You are on page 1of 4

BIYAHENG CEBU TAYO!

Bawat bansa ay may natatanging lugar na hindi maiwasang


tumatak sa isipan ng isang tao, turista man yan o mamamayan
ng naturang bansa. Pwedeng ito ay isang lugar na may
ipagmamalaking dagat na ang buhangin ay sing puti ng perlas,
pwede ring isang lugar na kung saan makikita ang isang tampok
na bundok, o kaya naman isang lugar na kung saan ang nakaraan
nitoy maituturing na kayamanan.
Ang Pilipinas ay maituturing na isa sa pinakamayamang
bansa pagdating sa mga makasaysayang pook nito. Espanya,
Amerika at Hapon, iyan ay ilan lamang sa mga bansang sumakop
sa ating bansa na nag-iwan ng malaking pagbabago hindi lang sa
ating kultura at kaisipan pati na rin sa buong kasaysayan ng
ating inang bayan. Isa sa pinakatampok na makasaysayang lugar
sa ating bansa ay ang pulo ng Cebu. Ito ang kauna-unahang
permanenteng tahanan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Dito sa
lugar na ito ay nangyari ang isa sa pinakamakasaysayang laban
sa kasaysayan ng Pilipinas sa pagitan ng mga Espanyol na
pinamumunuan ni Magellan at ng mga katutubong Pilipino na
pinamumunuan naman ni Lapu-Lapu. Sa lugar na ito ay marami
kang mapapasyalang makasaysayang pook na magbibigay at
magpapakita sa iyo ng mga pangyayari ng nakaraan.
Noong Mayo ng taong 2014, lumuwas ako kasama ang iba
pang mga Girl Scout at Troop Leader ng aming bayan tungo sa
pulo ng Cebu. Akoy lubos na nasasabik bago pa man kami
sumakay ng sasakyang panghimpapawid sapagkat alam kong
marami akong magiging karanasan sa pagpunta ko sa Cebu na
hindi mabibili ng kahit anong bagay, at tiyak na aking dadalhin sa
aking pag-uwi sa probinsya. Karanasang talaga namang
nakapagbigay ng ngiti sa aking mga labi at ligaya sa aking puso
na habambuhay tatatak sa isang tulad kong probinsyana.

Ang presyur na aking nararamdaman sa aking dalawang


tainga at ang pagpulupot ng aking tiyan ay indikasyon lamang na
ang aming eroplanong sinasakyan ay papalapag na sa MactanCebu International Airport. Hindi masukat na kasiyahan ang aking
naramdaman sa mga oras na iyon dahil sa wakas ay
mapupuntahan ko na ang mga pinapangarap kong lugar tulad ng:
Magellans Cross, Basilica del Santo Nino, Fort San Pedro at
Chapel of San Pedro Calungsod. Mga lugar na datiy nababasa ko
lang sa libro naming Araling Panlipunan at napapanood lamang sa
telebisyon ngunit ngayon ay makikita ko na ng personal.
Ang una naming tinungong lugar sa Cebu ay ang Magellans
Cross. Akala ko noong una, itoy ubod ng laki, ngunit mali aking
hinala. Itoy hindi kalakihan pero sa aking opinyon makakapasok
naman ang mahigit 50 na katao. Ang labas nitoy maka-luma sa
istruktura ngunit sa loob namay sobrang ganda. Ang kisame nito
ay gawa sa bato na may mga imaheng inilalarawan ang
pagtatatag ng Kristiyanismo sa ating bansa. Makikita mo din sa
loob nito ang isang Kristyanong krus na tinanim ng mga
manggagalugad na Portuges at Espanyol na pinangunahan ni
Fernando de Magallanes nang marating nila ang Cebu sa Pilipinas
noong Marso 15 , 1521.
Ikalawa naming tinungo ay ang Basilica del Santo Nino na
kung saan matatagpuan ang Sto. Nino na binigay ni Magellan kay
Juana, ang asawa ni Raha Humabon, noong 1521. Ang harapan
nitoy maka-luma at talaga namang ibabalik ka sa nakaraan
samantalang ang loob nitoy sobrang linis at napakaraming
daanan na pwedeng dahilan ng iyong pagka-ligaw. Napakaraming
Pilipino ang dumadagsa sa basilicang ito na nagpapatunay ng
ating pagiging makadiyos.
Ikatlo naming pinuntahan ay ang Chapel of San Pedro
Calungsod. Si San Pedro Calungsod ay isang Pilipinong Katolikong
martir. Isa siyang akolito sa Hesuwitang misyonero na si Diego
Luis de San Vitores. Pareho silang pinatay ng dalawang tubong

Chamorro habang nangangaral ng Kristiyanismo sa Guam. Ang


harap ng kapilyang ito ay napaka-simple ngunit ang linis tignan
dahil sa kulay ng pintura nitong puti. Ang loob naman ay sobrang
linis, maluwang at naka-air conditioned. Isa ito sa mga kapilyang
napuntahan ko na masasabi kong may halong pagka-moderno
ang disensyo.
Sa pinaka-huli naman naming pinuntahan isa lang ang aking
masasabi, Wow!. Akoy lubos na humanga sa lahat ng aking
nakita sa ikatlong lugar na pinuntahan namin, ang Fort San Pedro,
mapa-istruktura man yan o mga bagay at impormasyon sa loob
nito. Ito ang naging pinaka-sentro ng bansang Espanya ng silay
nasa bansang Pilipinas. Itoy itinayo ni Miguel Lopez De Legazpi
noong ika-08 ng Mayo, taong 1565. Ito ay isa na ngayong maliit
na museo at pook pasyalan. Sa loob nitoy iyong makikita ang
mga ibat ibang memorabilia ng mga ibat ibang tao rin, mga
simbolo ng kagitingan gaya ng watawat na ginamit noon ng mga
katutubong Pilipino at mga imahe nina Lapu-lapu, Juana at iba pa.
Sadya ngang napaka-yaman ng ating bansa pagdating sa
mga makasaysayang pangyayari. Pangyayaring maituturing na
yaman nating mga Pilipino dahil sa mga aral na taglay at
binibigay nito sa atin na makakatulong sa pagsulong ng
pagkakaisa, pagtutulungan at higit sa lahat, pagiging makabayan
nating mga Pilipino. Naway ang nakaraay gawing sandigan at
lakas ng bawat isa sa atin nang sa gayon ay maibalik ang mga
tatak Pilipinong pag-uugali na alam kong natutulog lang sa ating
mga katawan naghihintay lamang na pakawalan.

You might also like