugan ng mga
mamamayang nakatira sa Purok Saging, Baranggay Gisgis, Sta. Cruz, Zambales. Ipinapakita rin ditto
ang maaaring epekto ng pagmimina. Una na sa ekonomiya na may malaking nakukuhang epekto sa
pagmimina. Ang pagtaas ng ekonomiya ng bansa kasabay na ang mga patuloy na pagpasok ng mga
malaking kompanya sa pilipinas upang mamuhunansa bansa. Ikalawa ay sa agrikultura dito makikita
ang labis na pagkasira ng mga lupang maaring pagtaniman na ikina-bubuhay ng mga taong nakatira
malapit sa minahan. Ikatlo ay ang epekto nito sa kalikasan, ang pagguho ng mga kalupaan dahil sa
patuloy na pagputol ng mga puno sa bundok na nadamay sa pagmimina kasama na rin ang
pagkakontamina ng mga daluyan ng tubig dahil sa mga basura at kemikal galling sa mga minahan.
Ang huli ay ang epekto nito sa kalusugan ang pagkakaroon ng mga iritasyon sa balat maging sa mata
na magdulot ng impeksyon, lumalalang problema sa paghinga ng mga mamamayan malapit sa
minahan at ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mga problema sa kalusugan hingil sa pagmimina. Ang
proseso ng balangkas ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa
pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang
awtput ng balangkas ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at ang epekto ng
pagmimina sa lugar ng Purok Saging, Barangay Gisgis, Sta.Cruz, Zambales.

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang maaaring maging epekto ng pagmimina
sa kalikasan, agrikultura, ekonomiya at seguridad ng mga mamamayan na nakatira sa nasabing
lugar. Hangad ng mananaliksik ay maibigay ang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kalagayan ng kalikasan sa lugar?


2. Ano ang kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayang nakatira malapit sa
minahan?
3. Ano ang estado ng agrikultura sa nasabing lugar?
4. Ano ang estado ng ekonomiya sa nasabing lugar?
5. Ano sa tingin niyo ang maaring solusyon sa mga nasabing suliranin?

F. HAYPOTESIS
Ang pag-aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubos na napakahalaga upang maunawaan
at mas mapalawak an gating kaalaman hingil sa mga epekto ng pagmimina. Bukod ditto mas lalo
pa natin mabigyang pansin ang negatibo at positibong epekto nito sa ibat-ibang aspeto ng ating
pamumuhay.

G. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang malaman kung paano nakakaapekto ang pagmimna
sa kalikasan, ekonomiya, agrikultura at seguridad ng mga mamamayang nakatira malapit sa isang
minahan. Kaugnay nito, nais ng mga mananaliksik na ibahagi ito upang maging daan sa mga
susunod pang pananaliksik na may kaugnay sa epekto ng pagmimina.
SA MGA MAMAMAYANG NAKATIRA MALAPIT SA MINAHAN; upang magsilbing tulong at gabay
kung paano nakakaapekto ang minahan sa pamumuhay at sa kalusugan ng mga taong nakatira
malapit dito at makagawa ng mga maaring hakbang upang mapaliit ang tiyansa ng sakit sa kanilang
komunidad.

SA GOBYERNO; upang mabatid ang kahalagahan ng epekto ng pagmimina sa kalikasan,


ekonomiya, agrikultura at magsagawa ng mga aksyon maaaring makatulong hinggil dito.

SA MGA INDUSTRIYA NG MINAHAN; upang magsilbing tulong at gabay na rin kung paano mas
mapapaunlad pa ang komunidad malapit sa minahang kanilang pinag-tatrabahuhan, katulong narin
ang ahensiya ng gobyerno sa mga hakbang o aksyong pwedeng gawin hinggil sa maaaring epekto ng
kanilang minahan.

SA MGA MAG-AARAL; upang magsilbing tulong, gabay at maliwanagan rin sa mga maaaring
maging epekto ng pagmimina sa ekonomiya, agrikultura, kalikasan at kalusugan sa ating bansa.

H. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay diin sa pagmumungkahi na magkaroon tayo ng bukas at


mapanuring isipan tungkol sa mga maaaring epekto ng pagmimina.

Ito ay nakatuon sa mga mamamayang nakatira malapit sa minahan sa Purok Saging, Brgy.
Gisgis, Sta. Cruz, Zambales. Kinabibilangan ito ng labing-lima na mag-asawa sa nasabing purok sa
edad na 20 pataas. Lahat ay kakapanayamin para sa makakalap na mga impormasyon at datos
kaugnay sa mga epekto ng pagmimina sa kanilang lugar sa taong 2017 hanggang sa kasalukuyan.

Hanggang dito na lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na masyadong


papalawakin pa. Kinalap ang mga impormasyon sa pamamagitan ng paginterbyu at pinagtibay ng
mga impormasyon na nakalap sa internet, mga artikulong may relasyon sa paksang tinalakay at may
kaugnay sa pananaliksik upang masuportahan ang mga nakolektang datos .

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop at tunay na napapanahon ang suliraning ito.
Mainam na magkaroon ng ganitong klaseng pag-aaral upang mapunan at malaman ang sagot sa
suliraning nararanasan sa kasalukuyan.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA

A. BANYAGANG PAG- AARAL

Ang banyagang pagaaral ay naglalaman ng mga pagaaral na pang internasyunal tungkol sa


pagmimina mabuti man o masama ang nilalaman nito ito ay resulta lamang ng mga hakbangin na
ginawa upang kumalap ng impormasyon tungkol sa industriya ng pagmimina na pang internasyunal.

Batay sa pag-aaral ng Mining is Destroying South Africa’s Environment ang malalang polusyon
sa tubig at hangin ay isa sa mga labis na naging resulta ng pagmimina. Ang mga nakakalasong
basura at pag-abandona sa mga minahan ay patuloy na pumuwesto bilang isa sa mga
pinakamapanganib na hinaharap ng timog Africa sa kanilang kalikasan. Ang mga basura na
nangagaling sa pagmimina ay nangungunang sumisira sa kabuuan ng timog Africa ito rin ang may
pinaka malaking hatak ng polusyon sa nasabing bansa kung kaya’t napabilang ito sa isa sa mga
bansang may pinakamalaking naglalabas ng karbon dayoksayd kung pag-uusapan ang bilang at laki
ng polusyon sa buong mundo. Higit pa dito ay ang epekto ng mga lumang minahan na pumupwesto
rin sa isa sa mga nakasira ng anyong tubig na nagreresulta ng pagkakontamina nito dahil sa mga
mabibigat na metal na nahalo sa mga daluyan ng tubig malapit sa mga minahan. Dapat na limitahan
ng mga kompanya ng minahan ang kanilang mga aktibidad lalo pa’t ang mga nagiging resulta ng
pagmimina ay nangungunang problema na kinahaharap ng mundo. Hindi lang ang mga bagong
minahan ang nakakaapekto sa kalikasasn kundi ang mga luma at nagsaradong minahan ay may
matagal at mahabang epekto sa kalikasan, ang pagkakontamina ng tubig daluyan malapit sa mga
minahan at ang labis na taas ng karbon dayoksayd sa bansa.
Maiuugnay namin ang pag-aaral ng Mining is Destroying South Africa’s Environment sa aming
pag-aaral dahil naka-pokus ito sa epekto ng pagmimina sa kalikasan na gaya din ng paksa ng mga
mananaliksik.

Sa kabila ng benepisyo ng industriya ng pagmimina sa loob ng maraming taon, ito rin ay isang
industriya na puno ng maraming problema. Matapos makuha ang kalayaan ng mga bansa sa Africa
ilan sa mga minahan ay nagsara at ang kahirapan at ang mataas na porsyento ng walang trabaho
ang naging epekto nito. Ang ibang minahan ay bumalikwas, namuhunan sila sa mga makinarya na
nakakatulong sa pagmimina at ang kanilang mga operasyon ay lumawak.
Sa kabila ng magandang naidulot ng pagbalikwas ng ibang minahan sa lokal na pagyabong ng
ekonomiya, ito rin ay nagkaroon ng isang malaking negatibong epekto sa mga bansa ng Africa tulad
ng sosyal, ekonomikal at pangkapaligiran na kalalabasan.

Gayunpaman, ang pagsasara ng mga industriya ng minahan ay may negatibong resulta sa


bansa gaya ng pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho at ito din ay ngakaroon ng malaking impak
sa mga trabahador nito posibleng nagbunsod ito ng kahirapan dahil sa kawalan ng trabaho o
pagkawala ng pinagkukuhaan ng pagkakakitaan ngunit ang mga dahilan din sa likod ng pagsasara
nito ay dahil din sa malaking negatibong epekto nito simula sa kalikasan at maging sa kalusugan.

Ang mga kumpanya ng minahan ay hindi lamang naaakit sa mga papaunlad na mga bansa ng
Africa dahil sa mga mayayamang mineral dito – sila din ay naaakit sa mga bansa na may mababang
pamantayan ng seguridad at sa kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkakalbo ng kagubatan,
pagkaubos ng mga mapapagkuhaan ng ikabubuhay sa kalikasan na may malaking epekto sa mga
lokal na mamamayan.
Isa pang malaking epekto ay ang polusyon bunga ng pagtatapon ng mga basura ng mga
kumpanya ng minahan. Ilang mga minahan sa Africa ay nakaranas ng pagtagas ng cyanide – isang
nakakamatay na lason na ginagamit sa pagkuha ng ginto. Ang mga ilog ay naapektuhan at ang ilang
mga imbakan ng tubig ay nilipat dahil sa mga ganitong pangyayari.

Batay sa industriya ng pagmimina sa British Columbia ito ay gumastos ng halos 5.2 bilyong
dolyar para sa serbisyo at kagamitan sa taong 2010. Ang mga napaggastusang ito ay direktang
napunta sa operasyon, capital, eksplorsyon at pagpapaunlad, pagkontrol sa kapaligiran at interest
sa publiko. Ang kabuoang gastos ng pagmimina sa British Columbia a tinatayang mahigit sa 8.9
bilyong dolyar at nakapag ambag ito ng dalawang porsyento sa GDP ng mga probinsya. Kung
susumahin, sa bawat 1.73 dolyar na pang-araw-araw na gastos ng mga kumpanya sa British
Columbia.
Mapapansin na malaki ang nagastos pero kakaunti lamang ang nagiging balik dahil hindi
naging matagumpay ang ilang mga operasyon ng nasabing kumpaya, dagdag pa ang mga gastos sa
mga makinarya na gagamitin.
“Our rivers and streams throughout the country are under severe stress as a result of mining
and industrial activities and have been this way for a very long time. The recent reports that water
engineers are frantically working on overflowing acid mine drainage in the Witwatersrand’s
western basin and other articles on this subject to us.” “This week we marked World Environment
Day, yet we are still faced with the stark reality that acid mine drainage impacts everyone, from
rural communities and farmers to urban residents,” “Unfortunately there are too many loop-holes
in legislation governing the mining sector. Mining corporations are not held accountable for many
of the costs that their operations impose on society. The line between what is their responsibility
and what is not, is still very unclear. Generally many of these costs are borne by the state and by tax
payers while local communities suffer air quality and water contamination.” - John Capel,
Ehekutibong Direktor ng Bench Mark’s Foundation.

