You are on page 1of 6

ARALIN 7 Learning Area Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Grade Level 11

Teksto Tungo sa Pananaliksik


Quarter 3 Date Marso 28-31,2022

I. LESSON TITLE: PAG-UUGNAY NG KAISIPANG NAKAPALOOB SA TEKSTO

II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCS):


Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig F11PB – IIId – 99

III.CONTENT/ CORE CONTENT:


A. MELC FILIPINO 10 Q3, PIVOT BOW R4QUBE, K to 12 Curriculum Guide
B. MODULE/CLMD4A_Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik G11

IV.LEARNING PHASES:
A. Panimula
Balikan
Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito,
muli mong balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa katanungang ito:
Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang datos upang mapaunlad
ang sariling tekstong isinulat?

B. Development/ Pagpapaunlad

Pagbasa ng Teksto
Halina’t basahin ang teksto at alamin ang kaisipang hatid nito.

“Ako ay Laking Lungsod ng Angeles, Pampanga”


By RESIDENTPATRIOT
Lokasyon ng Angeles sa Pampanga
Sinasabi ng iba na ang aming lalawigan ang pinakamalayong i-byahe sa buong
Pilipinas dahil ang itlog na dala mo mula sa iyong bayan ay magiging “ebun”
pagdating sa amin. Ang kapampangan kasi ng itlog ay “ebun” na katunog ng
“ibon”. Ang korni ano? Hindi ko inimbento ‘yan ha?

Naging kilala dati ang aking lungsod bilang bagsakan ng mga PX goods, kuta ng
mga sundalong Amerkano at pugad ng mga panggabing bahay aliwan.
Malaki na ang ipinagbago ng aking lungsod mula ng pumutok ang bulkang
Pinatubo at tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerkano ang kanilang base
militar sa aming bayan. Dahil sa pangyayaring ito, natagpuan ng aming bayan
ang mga bagong oportunidad para sa ibang uri ng hanapbuhay na hindi umaasa
sa mga banyagang sundalo.
Ang aking lungsod ngayon ay mas marami ng maihahandog sa mga nais bumisita
rito. Dayuhan man o kababayan ay pawang matatagpuan ang mga bagong
karanasan na maihahandog ng aming bayan.
Nayong Pilipino Clark
Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa aming bayan ay matatagpuan
sa loob ng Clark (ang dating base militar ng Amerika sa Pampanga) gaya ng:
Nayong Pilipino, sanktuwaryo ng mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo
(hot air balloon) na ginaganap taun-taon, ang mga resort, palaruan ng golf,
piknikan, at kung mahilig ka sa sugal, meron ding Casino na matatagpuan sa
loob ng Clark. Siyempre, meron ding mga mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.

Lumang Mansyon ng mga Pamintuan


Ang iba pang mga matatandang gusali ay ang Bale Herencia (ginawa: 1860),
Camalig (ginawa: 1840), Bale Matua (ginawa: 1824) at ang isa mga
pinakamatandang simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang Simbahan ng Santo
Rosario na ginawa mula nuong 1877 hanggang 1896.
Meron din kaming museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga
lumang larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga
at iba pang mga pagpapamalas (exhibit) tungkol sa kasaysayan ng Angeles.
Hindi tinaguriang Kapital ng Pagluluto sa Pilipinas ang aming lalawigan ng walang
dahilan. Kaya nga maraming matatagpuang masasarap na kainan sa aming
lungsod. Gusto mo ba ng inihaw, pagkaing dagat o katutubong lutong Pilipino
at Kapampangan? O ‘di naman kaya ay mga pagkaing Intsik, Koreyano,
Mongolyan, Hapon, Amerkano, Italyano at iba pang putaheng banyaga? Kahit
ano pa ang trip mong pagkain (basta totoong “pagkain” ha?), malamang meron
kami n’yan.

Mga nagpipinetensya tuwing Mahal na Araw


Makikita din sa aming bayan at sa kalakhan ng Pampanga yaong mga
nagpapahirap sa kanilang mga sarili tuwing sumasapit ang Mahal na Araw. Kung
tawagin sila ay mga nagpipinetensya.
Madalas dayuin ‘di lang ng mga karatig-bayan kundi pati ng mga dayuhan mula sa
ibang bansa ang taunang pagpapahirap sa sarili na ito, ngunit sana nga ay
mahinto na ang tradisyong ito balang araw dahil nagiging idolo sila ng ilang mga
kabataan.

Halimbawa ng isang Koreyano


Dumami na rin ang mga Koreyanong naninirahan sa aming bayan. May mga ilan
na panandalian lamang ang pananatili at meron din namang mga pangmatagalan.
Sa dami ng mga Koreyano ay nakagawa na sila ng sarili nilang komunidad sa
aming bayan. Nakapagtayo na sila ng mga pamilihan, kainan, paaralan at pook
sambahan sa napakaliit naming bayan. Marami sa mga kabataang Koreyano sa
amin ay mga estudyanteng nag-aaral ng Inggles.

