You are on page 1of 3

AGUSTIN ASHLEY N.

12-ABM

VIGATIN DITO SA VIGAN

Kahit saang panig ng mundo, matatagpuan ang mga kulturang ipinagmamalaki ng

kani-kanilang bansa tulad ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura mula sa

Luzon, Visayas, at Mindanao, mga rehiyon nito at bawat lalawigan, mapa-syudad man o

probinsya. Kahit saan man tayo lumingon sa ating paligid ay makikitaan natin ito ng mga

kulturang hinding-hindi natin makakalimutan bilang mga Pilipino, sa kaugalian man,

sining, pagkain, pamahalaan, o makasaysayang pook na ating pinagmamalaki. Kulturang

bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang isang lipunan.

Sikat ang Pilipinas sa pagtataglay ng maraming magagandang lugar na siyang

makikitaan ng magagandang tanawin, klima at personalidad ng mga tao, katulad na

lamang ng Vigan na siyang matatagpuan sa probinsya ng Ilocos Sur. Noong ako ay nasa

ika-limang baitang pa lamang, kami ay pumunta sa Vigan bilang aming lakbay aral o mas

kilalang field trip. Iba’t-ibang lugar ang aming pinuntahan sa lakbay aral na aming

ginawa. Ang isang araw na pananatili namin sa Vigan ay kulang at hindi sapat. Sa kabila

ng mahabang paglalakbay, nakita ko pa rin na sulit ito dahil nadama ko na ako ay parang

nasa sinaunang panahon.

 Kami ay bumiyahe gamit lamang ang bus mula alas tres ng madaling araw

hanggang umaga upang makarating sa Vigan. Maraming makasaysayang lugar na

matatagpuan dito tulad na lang ng Calle Crisologo, Bantay Bell Tower, Syquia Mansion

at marami pang iba. Ang Calle Crisologo ang pokus ng aming paglalakbay ngunit bago

namin patunguhan iyon ay una naming pinuntahan ang Quirino Bridge na kung saan
kilala ito bilang isang iconic bridge na sumisimbolo sa Ilocos Sur. May mga simbahan

din kaming dinaanan, ngunit sa kasamaang palad ang pangalan ng mga simbahan na iyon

ay hindi ko na maalala. Ang pangatlong aming pinuntahan ay ang Baluarte kung saan

makikita ang iba’t-ibang klase ng hayop at mga impormasyon tungkol dito. Isa ito sa

hindi ko malilimutang lugar na aming pinuntahan sa Vigan sapagkat, sila ay may animal

show na kung saan nagtatawag sila ng mga estudyante upang hawakan ang iba’t-ibang uri

ng hayop. Sa aming panonood, bigla akong natawag sa harapan at isang berdeng ahas ang

ipinatong sa aking mga kamay. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman sapagkat

ito ang kauna-unahan kong karanasan na makahawak ng ahas.

Sumunod naming pinuntahan ang Bantay Bell Tower. Sa Bantay Bell Tower,

kinakailangan umakyat ng mataas na hagdan upang marating ang kampana sa tuktok.

Ang lugar na ito ay sobrang enjoy sapagkat kailangan mo munang umakyat sa mataas na

hagdan upang matanaw mo ang napakagandang tanawing tinataglay nito. Pinuntahan din

namin ang iba’t-ibang museong matatagpuan dito sa Vigan. Sunod na naming pinuntahan

ang Calle Crisologo kung saan makakapag balik-tanaw ka sa sinaunang kasaysayan o

panahon ng ating bansa. Makikita rito ang mga hilera ng mga bahay noong panahon ng

mga kastila na tinitirahan noon ng mga mayayaman. Tunay na mararamdaman ang

pagka-sinaunang panahon nito dahil dito ako unang nakaranas ng pagsakay sa kalesa at

inikot kami sa Calle Crisologo na tumagal ng ilang oras. Bawat sulok sa Calle Crisologo

ay may nagtitinda ng mga souvenirs, empanada, at longganisa. Sobrang haba ng kalye na

ito ngunit masaya ito lakarin.

Sa aming lakbay aral sa Vigan, Ilocos Sur, naging realisasyon ko na tunay ngang

maganda ang Pilipinas sapagkat malawak ang kasaysayan ng Pilipinas. Marami pang
magagandang lugar dito sa lungsod na ito at marami rin akong naranasan sa Vigan

katulad na lamang ng paggawa ng banga o palayok na burnay, pagpunta sa mga museo, at

marami pang iba. Ang aral na napulot ko sa aming lakbay aral ay ang mahalin natin ang

ating nakaraan, sapagkat napakalaking impluwensiya nito sa kinabukasan. Masasabi ko

talagang vigatin dito sa Vigan.

You might also like