B. LOKAL NA PAG-AARAL

Ang lokal na pag-aaral ay naglalaman ng mga pagaaral na pang lokal tungkol sa pagmimina
mabuti man o masama ang nilalaman nito ito ay resulta lamang ng mga hakbangin na ginawa upang
kumalap ng impormasyon tungkol sa industriya ng pagmimina sa loob ng bansa..

Ayon kay Danilo C. Israel at Jasminda P. Asirot nakakaapekto ng malala ang mercury sa
kalusugan ng tao at maraming sanhi nito isa na ang pagkalat nito sa sapa, ilog na kung saan ang
ibang tao ay dito nakuha ng kanilang inumin. Isa pang sanhi na nakakaapekto dito ay ang posibleng
malanghap ng mga tao na may masamang epekto sa katawan at kalusugan ng tao. Ang pagamit ng
mga minahan ng mga nakakalasong kemikal ay posibleng makaapekto sa mga isda kapag ang lason
ay napunta sa mga ilog o kanal. Ang pagkakalbo pa ng mga kagubatan ang isa pang negatibong
epekto sa kalikasan. Dahil sa mga minero na kinakalbo ito upang kanilang tirahan. Dagdag pa niya
lahat ng mineral sa publiko at pribadong lupa sa loob ng teritorya at pasok sa EEZ (Exclusive
Economic Zone) ng Republika ng Pilipinas ay pagmamay-ari ng estado. Ito ay responsibilidad ng
estado na itaguyod ang lahat ng rasyonal na eksplorasyon, pag-unlad, paggamit at konserbasyon
tungo sa pinagsamang kakayahan ng gobyerno at ng mga pribadong sektor upang mapayabong ang
natural na paglaki sa pamamagitan ng seguridad ng kapaligiran at protektahan ang mga karapatan
ng mga apektadong komunidad sa Pilipinas. Malawakang pagguho ng lupa, pagkalason ng tubig sa
mg ilog at pagkawala ng mga patubig sa mga lupang sakahan para gamitin sa operasyon ng mga
minahan. Ilan lamang ang mga ito sa hindi magandang epekto ng malawakang pagmimina ng
Oceana Gold Philippines Inc. (OGPI) sa Didipio, Nueva Vizcaya.
Maiuugnay naming ang ginawang pag-aaral ni Danilo C. Israel at Jasminda P. Asirot sa pag-
aaral na ginagawa ng mga mananaliksik dahil naka-pokus sila sa epekto ng pagmimna sa kalusugan
ng tao at epekto ng pagmimina sa kalikasan na gaya ng paksa ng mga mananaliksik

Ayon kay OIC Regional Director Danilo U. Uykieng Mines and Geoscience Bureau (MGB) siya
ay sangayon sa paunang sabi ng lokal na geolohista noong Setyembre 23, 2015 na walang pagkalat
ng nickel sa mga ilog ng Zambales. Ayon kay Uykieng "...Para sa talaan, Ginoo, walang pagkalat ng
nickel sa Zambales. Pero, merong epekto ang pagkapulbos ng mga bato dahil sa natural na pagguho
ng lupa." sa pagdinig sa katanungan ng Environmental and Natural Resources committee na si
Francis Escudero. Ang mga kaganapang ito ay nangyayari lamang tuwing uulan dahil nabubulabog
ang tubig. Maaalala natin na pinatigil ang operasyon ng LnL Archipelago Minerals Inc., Benguet Corp
Nickel Mines, Inc. at ang Eramen Minerals Inc. sa munisipalidad ng Sta. Cruz at Candelaria dahil sa
pagtagas ng mga mineral sa mga daluyan ng tubig. Kung kaya’t imbis na ipatigil ang mga
kumpanyang nabanggit ito ay isinawalang bahala na lamangang katiwaliang nagaganap sa zambales
ng dahil sa magandang resulata nagagawa nila para sa ekonomiya ng ating bansa at sa mga
katutubong kababayan natin.
Maiuugnay naming ang ginawang pag-aaral ni Danilo U. Uykieng dahil tinatalakay nya ang
epekto n pagmimina sa kalikasan na gaya din ng paksa ng mga mananaliksik.

Ayon kay Rodrigo Duterte bilang president ng Pilipinas siya ay nangangako na sa katapusan
ng Hunyo 2016 at ang kanyang malapit na kakampi na si Gina Lopez, Environmet Secretary, na
ipapasara ang mga kumpanya ng minahan na nakabukas ngayon sa bansa. Ang Philippines Natural
Resources Ministry ay nagsagawa ng isang audit sa lahat ng operasyon ng pagmimina sa loob ng
ating bansa at tuluyan ng napasara ang anim na minahan simula ng maupo si Duterte bilang
president, tatlo dito ay minahan ng nickel. Gusto rin ng ministro na magsagawa ng pagbabawal sa
lahat ng open-pit na minahan. Tinuon ni Lopez ang kanyang pansin sa lahat ng maliliit na minahan
ng ginto. Ayon kay Lopez “Sila ay illegal sa kalikasan at kailangan na ipasara sila agad.” Ayon sa
datos ng World Gold Council ang Pilipinas ay nakagawa ng 41.1 tonelada o kulang-kulang 1.5
milyong onsa noong 2015 na naglalagay dito bilang isa sa 20 nangungunang bansa sa buong mundo
at pangatlo sa Asya. Ang mga kumpanya ng minahan sa Pilipinas ay humaharap sa mabigat na buwis
na umaabot sa 40% na mapupunta sa gobyerno, 30% buwis sa kita at ilang mga buwis na ang mga
kumpanya lang ng minahan ang mayroon.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay inaasahan na madodoble ang taunang kita mula sa mga
minahan hanggang sa 1 bilyong dolyar sa ilalim ng bagong paghahati ng kita na aprubahan nung
Lunes na 55% ng kita o 10% ng kabuoang kita ng minahan ay mapupunta sa pamahalaan. Ayon sa
Manila Standard Today “Ang MICC ay ipepresenta ang bagong panukala kay Presidente Benigno
Aquino ngayong lingo para aprubahan bago isumite sa kongreso.” Ayon sa MGB “Ang buwis sa mga
kumpanya ng minahan ay isang problema na nagpapabagal sa pag-unlad ng mga pinagkukunan ng
mineral dahil umaabot ito sa 850 bilyong dolyar,” estima ng MGB. Pero ayon kay Leo Jasareno,
Hepe ng MGB “Ang bagong batas para sa mga minahan ay gagawing mas mapagkumpitensya at
mas may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa.” Ang pagtataas sa buwis ay gagawing mas mataas ng
mga kumpanya ng minahan sa gobyerno hanggang sa 50%. Sa ngayon ang mga minahan na
nasasaklaw ng Philippine Mining Act of 1995 ay nagbabayad lamang ng 2% ng kanilang kabuoang
kita.
Maiuugnay ang ginawang pag-aaral ng MGB sa paksa ng mananaliksik dahil nakapokus ito sa
epekto ng pagmimina sa ekonomiya.

C. BANYAGANG LITERATURA
Ang banyagang literatura ay mga literaturang hindi galing sa bansa. Hindi Filipino ang
nagsulat ng mga artikulong ito. Ang mga artikulong ito na nakalap ng mga mananaliksik ay may
kaugnay sa epekto ng pagmimina sa ekonomiya, agrikultura, kalikasan at kalusugan ng mga
mamamayang nakatira malapit sa minahan.

Ayon sa International Council on Mining and Metals (ICMM) sa taong 2010, ang kabuuang
halaga ng produksyon ng pagmimina sa Tsina ay umabot nang mahigit 67.2 bilyong dolyar na
tumaas ng higit 55% mula taong 2000. Ang mga produktong maiaangkat mula sa pagmimina ay
maari ipalit sa mga malalaking merkado sa ibang bansa. Bumuo ito ng malaking kita na may
malaking bahagi ng GDP ng bansa. Ang mabilis na pag-unlad ng Tsina ay nararamdaman sa loob ng
tatlong dekada naging parte na rito ang industriya ng pagmimina. Ang industrialisasyon at pag-
unlad ng malawa na imprastraktura ay maaaring hindi possible kung walang mataas na awtput ng
bakal at iba pang materyales pang-kontruksyon. Malala ang naging papel ng pagmimina sa pag-
hubog ng ekonomiya. Ang pagmimina ay naging mahalagang pundasyon ng pag-unlad ng tao.
Naging susi sa pag-unlad ng sibilisasyon sa panahon ng Bakal at Tanso.
Maiuugnay ang artikulong International Council on Mining and Metals sa ginagawang pag-
aaral ng mga mananaliksik dahil naka-pokus ito sa epekto ng pagmimina sa ekonomiya.

Base sa artikulo ng China Mining Development naka direkta ang atensyon sa epekto ng
malawakang pagmimina ng pangkalahatang pagkakontamina ng kalikasan. Isa na marahil dito ay
ang pag-eekstrak ng ginto kung bakit lumala ang sitwasyonng kalikasan. Ang pag-gamit ng mga
kumpanya ng pagmimina ng mga kemikal sa pag-proseso ng pagkuha ng mga mineral sa minahan ay
isang malaking parte sa pagkasira ng mga bundok malapit sa mga minahan. Ang pagkalagas ng mga
kabundukan ay may malaki at mahabang epekto sa kalupaan kahit pa ang lupa ay mapalitan at
makapagtanim ng bagong puno. Isa sa mga sanhi sa pagguho ng lupa ay dahil sa patuloy na
pagbungkal ng lupa. Gayun pa man marami pa ring kompanya ang mga aktibong programa upang
mapangalagaan ang kalikasan at walang madamay sa kanilang mga aktibidad. Isa na ritong
aktibidad ay ang paglilihis ng mga daluyan ng tubig sa mga minahan, dahil dito patuloy at hindi
naapektuhan ang kalidad ng tubig tungo sa mga pamayanan malapit sa mga minahan. Ngunit di pa
rin maiwasan ang mga problemang maaaring makaharap ng mga anyong tubig malapit sa mga
minahan, pagkahalo ng ibat-ibang kemikal na ginagamit sa mga minahan sa mga daluyan ng tubig,
pagdami ng klay o silt na nagdadala dahil sa malakas na pag-agos ng tubig at ang pagkukumpol-
kumpol nito.

Batay sa artikulo ng Mining is Destroying South Africa’s Environment ang malalang polusyon
sa tubig at hangin ay isa sa mga labis na naging resulta ng pagmimina. Ang mga nakakalasong
basura at pag-abandona sa mga minahan ay patuloy na pumuwesto bilang isa sa mga
pinakamapanganib na hinaharap ng timog Africa sa kanilang kalikasan. Ang mga basura na
nangagaling sa pagmimina ay nangungunang sumisira sa kabuuan ng timog Africa ito rin ang may
pinaka malaking hatak ng polusyon sa nasabing bansa kung kaya’t napabilang ito sa isa sa mga
bansang may pinakamalaking naglalabas ng karbon dayoksayd kung pag-uusapan ang bilang at laki
ng polusyon sa buong mundo. Higit pa dito ay ang epekto ng mga lumang minahan na pumupwesto
rin sa isa sa mga nakasira ng anyong tubig na nagreresulta ng pagkakontamina nito dahil sa mga
mabibigat na metal na nahalo sa mga daluyan ng tubig malapit sa mga minahan. Dapat na limitahan
ng mga kompanya ng minahan ang kanilang mga aktibidad lalo pa’t ang mga nagiging resulta ng
pagmimina ay nangungunang problema na kinahaharap ng mundo.
Hindi lang ang mga bagong minahan ang nakakaapekto sa kalikasasn kundi ang mga luma at
nagsaradong minahan ay may matagal at mahabang epekto sa kalikasan, ang pagkakontamina ng
tubig daluyan malapit sa mga minahan at ang labis na taas ng karbon dayoksayd sa bansa.