Daan papuntang Clark


Ang pagpapabuti sa Paliparan ng Diosdado Macapagal ay maghahatid ng ibayong
interes sa komersyo sa aming bayan na maghahatid ng bagong mga oportunidad sa
negosyo at lilikha ng mga bagong trabaho na mag-aangat naman sa kaledad ng
buhay ng mga mamamayan sa aming bayan. Plano pa lang lahat ‘yan subalit
marami ang naghahangad na ang mga ito ay matupad.

Halimbawa ng sikat na Kapampangan


Hindi rin kami nagpapahuli sa mga sikat kagaya nina Lea Salonga, Apl d Ap, Efren
Bata Reyes, Donita Rose at Baron Geisler (sikat pa ba si Baron?). Marami pang
ibang mga sikat na Angelenyo subalit tinatamad na akong mag-saliksik ng iba pa.
Malapit lang ang Angeles sa mga lalawigang may dagat at iba pang pook pasyalan
gaya ng Bundok Arayat, mga dagat ng Zambales at Pangasinan, Baguio, Olongapo,
Maynila at ang bulkang Pinatubo.

Nang sumabog ang bulkan


Isang ‘di ‘ko makakalimutang karanasan sa aking buhay sa Angeles ay ang
pagputok ng bulkang Pinatubo. Pininsala nito ang napakaraming buhay, bahay,
ari-arian at lupain. Subalit tinuruan ako nito kung paano lumaban para
mabuhay (survival). Kung paanong mabuhay sa isang kalagayan na walang
mabibiling pagkain, walang agarang maiinom na tubig at walang kuryenteng
magagamit.
Ito ang aking lungsod, ito ang tahanan ng aking mga magulang at ng aking mag-
ina. Dito ako ipinanganak, dito ako nagtapos ng pag-aaral, dito ako
nakahanap ng trabaho at malamang ay dito na rin ako sasapitin ng katandaan.
https://thepinoysite.com/2012/09/19/ako-ay-laking-lungsod-ng-angeles-
pampanga/

Matapos mong mabasa ang tekstong may pamagat na “Ako laking Lungsod ng
Angeles, Pampanga ay masasagot mo ba ang mga katanungan inihanda?

1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa?


2. Maliwanag ba ang pagkakaulat ng bawat kaisipan nais ihatid ng nagpapahayag?
3. Paano kaya maiuugnay ang mga kaisipan hatid ng teksto sa sarili? pamilya?
komunidad? bansa? daigdig?

C. Engagement/ Pagpapalihan
PAGSASANAY 1

Sagutin ang mga tanong ukol sa tekstong iyong binasa.


1. Ano-anong kaisipan sa teksto na maaring maiugnay sa iyong sarili bilang
isang Angeleňos? Ipaliwanag

2. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nakikitaan mo ng katulad na


kaugaliang Angeleňos sa iyong pamilya?

3. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nagpapakita ng mga


kaganapang nangyayari sa buong komunidad ng Angeles na nararapat
bigyang

pansin?
4. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na sa iyong tingin ay tumatak sa
lipunang Pilipino na batid na ng nakararami tungkol sa Angeleňos?

5. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na nagpapakita ng kagalingan ng mga


Angelenos sa buong mundo?

PAGSASANAY 2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalagang malaman ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto?

2. Anong estratehiya ang ginamit mo upang maiugnay ang kaisipang nakapaloob


sa nabasang teksto Sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig?

3. Anong uri ng teksto ang maaari mong gamitin kung nais mong isulat ang
tungkol sa kagandahan ng isang lugar? Ipaliwanag.

4. Anong pagkakaiba ng tekstong deskriptibo sa tekstong impormatibo?

5. Bakit natin kailangang malaman ang kaisipang nakapaloob sa bawat tekstong


ating binasa?
D. Assimilation/ paglalapat ( tekstong prosijural)

Ano-anong mga hakbang ang gagawin mo upang makatulong sa pagsugpo


ng kumakalat na sakit dulot ng COVID 19. Pumili lamang ng isang kahon
na nais gawin. Isulat ang sagot sa kahon.

Sarili

Pamilyang Pilipino

Komunidad

Bansa

Daigdig
.
Rubriks sapag-iiskor.

Nilalaman- 20 puntos
Pagkakasunod-sunod ng mga detalye- 10 puntos
Kaayusan ng kaisipan 10 puntos

Kabuuan- 40 puntos

WRITTEN WORKS: 30 PUNTOS


PERFORMANCE TASK: 40 PUNTOS

INIHANDA NI: ANALIZA L. LANZADOR


Dalubguro II

BINIGYANG PANSIN NI: AIDA M. BEJO


Punongguro III

You might also like