You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Sacred Heart School
Tacloban City

FILIPINO

LAKBAY-SANAYSAY
Pangalan: Maria Catlyn C. Babaylan Petsa: Oktubre 28, 2022
(Biyernes)
Baitang/Strand: Grade 12-STEM Puntos:

Ang Pagtuklas ng Aking Paglalakbay sa Hong Kong

Isa sa pinakamasaya at hindi ko malilimutang paglalakbay sa buhay ko ay naganap noong


Hulyo 2019, nagkaroon ako ng pagkakataon upang pumunta sa Hong Kong kasama ang aking
pamilya. Pagkalipas ng apat na oras ng paglipad mula sa Cebu City ay nakarating na kami sa
Hong Kong. Pagkababa ko sa eroplano, masasabi kong nasa Hong Kong na talaga ako, dahil sa
kakaibang temperatura na dumampi sa aking balat. Napagtanto ko kung gaano kaganda rito at
dagdag pa ang kalinisan ng kapaligiran sa bansang ito, wala kang makikita na kahit anong basura
na nakakalat.

Sa unang araw ng aming bakasyon ay pumunta kami sa Avenue of Stars, sa lugar na ito
ay nakatala ang mga tatak ng kamay ng mga sikat na tao kagaya ni Bruce Lee, Jackie Chan, Jet
Li, atbp. Sinasabing ginawa ito upang parangalan ang mga taong may malaking kontribusyon sa
industriya ng pelikula ng Hong Kong. Bukod dito ay makikita mo ang malalaking gusali at
bangka, dahil sa tabi nito ay dagat. Pumunta rin kami sa Hong Kong Jewelry ng Franz, papunta
doon ay nag bus lamang kami at nakakaaliw na tour guide. Sinabi niyang gusto niyang tumira sa
Pilipinas dahil mura ang mga bilihin. Pagdating namin doon ay bumili ang aking magulang ng
alahas, at pinakita sa amin ang rebulto ni Manny Pacquiao na gawa sa ginto. Sa pangalawang
araw, ay naglibot kami sa Kowloon at namili ng mga pampasalubong. Nasubukan din namin ang
iba’t ibang pagkain kung saan halos karamihan dito ay naghahain ng Chinese dim sum at
dumplings na sikat dito. Hindi rin mawawala sa Hong Kong ang mga exotic street foods. Sa
pangatlong araw ay pumunta kami sa Jumbo Floating Restaurant, pumunta kami doon gamit ang
bangka, nakakalungkot lang na lumubog na ang Jumbo Floating Restaurant ngayon. Sa pang apat
Republic of the Philippines
Department of Education
Sacred Heart School
Tacloban City

FILIPINO
na araw ay pumunta na kami sa Disneyland. Binubuo ito ng pitong themed areas gaya ng Main
Street,

U.S.A., Adventureland, Grizzly Gulch, Mystic Point, Toy Story Land, Fantasyland, at
Tomorrowland. Marami kaming naikutan at marami rin kaming nadiskubre na mga sakayan na
wala sa Pilipinas kaya naman ako ay lubusang natuwa at sinulit ang pagsakay lalong lalo na sa
mga extreme rides dahil ito ang mga gusto ko at nagigiyang ako rito. Pagpatak ng alas-otso ng
gabi ay oras na upang pumunta ang lahat ng tao sa harap ng Sleeping Beauty’s Castle. Dito
matutunghayan ang paputok at light show na pangwakas na palabas ng Hong Kong Disneyland
na tumatagal ng sampung minuto. 

Sa loob ng limang araw namin sa Hong Kong, marami akong natuklasan at napagtanto ko
rin kung bakit maraming tao ang tumatangkilik sa lugar na ito. Marami kang magandang tanawin
na makikita, marami kang lugar na mapapasyalan, marami kang mapagpipilian na kainan at
masarap din sa pakiramdam ang simoy ng hangin dito kung kaya’t masasabi kong tunay ngang
naging sulit ang naging bakasyon namin dito, lalong lalo na’t kasama ko ang pamilya ko sa
paglalakbay na ito. 
Republic of the Philippines
Department of Education
Sacred Heart School
Tacloban City

FILIPINO

You might also like