Marami ang ngaing bunga ng pagmimina sa kalusugan ng mga minero at ang mga
mamamayang nakatira malapit sa minahan. Ang pagmimina ay isa parin sa pinakamapanganib na
trabaho sa buong mundo, maikling pinsala o naging kamatayan. Maging sa pangmatagalang epekto
nito gaya ng kanser at problema sa paghinga halimbawa nito ay ang silikosis, asbestosis at
pneumoconiosis. Ang pagmimina ng malalim ay maaring magdulot ng pagtaas ng dugo sa mga
minero o manggagawa at pagkapagod dahil sa matinding init. Ang pagmimina ng mababaw o
surface mining na nakatuon sa pagmina ng karbon, granite at ibang klase ng bato ay may mataas na
tyansa na makalanghap ng alikabok. Ang hirap sa paghinga ay isa sa mga problemang hinaharap ng
mga minero.

Sa loob ng maraming siglo, may mga naitayong bayan sa palibot ng mga minahan sa bansang
Africa. Ang bayang ito ay merong mga pasilidad tulad ng kuryente, tubig, pamilihan, mga osptal, at
mga paaralan. Ang mga tao ay umalis para lang tumira sa minahang bayan kung saan mayroong
trabahong mapapasukan at mga baying malapit ng palawakin para lang matugunan ang
pangangailangan ng industriya. Sa loob ng maraming taon ang pagmimina ay kinusidera bilang isa
sa nagpayabong at nagpayaman sa mga bansa ng Africa.

Sa kabila ng benepisyo ng industriya ng pagmimina sa loob ng maraming taon, ito rin ay isang
industriya na puno ng maraming problema. Matapos makuha ang kalayaan ng mga bansa sa Africa
ilan sa mga minahan ay nagsara at ang kahirapan at ang mataas na porsyento ng walang trabaho
ang naging epekto nito. Ang ibang minahan ay bumalikwas, namuhunan sila sa mga makinarya na
nakakatulong sa pagmimina at ang kanilang mga operasyon ay lumawak. Sa kabila ng magandang
naidulot ng pagbalikwas ng ibang minahan sa lokal na pagyabong ng ekonomiya, ito rin ay
nagkaroon ng isang malaking negatibong epekto sa mga bansa ng Africa tulad ng sosyal, ekonomikal
at pangkapaligiran na kalalabasan.
Ang mga kumpanya ng minahan ay hindi lamang naaakit sa mga papaunlad na mga bansa ng
Africa dahil sa mga mayayamang mineral dito – sila din ay naaakit sa mga bansa na may mababang
pamantayan ng seguridad at sa kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkakalbo ng kagubatan,
pagkaubos ng mga mapapagkuhaan ng ikabubuhay sa kalikasan na may malaking epekto sa mga
lokal na mamamayan. Isa pang malaking epekto ay ang polusyon bunga ng pagtatapon ng mga
basura ng mga kumpanya ng minahan. Ilang mga minahan sa Africa ay nakaranas ng pagtagas ng
cyanide – isang nakakamatay na lason na ginagamit sa pagkuha ng ginto. Ang mga ilog ay
naapektuhan at ang ilang mga imbakan ng tubig ay nilipat dahil sa mga ganitong pangyayari.

Ang industriya ng pagmimina sa British Columbia ay gumastos ng halos 5.2 bilyong dolyar
para sa serbisyo at kagamitan sa taong 2010. Ang mga napaggastusang ito ay direktang napunta sa
operasyon, capital, eksplorsyon at pagpapaunlad, pagkontrol sa kapaligiran at interest sa publiko.
Ang kabuoang gastos ng pagmimina sa British Columbia a tinatayang mahigit sa 8.9 bilyong dolyar
at nakapag ambag ito ng dalawang porsyento sa GDP ng mga probinsya. Kung susumahin, sa bawat
1.73 dolyar na pang-araw-araw na gastos ng mga kumpanya sa British Columbia. MApapansin na
Malaki ang nagastos pero kakaunti lamang ang nagiging balik dahil hindi nagging matagumpay ang
ilang mga operasyon ng nasabing kumpaya, dagdag pa ang mga gastos sa mga makinarya na
gagamitin

Base sa artikulong Environmental impact of mining in Africa, ang polusyon ng tubig at hangin
ay napatunayang nabibilang sa isang mahalagang kategorya ng mga problema sa bansa.
Gayunpaman, mula sa problema sa polusyon ay nagkakaroon ng isa pang problema kahit na mas
mapanganib. Samakatuwid, ang isa sa mga kahihinatnan ng mga polusyon sa hangin at tubig ay
namamalagi sa pagpaparami ng mga sakit sa South Africa. Habang ang ilang mga may-akda tulad ng
T.C Davies at HR Mundalamo ay nagpahayag na ang “pagkakalantad ng kpaligiran sa mabigat na
metal toxicity mula sa mineral ay maaaring direkta o hindi direktang nakaugnay sa maraming m
sakit, kabilang ang mga sakit ng ulo, depression, at iba pa, at maaaring mag-ambag sa sakit sa buto,
hika, diabetes, fibromyalgia, sakit sa puso, arterial sclerosis, sakit sa Parkinson, ulcers, at marami
pang iba.” Ang ilang iba pang mga may-akda tulad ng O’Connor, TG, at P Kuyler sa “Epekto ng
paggamit ng lupa sa integridad ng biodidebersidad ng mga uri at klase ng mga damo sa timog
Africa” bahagyang na pag-usapan ang mga problema sa kalusugan na may kaugnayan sa mga
kumpanya ng pagmimina bilang isa kung saan nagmula ang problema mula sa mineralisasyon ng
lupa ng ilang rehiyon. Samakatuwid, ang mga isyu sa kalusugan sa bansa ay maaaring iuri sa
dalawang pangunahing mga kategorya.
Ang mga problema dahil sa mineralisasyon ng lupa, na kung saan ay inilalarawan sa
pamamagitan ng ilang mga may-akda bilang mas mahalaga, at mga problema mula sa
pagkakalantad sa mabigat metal toksikidad mula sa mga basura na makukuha sa mga minahan, na
nagiging sanhi ng mas maraming mga sakit, at isang mas higit na dami ng namamatay sa
populasyon.

D. LOKAL NA LITERATURA

Ang lokal na literatura ay mga artikulong nilimbag ng mga Filipinong manunulat. Ang mga
nakalap na lokal na pag-aaral ng mga mananaliksik ay nanggaling sa mga balita sa diyaro at mga
babasahin na may kaugnay sa epekto ng pagmimina sa ekonomiya, agrikultura, kalikasan at
kalusugan ng mga mamamayang nakatira malapit sa isang minahan.

Ayon sa Gobernadora ng Antique na si Rhodora Cadiao, hindi siya sumang-ayon sa ginawang


pagbawi ng suspensyon ng DOE (Department of Energy) sa operasyon ng pagmimina ng Semirara
Mining and Power Corp (SMPC) sa kadahilanang aksidenteng pagkalibing ng buhay ng siyam na
minero sa bukas na hukay ng minahan sa isla ng Semirara, bayan ng Caluya probinsya ng Antique na
nagresulta ng kanilang pagkamatay. Isa itong napakalaking pagkainsulto para sakanyakung kaya’t
siya ay nagpahayag ng pagka dismaya sa EMB (Environmental Management Bureau) na sektor ng
DENR (Department of Natural Resources) pagkalipas ng dalawang buwan noong Setyembre 17,
2015 matapos syang hindi sabihan sa naging desisyon na bawiin ang suspensyon sa ECC
(Environmental Compliance Certificate) ng SMPC. Ayon kay Cadiao, "Maghihintay pa ba ako
hanggang sa may mamatay ulit na Antiqueño? Sinasabi ng konsensya ko na dapat kong protektahan
ang interest ng mga mamamayan ng aking probinsya" dagdag nya.
Maiuugnay ang artikulong ito sa ginagawang pag-aarak ng mga mananaliksik dahil nakapokus
ito sa epekto ng pagmimina sa kalusugan ng mga tao.

Ayon sa DOE “Ang Semirara Mining ay ang pinakamalaking minahan ng karbon sa ating
bansa, nakagawa ito ng 7.19 milyon metrong tonelda noong 2012.”Ang nasabing kumpanya ay
naglabas ng pahayag na 5 sa 10 nawawalang minero ay nakitang patay. At ang lima ay nananatiling
nawawala. Ayon kay George San Pedro, tagapamahala ng Semirara Mining Corp., “3 minero ang
nakaligtas sa pag guho ng lupa.” Ang mga minerong namatay ay sina Abner Lim, Koven Hocate,
Efren Equiza, Anthony Siblet at Georga Bragat. Samantala ang mga nawawalang mga minero ay sina
Jan Riel Planca, Randy Tamparong, Richard Padernilla, Junji Gomez at Leovigildo Porras. Hindi
sinabi ni San Pedro ang sanhi ng pagguho ng lupa ngunit pinahinto ang operasyon para masiguro
ang kaligtasan ng mga minero. Ayon kay San Pedro ang pamamahala ng kumpanya ay nasa proseso
ng pagdedetermina ng sanhi ng aksidente sa tulong ng awtoridad ng gobyerno.
Maiuugnay ang artikulong ito sa ginagawang pag-aarak ng mga mananaliksik dahil nakapokus
ito sa epekto ng pagmimina sa kalusugan ng mga tao at epekto ng pagmimina sa ekonomiya.

Ayon kay San Pedro ang kumpanya ay handang tumulong sa mga pamilya ng mga biktima sa
kabilang banda kusang pinatigil ng kumpanya ang mga operasyon at ang departamento ay
nagpadala ng dalawang inhinyero ng pagmimina sa Semirara para mag-imbestiga. Ayon kay Energy
Undersecretary Ramon Allan Oca Inaalam pa nila kung paano at bakit naganap ang aksidente. Hindi
masabi ng awtoridad sa lalawigan kung ano ang naging sanhi ng pagguho ng lupa pero ayon kay
Chief Supt. Agrimero Cruz "Umulan dito sa aming lugar pero hindi tiyak kung ang masamang
panahon ang dahilan ng pagguho ng lupa." Wala ring naramdaman na malakas na paglindol sa
Semirara Antique, 350 kilometro timog ng Maynila. Ang isla ng Semirara ay maaaring mapuntahan
sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano at bangka. Ang dalawang nakaligtas sa nasabing
aksidente sa semirara ay sina Marjun Catoto at Adruan Celmar na agarang dinala sa pagamutan ng
kumpanya sa islaat si Leonardo Sojor naman ay dinala sa ospital ng Santo Tomas para sa
pagpapagaling. Ayon sa OIC Regional Director Danilo U. Uykieng Mines and Geoscience Bureau
(MGB) siya ay sang ayon sa paunang sabi ng lokal na geolohista noong Setyembre 23, 2015 na
walang pagkalat ng nickel sa mga ilog ng Zambales.
Maiuugnay ang artikulong ito sa ginagawang pag-aarak ng mga mananaliksik dahil nakapokus
ito sa epekto ng pagmimina sa kalusugan ng mga tao.

Ayon kay Uykieng "...Para sa talaan, Ginoo, walang pagkalat ng nickel sa Zambales. Pero,
merong epekto ang pagkapulbos ng mga bato dahil sa natural na pagguho ng lupa." sa pagdinig sa
katanungan ng Environmental and Natural Resources committee na si Francis Escudero. Ang mga
kaganapang ito ay nangyayari lamang tuwing uulan dahil nabubulabog ang tubig. Maaalala natin na
pinatigil ang operasyon ng LnL Archipelago Minerals Inc., Benguet Corp Nickel Mines, Inc. at ang
Eramen Minerals Inc. sa munisipalidad ng Sta. Cruz at Candelaria dahil sa pagtagas ng mga mineral
sa mga daluyan ng tubig. Kung kaya’t imbis na ipatigil ang mga kumpanyang nabanggit ito ay
isinawalang bahala na lamangang katiwaliang nagaganap sa zambales ng dahil sa magandang
resulata nagagawa nila para sa ekonomiya ng ating bansa at sa mga katutubong kababayan natin.

Ayon kanila Rodrigo Duterte bilang president ng Pilipinas at ang kanyang malapit na kakampi
na si Gina Lopez, Environmet Secretary, sila ay nangangako na sa katapusan ng Hunyo 2016 na
ipapasara ang mga kumpanya ng minahan na nakabukas ngayon sa bansa. Ang Philippines Natural
Resources Ministry ay nagsagawa ng isang audit sa lahat ng operasyon ng pagmimina sa loob ng
ating bansa at tuluyan ng napasara ang anim na minahan simula ng maupo si Duterte bilang
president, tatlo dito ay minahan ng nickel. Gusto rin ng ministro na magsagawa ng pagbabawal sa
lahat ng open-pit na minahan. Tinuon ni Lopez ang kanyang pansin sa lahat ng maliliit na minahan
ng ginto. Ayon kay Lopez “Sila ay illegal sa kalikasan at kailangan na ipasara sila agad.” Ayon sa
datos ng World Gold Council ang Pilipinas ay nakagawa ng 41.1 tonelada o kulang-kulang 1.5
milyong onsa noong 2015 na naglalagay dito bilang isa sa 20 nangungunang bansa sa buong mundo
at pangatlo sa Asya. Ang mga kumpanya ng minahan sa Pilipinas ay humaharap sa mabigat na buwis
na umaabot sa 40% na mapupunta sa gobyerno, 30% buwis sa kita at ilang mga buwis na ang mga
kumpanya lang ng minahan ang mayroon.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay inaasahan na madodoble ang taunang kita mula sa mga
minahan hanggang sa 1 bilyong dolyar sa ilalim ng bagong paghahati ng kita na aprubahan nung
Lunes na 55% ng kita o 10% ng kabuoang kita ng minahan ay mapupunta sa pamahalaan. Ayon sa
Manila Standard Today “Ang MICC ay ipepresenta ang bagong panukala kay Presidente Benigno
Aquino ngayong linggo para aprubahan bago isumite sa kongreso.” Ayon sa MGB “Ang buwis sa
mga kumpanya ng minahan ay isang problema na nagpapabagal sa pag-unlad ng mga pinagkukunan
ng mineral dahil umaabot ito sa 850 bilyong dolyar,” estima ng MGB. Pero ayon kay Leo Jasareno,
Hepe ng MGB “Ang bagong batas para sa mga minahan ay gagawing mas mapagkumpitensya at
mas may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa.” Ang pagtataas sa buwis ay gagawing mas mataas ng
mga kumpanya ng minahan sa gobyerno hanggang sa 50%. Sa ngayon ang mga minahan na
nasasaklaw ng Philippine Mining Act of 1995 ay nagbabayad lamang ng 2% ng kanilang kabuoang
kita.

Ang industriya ng pagmimina sa Pilipinas ay naging kontrobersiya ulit matapos ipasara at


ipagbawal ng sekretarya ng Department of Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez ang mga
kumpanya ng minahan sa bansa. Ang pagpapahinto ng mga minahan ay dahil sa pagkasira ng mga
natural na pinagkukunan, tulad ng pagkasira ng natural na tirahan ng mga hayop. Ang pagtatapon
ng mga kemikal ay isa ring dahilan kung bakit marumi na ang ibang lugar malapit sa isang
minahan. Ang mga nasa ibaba ay mga epekto ng pagmimina sa Pilipinas:

Ito ay ilan lamang sa mga naging resulta ng industriya ng minahan sa ating bansa ayon sa
ilang opisyal na obligado sa pagkontrol sa mga bagay bagay na konektado sa ating kalikasan.

Ayon sa sekretarya ng Department of Environmental and Natural Resources na si Gina Lopez,


nararapat lamang na ipasara ang karamihan sa mga kumpanya ng minahan sa ating bansa dahil
nadin sa negatibong bunsod nito sa ating kalikasan. Hangin, ang mga minahan ay may malaking
kalidad ng epekto ditto halimbawa nalang ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon hika sa mga
barangay na madalas daanan ng mga sasakyan na naglululan ng ilang mineral na nakasasama sa
kalusugan ng tao na nagreresulta ng pagkakasakit at ang karbon nan a naglalabas ng methane na
nakasisira din sa ozone layer at nagtataglay ng mga paguulan ng mga asido at nakasusulang usok.

Malaking epekto din ang minahan sa tubig dahil sa pagtagos ng mga nakalalasong kemikal na
dumadaloy sa ilog na posibleng mag dulot ng permanenteng pagkasira nito at maging sa sino
mang makainom nito na posibleng magdulot ng pagkalason na humantong sa kamatayan.

Sa usapang pangkalupaan naman ay napakalaking impak din ng mga minahan na nagreresulta


ng pagguho ng lupa at pagkasira ng kagubatan na nagreresulta ng kawalan ng matitirahan ng mga
hayop dito dahil ditto tinuturing na delikadong industriya ang pagmimina. Sa kabila ng
mabubuting epekto ng minahan sa ating bansa higit padin na nangingibabaw ang masamang dulot
nito sa kalikasan at sa tao.
Ang dating kalihim ng DENR na si Ramon Paje ay pinanukala na alam ng dating Pangulong
Benigno Aquino ang mga nangyayari sa mga kumpanya ng minahan. Ayon kay Paje, “Inutusan
kami ng pangulo na gabayan at tulungan lahat ng kumpanya ng minahan sa pagharap sa mga
ahensya ng gobyerno, pribadong sector, at iba’t-ibang grupo o organisaston.” Sinabi ni Paje na
mayroong 2600 minahan ang gustong magbukas pero 21 lamang ang inaprubahan. “Ang pangulo
ginawang pribado-publikong sektor ang mga proyekto ng mga minahan. Susundin naming ang
utos ng pangulo,” dagdag niya. Para masiguro ang aninaw ng lahat ng mga galaw ng mga
kumpanya ng minahan at mga ahensya ng gobyerno, ang DENR ay nagsimula ng proseso kung
saan lahat ng kontrata at dokumento ay madaling makakuha at makakita sa pamamagitan ng
websayt ng ahensya.

Sa darating na ika-3 ng Marso ang ika-20 taon na mula nang isabatas ang Republic Act 7942 o
Mining Act of 1995. Dalawang dekada na buhat nang itinulak ng rehimeng US-Ramos ang
patakaran ng liberalisasyon o malayang pamumuhunan ng mga dayuhan sa industriya ng
pagmimina. Ito daw ang susi sa pag-unlad ng industriya ng pagmimina na mag-aambag naman sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ngayong 2015 din ang huling taon ng panunungkulan ni
Pangulong Noynoy Aquino. Nagpatuloy ang liberalisasyon sa pagmimina sa ilalim ng kanyang
administrasyon, na pinalakas pa nga ng Executive Order 79 o Mining Order ni Aquino.Mahalaga
ngayon, kung gayon, na tasahin ang mga resulta ng liberalisasyon sa pagmimina: Ano na ang
idinulot ng Mining Act of ’95 sa Pilipinas? Nangyari ba ang pangakong pag-unlad ng pagmimina na
patuloy na inaawit ng kasalukuyang gobyerno at ng mga korporasyon sa pagmimina hanggang
kasalukuyan?

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau, ang halaga ng buwis, bayarin at mga royalty na
nakolekta ng pambansang gobyerno mula 1997 hanggang 2013 ay umabot ng P132.39 bilyon.
Kalingkingan palang ito ng P1.31 trilyon na kabuuang halaga ng produksyon ng minerales sa
Pilipinas sa parehong panahon. Batay sa datos ng BIR, ito ay 9-10% lang ng total na halaga ng
produksyon sa pagmimina na pumapasok bilang buwis. Ibig sabihin, sa bawat P10 na nakukuha ng
mga minero sa ating yamang mineral, P1 lang ang naibabalik sa sambayanan. Higit pa sa tubong
lugaw ang kinikita ng mga lokal at dayuhang korporasyon sa pagmimina. Noong 2013, naglagak
lamang ng US$1.311 bilyon ang mga korporasyon sa pagmimina pero may kabuuang kita sila na
PHP157.1 bilyon o US$3.5 bilyon. Ibig sabihin, sa bawat piso nilang binuhos bilang kapital,
PHP3.50 ang bumabalik sa kanila. Lalong higit ang tantya mismo ng Chamber of Mines in the
Philippines sa pamumuhunan sa pagmimina sa Pilipinas, kung saan ang bawat piso na
pamumuhunan ay nagluluwal ng P31 kabuuang kita sa tantyang panahong mula 2011 hanggang
2017

BUOD O SINTESIS:

Base sa mga nakalap na pag-aaral at literatura, banyaga man o lokal, ay mas nangingibabaw
ang masamang epekto ng pagmimina kahit pa may mga mabubuti at maganda din itong epekto.
Masasabing madami ang higit na naaapektuhan ng negatibong epekto ng pagmimina lalo na yung
mga taong nakatira malapit sa mga minahan. Higit na naaapektuhan din ang agrikultura,
ekonomiya, kalikasan at kalusugan ng mamamayan. Di lamang sa mga nakatira malapit sa
minahan ang naapektuhan ng pagmimina, maging ang buong bansa na may kumpanya ng
pagmimina. Tulad sa ekonomiya ng bansa, tumataas at bumababa ang bahagdan ng kita ng
kanilang bansa. Sa pang-kalusugan naman ay may mga nagkakasakit dahil sa mga kemikal at
alikabok na inilalabas ng minahan sa kaniyang kapaligiran. Sa pang-kalikasan naman ay hindi natin
maitatago at maikakaila na masama ang naidudulot ng minahan sa kalikasan. Tulad sa isang
artikulo sa itaas, ay nakakalbo ang kagubatan dahilan ng pagkaubos ng tirahan ng ilang mga
hayop, nagkakaroon ng kontaminasyon sa mga ilog at batis dahilan naman sa pagkamatay ng mga
isdang naktira ditto at pagkamtay narin ng mga pangunahing pinagkukunan ng mga mamamayang
nakatira malapit sa mg ilog at batis. Sa pang-agrikultura naman ay may mababasa din tayong mga
artikulo o pag-aaral na nauubusan na rin ang mga mamamayang nakatira malapit sa minahan ng
mga pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay. Dahil nga sa pagkakalbo ng ilang kagubatan na
siya ring pagkaubos ng tirahan ng mga hayop, kasabay nun ay nawawalan narin ng mapagkukunan
ang ilang mga tao na nakatira malapit sa kagubatan o sa ilang ilog at batis. Ito ang madalas na
makikita sa mga literatura at pag-aaral sa itaas na nakalap ng mga mananaliksik hinggil sa kanilang
paksa na Mga Epekto ng Pagmimina sa Kalikasan, Ekonomiya, Agrikultura at Kalusugan.
KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK
A. PAMAMARAANG GINAMIT

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.


Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, isa na rito ay Deskriptibong Metodolohiyang Disenyo
ng Pananaliksik na kung saan ito ay napili ng mga mananaliksik na gumamit ng talatanungan para
makalikom ng mga datos. Maliban sa talatanungan, ang personal na panayam ay ginamit din ng mga
mananaliksik upang makakalap ng karagdagang impormasyon tungkol sa paksa. Naniniwala ang mga
mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapanatili ang
pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan ngunit ang uri ng disenyong
ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga katanungan. Kung kaya lubos na
nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maaari ring magsagawa
ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa


pag-aaral na ito upang makakalap ng impormasyon na maging epektibo sa pananaliksik.

B. POPULASYON

Ang populasyon na kakapanayamin ng mga mananaliksik sa Purok Saging, Brgy. Gisgis,


Sta. Cruz Zambales ay binubuo ng labing-limang (15) babaeng kasal at labing-limang (15)
lalaking kasal na respondente at sampung (10) respondenteng kabataan kasal na may edad
sampu hanggang labing-walong (10 – 18) taong gulang. Sa liit ng purok at kakakirampot ng
populasyon ay halos lahat ay nakapanayam. Sa kabuuan apatnapung (40) katao ang
nakapanayam.
C. PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK

Sa pagpili ng mga kalahok na tutugon sa mga katanungan tungkol sa paksa ginamit ng


mananaliksik ang “Universal Sampling” o Pangkalahatang Sampling, sapagkat ang populasyon
sa nasabing lugar ay maituturing na maliit at sapat na gamitin upang maging tagatugon sa
pagkalap ng mga datos at impormasyon kinakailangang ang mga mananaliksik ay nagsasagawa
ng maikling oryentasyon sa mga naninirahan sa nasabing lugar upang masiguro na nauunawaan
ng mga sasagot sa mga katanungan ang bawat bagay maging ang pagiging kompidensyal ng
bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at kailangang mga impormasyon.

D. DESKRIPSYON NG MGA RESPONDANTE

Ang kabuuang bilang ng respondante ay apatnapu (40) na mga residente ang tumugon
sa pananaliksik sa Brgy. Gisgis, Sta. Cruz Zambales.

Pitomput-limang porsyento (75%) ng mga tagatugon 30 na mag-asawa na


kinabibilangan 3 babae na empleyado sa minahan, 12 na babae na nasa bahay, 9 na lalaki na
empleyado ng minahan at 6 na lalaki na pang-agrikultura ang hanap-buhay.

Dalawamput limang porsyento (25%) naman ang mga anak ng respondante na nag-
aaral na nasa edad 8 – 18 taong gulang na kinabibilangan ng 4 na babae at 6 na lalaki.

E. INSTRUMENTO

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o Survey questionnaire bilang


pangunahing instrumento sa pangangalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang
talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat; ang “Profile” at ang “Survey” ukol sa paksang
pinag aaralan.
Narito ang ayos ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon
ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

Pangalan: Lagda:
Kasarian: Edad:
Trabaho:
Estudyante:
Tambay:
1. Ano ang kalagayan ng kalikasan sa lugar?
2. Ano ang kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayang nakatira malapit sa
minahan?
3. Ano ang estado ng agrikultura sa nasabing lugar?
4. Ano ang estado ng ekonomiya sa nasabing lugar?
5. Ano sa tingin niyo ang maaring solusyon sa mga nasabing suliranin?

Ang survey ay nagbigay ng ibat-ibang persepsyon sa mga residente sa nasabing lugar


kung paano nakakaapekto ang pagmimina sa kanilang lugar sa kanilang pamumuhay. Kung ito ba
ay nakaka apekto sa kanilang kalusugan, ekonomiya, agrikultura at kalikasan, at pati na rin ang
maaring solusyon dito.

F. PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang paraan ng pangagnalap ng datos ay isang paraan kung paano at anu-ano ang mga
hakbang na ginawa ng mga mananaliksik para makakuha ng sapat na impormasyon na may
kaugnayan sa kanilang ginagawang pananaliksik o pag-aaral. Ang mananaliksik ang mismong
kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad
sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipepresentang datos.

Ginamit nito ay talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga
mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik at nagsagawa ng maikling oryentasyon
sa mga residente sa nasabing lugar at sinisiguro ang pagiging konpidensyal ng mga nakalap na
datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng
tanong. Nagpunta din ang mga mananaliksik sa mga aklatan tulad ng National Library,
Parañaque City Public Library at sa mismong aklatan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
o PUP sa Sta. Mesa, Manila upang mangalap ng mga kaugnay na datos hingis sa kanilang pag-
aaral. Hindi lamang dito ang pagkalap ng mga datos ng mga mananaliksik. Kumonsulta din sila sa
internet ng mga artikulo at pag-aaral na may kaugnayan at maaaring gawing tungtungan ng
kanilang pananaliksik.

Upang masiguro ang impormasyong nakalap ay nagsagawa ng interbyu ang mga


mananaliksik sa ibat-ibang saklaw ng pag-aaral; magulang, mga anak.

G. URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

Ang mga nakalap na datos ng mga mananaliksik ay susuriin upang mas mapadali ang
pagtataya rito. Ang pagsusuri at pagbibigay ng interpretasyopn ay nangangailangan ng
istatistikal na pamamaraan. Isa na rito ang prekwensi at bahagdan. Ang pamamahagi ng dalas
ng porsyento ay isang display ng data na tumutukoy sa porsyento ng mga obserbasyon na
umiiral para sa bawat punto ng data o pagpapangkat ng mga punto ng data. Ito ay isang
partikular na kapaki-pakinabang na paraan ng pagpapahayag ng kamag-anak na frequency ng
mga tugon sa survey at iba pang data.
Ito ay ginamit ng mga mananaliksik sa pagpresenta ng mga nakalap na datos kung saan
makikita natin ang prekwensi ng mga tumugon sa mga respondente sa bawat katanungan na
ibinahagi ng mga mananaliksik. Gagamit din ng isang talaan upang suriin ang mga nakalap na
datos. Mas madaling maiintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga ito gamit ang
isang talaan gaya ng talahanayan.
Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, ang talahanayan ay pinakamaiging gamitin upang
mabilis na maintindihan ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap.
Pormyula ng ginamit na estadistika:

Bilang ng tumugon (t)

Kabuuang bilang ng respondent (r)

t
X 100
r

40 respondente/40 kabuuang sumagot X 100 = 100%


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, ang mga suliraning ipinahayag ay isa-isang sasagutin at tatalakayin ayon sa
pagkasunod-sunod nito. Isang talahanayan ang ginamit ng mga mananaliksik upang maipakita ang
pagbibigay ng mga puntos sa bawat katanungan na inilatag ng mga mananaliksik sa mga respondente na
nagsasaad sa nagiging bunga ng sarbey, ipinapakita dito ang may pinakamataas hanggang
pinakamababa na puntos. Sa baba ng talahanayan ay makikita ang interpretasyon ng talatanungan.

Kalagayan ng kalikasan sa lugar

Prekwensi ng gamit Porsyento


Mga Kasagutan
Matanda Mga kabataan Matanda Mga kabataan

1. Patuloy na
pagkakalbo ng
mga 5 2 16.67% 20%

bulubundukin at
kagubatan.
2. Pagiging
kontaminado ng 8 1 26.67% 10%

mga ilog at batis.


3. Nawalan ng
tirahan ang ibang 8 3 26.67% 30%
mga hayop sa
mga kagubatan.
4. Pagpapatag ng
mga
bulubundukin 3 2 10% 20%
para sa
pagpapagawa ng
daan ng minahan.
5. Pagkakaroon ng
mainit na klima
sa kadahilanan ng 6 2 20% 20%

pagkaubos ng
mga puno.
Kabubuan: 30 10 100% 100%

Talahanayan blg. 1

Paglalahad ng datos:

Batay sa talahanayan blg. 1, makikita na may parehong bilang ng tugon ng matatanda na may
bilang na (8) na ang pagiging kontaminado ng mga ilog at batis at nawalan ng tirahan ang ibang mga
hayop sa mga kagubatan na may bahagdan na 26.67%. Pangalawa, may kabuuang bilang na anim (6)
may tugon ng matatanda na pagkakaroon ng mainit na klima sa kadahilanan ng pagkaubos ng mga puno
na may porsyentong 20%, sumunod naman ay ang patuloy na pagkakalbo ng mga bulubundukin at
kagubatan na may bilang na lima (5) na may bahagdan na 16.67%. Panghuli at ang pinakamaliit na bilang
ng tugon ay ang pagpapatag ng mga bulubunukin para sa pagpapagawa ng daan ng minahan na may
bilang na tatlo (3) na may porsyentong 10%.

Batay din sa talahanayan blg. 1, makikita na ang pinamalaking bilang ng tugon ng mga kabataan
ay ang nawalan ng tirahan ang ibang mga hayop sa mga kagubatan na may bilang na tatlo at may
porsyentong 30%, sumunod at ang may tatlong pare-parehong bilang ng sagot na dalawa (2) ng mga
kabataan ay ang patuloy na pagkakalbo ng mga kagubatan at bulubundukin, pagpapatag ng mga
bulubundukin para sa pagawa ng daan ng minahan at ang pagkakaroon ng mainit na klima sa
kadahilanan ng pagkaubos ng mga puno na may pare-pareho ding bahagdan na 20%. Panghuli at ang
may pinakamaliit na bilang ng sagot ay ang pagiging kontaminado ng mga ilog at batis na may bilang na
isa (1) at may bahagdang 10%.

Sa pagsusuri sa mga nakalap na datos, halos lahat ng respondente ay magkakatugma o parehas


ang mga tugon hinggil sa epekto ng pagmimina sa kalikasan. Para sa kanila ito ay isang negatibong
epekto sa kalikasan na unti-unting nasisira. Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng
tirahan ang mga hayop. Dati ay nakakaligo at nakakapaglaba sila sa mga ilog at batis ngunit ngayon ay
hindi na sapagkat sa pagkakaroon ng kontaminasyon sa dahil sa pagmimina. Nabawasan na rin ang
pagkakaroon ng sariwang hangin at uminit ang klima dahil sa pagkakalbo ng kagubatan.

Sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik hinggil sa mga tugon ng piling respondente sa
lugar ng Purok Saging, Brgy, Gisgis, Sta. Cruz Zambales ukol sa kalagayan ng kalikasan ay naging susi ito
upang lalong tumatak sa isip ng mga tao ang epekto ng pagmimina sa kalikasan na di kalaunan ay
masisira at malaki ang magiging epekto nito sa pamumuhay ng tao sa negatibong aspekto. Mahalaga ang
kabuuang datos upang masagot ang katanungan ng mga mananaliksik. Ang mga datos na ito ay naging
balidong impormasyon upang makapag hatid ng tamang kaalaman.

Kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayan nakatira malapit sa minahan

Prekwensi ng gamit Porsyento


Mga Kasagutan
Matanda Mga kabataan Matanda Mga kabataan

1. Pagkakaroon ng hika
ng mga bata at ibang 7 2 23.3% 20%

mga magulang
2. Pagkakaroon ng ubo at
sipon ng mga 10 2 33.3% 20%

mamamayan
3. Pagkakaroon ng sore
eyes o pagkakairita sa 9 4 30% 40%

mga mata
4 Pagkakaroon ng
iritasyon sa balat o 4 2 13.3% 20%

sugat.
Kabubuan: 30 10 100% 100%

Talahanayan blg. 2

Paglalahad ng datos :

Batay sa talahanayan blg. 2, makikita dito na ang pagkakaroon ng ubo at sipon ng mga
mamamayan ay may pinakamalaking bilang ng may sagot ng matatanda na may bilang na sampu (10) at
may porsyento na 33.33%. Pangalawa, na may bilang na siyam (9) ay ang pagkakaroon ng sore eyes o
pagkairita sa mga mata na may bahgdan na 30%. Pangatlo ay ang pagkakaroon ng hika ng mga bata at
ibang mga magulang na may bilang na pito (7) at may porsyentong 23.33% at ang panghuli at ang may
pinakamaliit na bilang ng sagot ay ang pagkakaroon ng iritasyon sa balat o sugat na may apat (4) at may
porsyentong 13.33%.

Batay rin sa talahanayan blg. 2, pagkakaroon ng sore eyes o pagkairita sa mga mata ay ang may
pinakamataas na bilang ng sagot ng kabataan na may bilang na apat (4) at may porsyentong 40%. Tatlo
naman ang may magkakatulad na bilang ng sagot, ito ay ang pagkakaroon ng iritasyon sa balat o sugat,
pagkakaroon ng ubo at sipon ng mga mamamayan at ang pagkakaroon ng hika ng mga bata at ibang
mga magulang na may pare-parehong bilang na 2 at may pare-pareho ding porsyento na 20%.

Lumalabas sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa mga nakalap na datos hinggil sa


kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayang nakatira malapit sa minahan na ang pagkakaroon ng sore
eyes o pagkairita sa mga mata ay ang may pinakamaraming bilang ng sagot. Sumunod ang pagkakaroon
ng ubo at sipon ng mga mamamayan. Ang mga ito ay karaniwang naging bunga o epekto ng pagmimina
sa kalusugan ng mga mamamayan dahilan na rin ng sobrang alikabok at pagkalat ng mga kemikal galing
sa pagmimina sa hangin na siyang nalalanghap ng mga tao.

Sa datos na nakalap ng mga mananaliksik ay nalaman nila ang mga naging bunga o epekto ng
pagmimina sa kalusugan ng mga mamamayan. Ang mga datos na ito ay mahalaga upang magkaroon ng
nakakarami at madaragdagan pa ang kanilang kaalaman kung ano ang mga sakit na maaari nilang
makuha mula sa pagmimina.

Estado ng agrikultura sa nasabing lugar

Prekwensi ng gamit Porsyento


Mga Kasagutan
Matanda Mga kabataan Matanda Mga kabataan

1. Pagkatabon ng
putik sa ilang
parte ng bukid 7 2 23.3% 20%

malapit sa
minahan.
2. Pagkamatay o
pagkalason ng 10 2 33.3% 20%

isda sa ilog.
3. Mabawasan ang
pagaani ng
palay at iba 9 4 30% 40%

pang tanawin sa
bukid.
4. Hindi na
makahuli ng 4 2 13.3% 20%

isda sa ilog.
Kabubuan: 30 10 100% 100%

Talahanayan blg. 3
Paglalahad ng datos:

Batay sa talahanayan blg.3 makikita rito na ang pagkamatay o pagkalason ng isda sa ilog na may
pinakamaraming sagot ng matatanda na may bilang na sampu (10) at may bahagdan na 33.33%.
pangalawa ay ang mabawasan ang pagaani ng palay at iba pang tanawin sa bukid na may bilang na
siyam (9) at may prosyentong 30%. Pangatlo ay ang pagkatabon ng putik sa ilang parte ng bukid malapit
sa minahan na may bilang na sagot ng matatanda na pito (7) at may porsyentong 23.33%. Pang-apat at
ang may pinakamaliit na bilang ng sagot ng matatanda na may bilang na apat (4) at porsyentong 13.33%
ay ang hindi na makahuli ng isda sa ilog.

Makikita rin sa talahanayan blg. 3 na ang mabawasan ang pagaani ng palay at iba pang tanawin
sa bukid ay ang may pinakamaraming bilang ng sagot ng kabataan na may apat (4) at may porsyentong
40%. Ang hindi na makahuli ng isda sa ilog, pagkamatay o pagkalason ng isda sa ilog at ang pagkatabon
ng putik sa ilang parte ng bukid malapit sa minahan ay may pare-parehong bilang ng sagot ng kabataan
na dalawa (2) at may magkakatulad ding porsyento na 20%.

Lumalabas sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksk na malaki ang epekto ng pagmimina sa


kanilang agrikultura. Nahihirapan silang humuli ng mga isda sa ilog dahil nangamatay na o di kaya’y
nalason. Hindi rin sila makapagani ng sagana dahil natabunan na ng putik ang kanilang bukirin na isa rin
sa kanilang pinagkukunan ng pagkakakitaan. Ito ang nagging estado ng agrikultura sa nasabing lugar.

Naging mahalaga ang mga datos na nakalap sa kadahilanang malalalaman ng mga mananaliksik
at mamamayan na malaki ang epekto ng pagmimina pagdating sa agrikultura para siyang pangunahing
hanapbuhay ng mga naninirahan doon. Ito ang mga datos na nakalap na nagsisilbing impormasyon
upang makapaghatid ng tunay na kaalaman.
Estado ng ekonomiya sa nasabing lugar

Prekwensi ng gamit Porsyento


Mga Kasagutan
Matanda Mga kabataan Matanda Mga kabataan

1. Nagkaroon ng
trabaho ang ilang
mga residente sa 5 2 16.7% 20%

nasabing lugar sa
minahan
2. Lalong nasira ang 8 1 26.7% 10%
mga kalsada.
3. Nakapagpatayo ng
maliit na health 8 3 26.7% 30%
center sa kanilang
barangay.
4. Nabigbigyan ng
grocery buwanan 3 2 10% 20%
sa halagang 500
ang mga residente.
5. Nadagdagan ang
income ng ilang
barangay at
ginagamit para sa 6 2 20% 20%
proyekto ng
barangay kabilang
ang kanilang
purok.
Kabubuan: 30 10 100% 100%

Talahanayan blg. 4
Paglalahad ng datos:

Batay sa talahanayang blg.4 na ang lalong nasira ang mga kalsada at nakapagpatayo ng maliliit
na health center sa kanilang barangay ay may parehong bilang ng tugon ng matatanda na walo (8) at
may porsyentong 26.67%. Pangalawa ay ang nadagdagan ang income ng ilang barangay at ginamit para
sa proyekto ng barangay kabilang ang kanilang purok na may anim (6) at may bahagdang 20%. Pangatlo
ay ang nagkakaroon ng trabaho ang ilang mga residente sa nasabing lugar sa minahan na may bilang na
lima (5) at may porsyentong 16.67%. Panghuli at ang may pinakamaliit na bilang ng sagot ay ang
nagbibigay ng grocery buwanan sa halagang 500 ang mga residente na tatlo (3) at may porsyentong
10%.

Makikita rin sa talahanayan na ang nakapagtayo ng maliit na health center sa kanilang barangay
ang may pinakamalaking bilang ng sagot ng kabataan na may tatlo (3) at may porsyentong 30%,
sumunod at may magkakatulad na bilang ng sagot ng kabataan na dalawa (2) ay ang nadadagan ang
income ng ilang barangay at ginamit para sa proyekto ng barangay kabilang ang kanilang purok,
nabibigyan ng grocery buwanan sa halagang 500 ang mga residente at ang nagkaroon ng trabaho ang
ilang mga residente sa nasabing lugar minahan pagkasara at may bahagdang 20%. Panghuli at ang
nakakuha ng pinakamaliit na bilang ng sagot ng mga kabataan ay ang lalong nasira ang mga kalsada na
may isa (1) at may porsyentong 10%.

Lumalabas sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksk na malaki ang epekto ng pagmimina sa


kanilang ekonomiya. Makikita rito na hati ang opinyon ng mga residente, may positibo at may negatibo
din. Kung nasisira ng minahan ang kanilang kalsada ay may kapalit ito, nagkaroon sila ng maliit na health
center, meron silang 500 pisong halaga ng grocery at nadagdagan ang income ng kanilang barangay at
napunta rin sa kanilang purok. Ang lahat ng ito ay galing at tulong ng minahan.

Naging mahalaga ang mga datos na nakalap sa kadahilanang malalalaman ng mga mananaliksik
at mamamayan na malaki ang epekto ng pagmimina pagdating sa ekonomiya. Parehong nakikinabang
ang buong barangay at ang nasabing purok sa kumpanya ng minahan kahit na nasisisra nito ang kanilang
kalsada. Ito ang mga datos na nakalap na nagsisilbing impormasyon upang makapaghatid ng tunay na
kaalaman.
Maaaring solusyon sa nasabing suliranin

Prekwensi ng gamit Porsyento


Mga Kasagutan
Matanda Mga kabataan Matanda Mga kabataan

1. Sundin ang tamang


proseso ng 5 2 16.7% 20%
pagmimina ayon sa
batas.
2. Dagdagan pa ang
mga batas na
tutulong upang hindi 8 1 26.7% 10%
masira ang mga likas
na yaman sa
pagmimina.
3. Ipasara ng gobyerno
ang mga minahan na
hindi gumagawa ng 8 3 26.7% 30%
tamang proseso ng
pagmimina at
lumalabag sa batas.
4. Magbigay ng sapat
na sabsidiya ang
kumpanya ng
minahan sa
barangay. Upang
makatulong na 3 2 10% 20%

mapaunlad at
mapalago ang
pamumuhay ng mga
mamamayang
nakatira dito.
5. Magkaroon ang
kumpanya ng
buwanang medical
missions upang
mabantayan ang 6 2 20% 20%

kalusugan ng mga
mamamayang
nakatira malapit
dito.
Kabubuan: 30 10 100% 100%

Talahanayan blg. 5

Paglalahad ng datos:

Batay sa talahanayan blg. 5, ang dagdagan pa ang mga batas na tutulong upang hindi masira ang
likas na yaman sa pagmimina at ipasara ng gobyerno ang mga minahan na hindi gumagawa ng tamang
proseso ng pagmimina at lumalabag sa batas ay may parehong bilang ng tugon ng matatanda na walo
(8) at may porsyentong 26.67%. Pangalawa ay ang magkaroon ang kumpanya ng buwanang medical
missions upang mabantayan ang kalusugan ng mga mamamayang nakatira malapit dito na may bilang ng
tugon ng matatanda na anim (6) at may porsyentong 20%. Pangatlo ay ang sundin ang tamang proseso
ng pagmimina ayon sa batas na nakakuha ng bilang na lima (5) mula sa tugon ng matatanda at may
porsyentong 16.67%. Panghuli ay ang magbigay ng sapat na sabsidiya ang kumpanya ng minahan sa
barangay. Upang makatulong na mapaunlad at mapalago ang pamumuhay ng mga mamamayang
nakatira dito na nakakuha ng tatlo (3) na may porsyentong 10%.

Makikita rin na ang pasara ng gobyerno ang mga minahan na hindi gumagawa ng tamang
proseso ng pagmimina at lumalabag sa batas ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng sagot ng
kabataan na may bilang na tatlo (3) at may porsyentong 30%. Sumunod at ang may pare-parehong
bilang ng sagot ng kabataan na dalawa (2) ay ang magkaroon ang kumpanya ng buwanang medical
missions upang mabantayan ang kalusugan ng mga mamamayang nakatira malapit dito, magbigay ng
sapat na sabsidiya ang kumpanya ng minahan sa barangay. Upang makatulong na mapaunlad at
mapalago ang pamumuhay ng mga mamamayang nakatira dito at ang sundin ang tamang proseso ng
pagmimina ayon sa batas at may porsyentong 20%. Panghuli at may bilang ng sagot na isa (1) mula sa
kabataan ay ang dagdagan pa ang mga batas na tutulong upang hindi masira ang mga likas na yaman sa
pagmimina at may porsyentong 10%.

Lumalabas na ang pagkakaroon ng matatag na batas para sa pagmimina ang nakakuha ng may
pinakamaraming bilang ng sagot ng mga mamamayan mula sa nasabing lugar. Ito ang naiisip nilang
solusyon upang patuloy na makapamuhay sila ng maayos, may pagkakakitaan at higit sa lahat ay ligtas.
Ayon sa naging resulta ng ginawa ng mga mananaliksik malalaman ng mga mambabasa na ang tanging
nais lamang ng mga respondente ay higit na mas mapahigpit ang mga batas at nais din nila na mapasara
ang mga minahan na hindi sumusunod ng naaayon sa batas.

Ayon sa naging resulta ng ginawa ng mga mananaliksik malalaman ng mga mambabasa na ang
tanging nais lamang ng mga respondente ay higit na mas mapahigpit ang mga batas at nais din nila na
mapasara ang mga minahan na hindi sumusunod ng naaayon sa batas.
KABANATA V

PAGLALAGOM NG NATUKLASAN,

KONGKLUSYON AT REKUMENDASYON

PAGLALAGOM NG NATUKLASAN:

Dito makikita ang mga natuklasan ng mga mananaliksik batay sa sagot o tugon ng mga respondent
hingil sa mga nasabing katanungan o mga nasabing suliranin tungkol sa paksa.

1. Ang pagiging kontaminado ng mga ilog at batis at pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa
kagubatan ang may pinakamaraming bilang ng sagot mula sa mga respondente ukol sa
kalagayan ng kalikasan sa kanilang lugar ito ay nakakuha ng dalawamputpitong (27%) porsyento.
2. Pangalawa na nakalikha ng pinakamaraming bilang ng sagot na dalawamput pitong (27%)
porsyento sa mga nakatatanda at dalawampung (20%) porsyento naman sa mga kabataan mula
sa mga respondente hingil sa kalagayan ng kanilang kalikasan ay ang pagkakaroon ng mainit na
klima sa kadahilanang pagkaubos ng mga puno na nakakuha ng kabuuang bilang ng sagot mula
sa respondente na sampu (10).
3. Pangatlo ay ang patuloy na pagkakalbo ng mga bulubundukin at kagubatan na may labingpitong
(17%) porsyento sa mga nakatatanda at dalawampung (20%) porsyento naman para sa mga
kabataan.
4. Ang pagpapatag ng mga bulubundukin upang makapag gawa lamang ng daan para sa minahan
ang nakakuha ng pinakamaliit na bilang na sagot mula sa mga respondente na may sampung
(10%) porsyento sa nakatatanda at dalawanpung (20%) porsyento sa kabataan.
5. Ang pagkakaroon ng sore eyes o pagkakairita ng mata ang nakakuha ng pinakamaraming bilang
ng sagot mula sa respondente hingil sa kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayan na nakatira
malapit sa minahan na may tatlumpung (30%) porsyento sa nakatatanda at apatnapung (40%)
porsyento naman sa mga kabataan.
6. Sumunod ang pagkakaroon ng ubo at sipon ng mga tao na nakakuha ng kabuuang bilang ng
sagot mula sa mga respondent na labing dalawa (12) na may tatlumput tatlong (33%) porsyento
sa nakakatanda at dalawampung (20%) porsyento sa kabataan.
7. Pangatlo na nakakuha ng kabuuang bilang na sagot na walo (8) mula sa respondente ang
pagkakaroon ng hika ng mga bata at ibang mga magulang ito ay nakakuha ng dalawamput
tatlong (23%) porsyento sa nakakatanda at dalawampung (20%) porsyento para sa kabataan.
8. Panghuli at ang nakakuha ng pinakamaliit na sagot mula sa respondente na anim (6) ay ang
pagkakaroon ng iritasyon sa balat o sugat na may labingtatlong (13%) porsyento sa matatanda
at dalawampung (20%) porsyento para sa kabataan.
9. Ang mabawasan ang pagaani ng palay at iba pang tanawin sa bukid ang nakakuha ng
pinakamaraming bilang ng sagot mula sa kabuuang bilang ng respondente hingil sa estado ng
agrikultura sa nasabing lugar na may tatlumpung (30%) porsyento sa nakakatanda at
apatnapung (40%) porsyento sa kabataan.
10. Pangalawa na nakakuha na may pinakamaraming sagot mula sa mga respondente na may
tatlumput tatlong (33%) porsyento sa nakakatanda at dalawampung porsyento (20%) para sa
kabataan ay ang pagkamatay o pagkalason ng mga isda sa ilog.
11. Ang pagkatabon ng putik sa ilang parte ng bukid malapit sa minahan ang pangatlo na nakakuha
ng pinakamaraming sagot mula sa respondent hingil sa estado ng agrikultura sa nasabing lugar
na may dalawamput tatlong porsyento (23%) sa nakakatanda at dalawampung porsyento (20%)
sa kabataan.
12. Ang nakakuha ng pinakamaliit na bilang ng sagot mula sa respondente na may labintatlong
porsyento (13%) sa nakatatanda at dalawampung porsyento (20%) naman sa kabataan ay ang
hindi na makahuli ng isda sa ilog.
13. Nakapagpatayo ng maliit na health center sa kanilang barangay ang nakakuha ng
pinakamaraming bilang ng sagot mula sa respondente hingil sa estado ng ekonomiya sa
nasabing lugar na may dalawamput anim na porsyento (26%) sa matatanda at tatlumpung
porsyento (30) naman sa kabataan.
14. Lalong nasira ang mga kalsada ang pangalawa sa pinakamaraming bilang ng sagot mula sa mga
respondent na may dalawamput anim na porsyento (26%) ng nakakatanda at sampung
porsyento (10%) sa kabataan .
15. Sumunod na nakakuha ng pinakamaraming sagot sa mga respondent na may dalawampung
porsyento (20%) ng nakakatanda at dalawampung porsyento (20%9 din sa kabataan ay ang
nadagdagan ang income ng ilang barangay at ginamit para sa proyekto ng kanilang purok.
16. Pang apat na nakakuha ng pinakamaraming sagot mula sa mga respondent ay ang pagkakaroon
ng trabaho ng ilang mga residente sa nasabing lugar na may labing anim na porsyento (16%) sa
nakakatanda at dalawampung porsyento (20%) sa kabataan.
17. Nabibigyan ng grocery buwanan sa halagang limangdaang piso ang mga residente ang nakakuha
ng pinakamaliit na bilang ng sagot mula sa mga respondent na may sampung porsyento (10%) sa
matatanda at dalawampung (20%) porsyento sa kabataan.
18. Ang nakakuha ng pinakamaraming bilang ng sagot mula sa mga respondente hingil sa maaaring
solusyon sa nasabing suliranin na may dalawamput anim na porsyento (26%) sa nakakatanda at
tatlumpung porsyento (30%) naman sa kabataan ay ang pagpapasara ng gobyerno ang mga
minahan na hindi gumagawa ng tamang proseso ng pagmimina at ang paglabag sa mga batas.
19. Pangalawa na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng sagot mula sa mga respondente na may
dalawamput anim na porsyento (26%) sa nakakatanda at sampung porsyento (10%) sa kabataan
ay ang dagdagan pa ang mga batas na tutulong upang hindi masira ang mga likas na yaman dahil
sa pagmimina.
20. Ang magkaroon ang kumpanya ng buwanang medical mission upang mabantayan ang kalusugan
ng mga mamamayang nakatira malapit dito ang pangatlo sa nakakuha ng pinakamaraming sagot
mula sa mga respondent na may dalawampung porsyento (20%) sa nakakatanda at
dalawampung porsyento (20%) din sa kabataan.
21. Sundin ang tamang proseso ng pagmimina ayon sa batas ang pang apat sa nakakuha ng
pinakamaraming sagot mula sa mga respondent na may labing anim na porsyento (16%) sa
nakakatanda at sampung porsyento (10%) sa kabataaan.
22. Ang pinaka maliit na nakakuha ng sagot mula sa mga respondent ay ang magbigay ng sapat na
sabsidiya ang kumpanya ng minahan sa barangay upang makatulong na mapaunlad at mapalago
ang pamumuhay ng mga mamamayang nakatira malapit dito na may sampung porsyento (10%)
sa matatanda at dalawampung porsyento (20%) sa kabataan.
KONKLUSYON:

Dito makikita ang naging konklusyon ng mga mananaliksik hingil sa nasabing paksa.

1. Samakatuwid kaya nawawalan ng tirahan ang ibang hayop sa kagubatan ay dahil sa patuloy na
nasisira ang kanilang tirahan at dahil pinuputol ang mga puno. Naging kontaminado na rin ang
mga ilog at batis dahil sa mga kemikal na inilalabas ng minahan at hindi maayos ang kanilang
pagtapon nito.
2. Sa aming palagay, kaya pumangalawa sa pinakamaraming bilang ng sago tang pagkakaroo ng
mainit na klima, ay dahil halos araw-araw nila itong nararanasan.
3. Sa aming palagay, madami na talagang bulubundukin at kagubatan ang nakakalbo sa kanilang
lugar, sapagkat medyo madami rin ang sumagot na respondente.
4. Sa makatuwid ang pagpoposog ng mga bulubundukin para sa pagpapasagawa ng mga daan para
sa minahanay ang may piunakamaliit na bilang, sapagkat sa maming palagay maraming
alternatibong daan ang madadaanan ng mga tao sa lugar.
5. Sa aming palagay maraming kabataan at matatanda ang nagkaka-sore eyes kaya ito ang may
pinakamataas na bilang ng sagot.
6. Madami rin ang nagkakaroon ng ubo at sipon kaya ito pumangalawa sa may mataas na bilang ng
sagot.
7. Sa aming palagay, hika rin ang karaniawang nagiging sakit na natatamo ng mga tao sa lugar.
8. Kaya kakaunti an gang respondente na sumagot sa iritasyon sa balat ay marahil kakaunti pa
lamang ang nagkakaroon ng sakit na ito
9. Humina ang kita ng mga magsasaka kaya ito ay nakakuha ng mataas na bilang ng kasagutan
10. Bumaba rin ang bilang ng nahuling isda sa mga ilog at batis sa lugar kaya ito pumangalawa sa sa
bilang.
11. Sa aming palagay, madaming bukid ang natabunan ng putik sa lugar kaya madami rin ang
sumagot dito.
12. Kaya marahil kakaunti ang bilang ng nahuhuling isda ay sa kadahilanang nalason ang mga ito ng
mga tinatapong kemikal ng mga minahan.
13. Samakatuwid ang mga minahan sa nasabing lugar ay nakatulong din sa pagbibigay ng “Health
assistance” sa pagpapatayo ng health center na isang malaking tulong para sa mga naninirahan
doon upang mamonitor ang kanilang kalusugan.
14. Sa patuloy na pagmimina, ang mga daanan sa nasabing lugar ay unti-unting nasira dahilan sa
patuloy na pagdaan ng malalaking traktora na may kargang mabibigat na nikel.
15. Isa sa mga mabuting naidulot n pagmimina ay ang nakapagbigay ito ng “income” sa mga
barangay na siyang ginamit nito sa mga nais gawing proyekto para sa ikagaganda at ikasasaayos
ng kanilang lugar.
16. Ang ibang mamamayan na walang trabaho sa nasabing lugar ay nagkaroon ng pagkakataon na
makapagtrabaho upang mabuhay nila ang kanilang pamilya kahit hindi sila nakapag-aral dahil sa
pagtanggap sa kanila ng mga kompanya ng minahan.
17. Nagkaroon ang mga residente ng isang “source” o pinanggagalingan ng mga pangaraw-araw na
pangangailang tulad ng mga pagkain sa pang araw-araw.
18. Ang aming konklusyon, ito ay isang paraan lamang upang hindi lalong masira at maubos an
gating mga likas na yaman na siayng pangunahing pinagkukunan ng mga mahihirap at hikahos sa
buhay lalo na ang mga nakatira sa probinsya.
19. Ang batas n gating bansa hindi pa sapat upang protektahan an gating likas na yaman laban sa
mga mapang abusing kompanya na nais ubusin ito lahat. Kailangan magpatupad pa ng mga
batas na siyang magtatama ng mga maling gawin ng mga ito.
20. Sa mga lugar na nasasakupan ng minahan kinakailangan nitong magsagawa ng isang “medical
mission” upang mabnatayan ang kalusugan ng nasasakupan ng minahan at maging nbg mga
taong nagtatrabaho sa mga minahan upang makaiwas sa mga sakit at impeksyon.
21. Ang mga ibang kompanya ng pagmimina na lumalabag sa batas ng pagmimina upang kumita
lang ng pera. Dapat na patawan ng kaukulang parusa upang hindi na maulit pa ang mga
ginagawa nilang kamalian.
22. Dapat magbigay ng sapat na sabsidiya ang kompanya sa mga barangay na nasasakupan nito
upang makatulong sa pagsasaayos ng kanilang lugar na siayng pangunahing proyekto at
kagustuhan ng mga residente.
REKUMENDASYON:

Dito nakikita ang mga rekumendasyon ng mananaliksik hingil sa mga nasabing paksa:

1. Ang nairekumenda ng mga mananaliksik sa mga mamamayang nakatira malapit sa minahan ay


magkaroon ng pangmalawakang pagtatanim ng mga puno.
2. Mairerekumenda namen sa gobyerno na utusan ang mga kumpanyang minahan na ayusin ang
kanilang pagtatapon ng mga kemikal upang hindi mapunta sa mga ilog at batis.
3. Mairerekumenda naming sa mga mamamayang nakatira malapit sa minahan na magtanim ng
mga halaman upang mapalitan ang mga puno na nawala at upang magkaroon na rin sila ng mga
silong at mas malamig na klima.
4. Mairerekumenda din naming sa gobyerno na tulungan ang mga mamamayan sa pagtatanim ng
mga halaman at punong nawala.
5. Mairerekumenda di naming sa mga kumpanya ng minahan na palitan din ang mga puno sa mga
kabundukan at kagubatan.
6. Mairerekumenda din naming sa mga mamamayan na makipagtulungan sa mga kumpanya ng
minahan sa pagtatanim ng mga puno at halaman para maibalik ang dating mga puno sa mga
bulubundukin at halaman.
7. Mairerekumenda naming sa gobyerno na pigilan o pakawalan ang mga kumpanya ng minahan
na patuloy na patagin mga bundok para sa pagawa ng daan ng minahan.
8. Mairerekumenda naming sa mga mamamayan na nakatira malapit sa minahan na mapatingin
sa mga espesyalista ang mga mata hingil sa pagkakaroon ng sore eyes.
9. mairerekumenda naming sa mga lumpanya ng minahan na tulungan ang mga mamamayan na
magpatingin sa mga espesyalista sa mata upang hindi na lumala ang kanilang sitwasyon.
10. Mairerekumenda din naming sa mga kumpanya ng minahan na dapat maglagay ng isang tao
upang basain ang daanan ng mga trak upang hindi gaanong maalikabok.
11. Mairerekumenda naming sa gobyerno na magpadala ng mga doctor na maaaring sa kalagayan
ng mga mamamayan.
12. Mairerekumenda naming sa mga mamamayan na magpatingin sa doktor upang maresitahan
sila ng mga gamut na maaaring makatulong na mawala ang kanilang ubo.
13. Mairerekumenda namin sa mga mamamayan na lumayo sa mga maaalikabok na lugar upang
hindi magkaroon ng hika.
14. Mairerekumenda din namin sa mga mamamayan na magkaroon ng pamalagiang paglilinis sa
sarili upang maiwasan ang mas malala na sakit.
15. Mairerekumenda naming sa kumpanya ng minahan na magbigay ng trabaho o alternatibong
hanap buhay para sa mga mamamayan.
16. Mairerekumenda naming sa mga mamamayan na humingi ng alternatibong mapagkakakitaan
sa kumpanya ng minahan o sa gobyerno.
17. Mairerekumenda naming sa gobyerno na tulungan ang mga mamamayan na maghanap ng
trabaho.
18. Mairerekumenda namin sa kumpanya na huwag itapon sa ilog o batis ang kanilang mga
kemikal. Magkaroon sila ng tamang lugar para sa tapunan nito.
19. Mairerekumenda naming sa kumpanya na magkaroon ng bakod ang daanan ng putik upang
hindi mapunta sa mga bukirin.
20. Mairerekumenda namen sa kumpanya ng minahan na ipagpatuloy ang kanilang adhikaing
tumulong sa mga mamamayan para sa kalusugan.
21. Mairerekumenda din naming sa kumpanya ng minahan na bigyan ng gamit at mga gamut na
kailangan sa mga health center.
22. Mairerekumenda din naming sa kumpanya ng minahan na ipaayos ang mga nasirang daan dahil
sa kanilang traktora.
23. Mairerekumenda naming na ipagpatuloy pa ng mga kumpanya ng minahan ang pagbibigay ng
tulong pinansyal sa barangay.
24. Mairerekumenda naming sa kumpanya ng minahan na patuloy na bigyan ang mga mamamayan
ng sapat na trabaho bilang kapalit sa mga nasirang hanap buhay.
25. Mairerekumenda din naming sa kumpanya ng minahan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng
grocery sa mga mamamayan bilang tulong narin sa pang araw araw nilang pamumuhay.
26. airerekumenda naming sa gobyerno na gumawa pa ng mga batas upang higit pang mas mapag
ingatan ang kalikasan na naaapektuhan ng mga minahan.
27. Mairerekumenda din naming sa kumpanya ng minahan na sundin ang mga batas na inilatag ng
gobyerno.
28. Mairerekumenda naming sa gobyerno na dapat mas higpitan pa ang pagpapatupad ng batas na
prumoprotekta sa mga likas na yaman.
29. Mairerekumenda naming sa kumpanya ng minahan na ipagpatuloy ang mga medical mission sa
kanilang lugar upang patuloy na mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
30. Mairerekumenda naming sa mga kumpanya ng minahan na sundin ang tamang proseso ng
pagmimina at huwag lumabag sa batas.
31. Mairerekumenda naming sa gobyerno na dapat ipasara ang mga minahan na lumalabag sa
batas.
32. Mairerekumenda naming sa kumpanya ng minahan na dapat ipagpatuloy ang pagbibigay ng
sabsidiya sa barangay upang makatulong sa pagpapaunlad nito.
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

a. strip mining - uri ng pagmimina na patalop.


b. mine shaft – poso ng minahan.
c. underground mining - pagpunta sa malalim na bahagi ng lupa upang marating mine shaft ang
poso ng mina o na tinatawag na pagmimina sa ilalim ng lupa.
d. DENR – Department of Environment and Natural Resources
e. Republic Act 7942 o Mining Act of 1995 - malayang pamumuhunan ng mga dayuhan sa
industriya ng pagmimina.
f. BIR – Bureau of Internal Revenue
g. GDP – Gross Domestic Product
h. EIM - Environmental Investigative Mission
i. KKK – Kabuhayan, Kaunlaran at Kalikasan
j. BNC – Berong Nickel Corporation
k. EMB – Environmental Management Bereau

REPERENSIYA

Yap (2015, Setyembre 29) sinabi na “Antique governor expresesses ‘disgust’ over Semirara mines
resumption of operation” (p.13).

Imperyo (2012, Setyembre 3) sinabi na “3 miners died in Antique” (p.14).

Olahandra (ika-2 ng Disyembre 2014) sinabi na “MGB, pinhinto ang operasyon ng Semirara” (p.12-13).

(“MGB confirms no nickel contamination in Zambales,” 2015, Oktubre 8, p 13-21)

Els, F. (2016, Agosto 8). “Manila targets gild miners in lates crackdown.” Nakuha sa www.mining.com.

Flores M. M. (2017, Marso 13). “The effects of mining industry in the Philippines.” Nakuha sa
reporter.ph.

Caro, L. (2012, Abril 7). “President Aquino, ‘hep our minig corporations.’ Nakuha sa www.mining.com.

Omnos (2002, Enero 31) sinabi na “The Mining Act of 1995” (p.7-12).

Loquro (2015, Marso 21). Sinabi na “Percentage of total taxes of mining in the Philippines.” (p.9-17).

You might also like