You are on page 1of 18

FILIPINO SA

PILING
LARANGAN
(AKADEMIK)
BALIK-ARAL

Lakbay-Sanaysay

Tinatawag na travel essay o travelogue. Ito ay isang


uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala
ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
Ayon kay Nonon Carandang, ang sanaysay ay
tinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ay binubuo ng tatlong konsepto.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang


turista.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
3. Tukuyinang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
4. Magtala ng mahahahalagang detalye at kumuha ng mga
larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa
ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
PICTORIAL
ESSAY
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
makakamit ang mga kasanayang
pampagkatuto:

1. Natutukoy ang kahulagan ng pictorial


essay
2. Naipapaliwanag ang mga dapat tandaan
sa pagsulat ng pictorial essay
3. Nakagagawa ng isang pictorial essay
Ang pictorial essay ay isang
sulatin kung saan higit na
nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat. May pagkakataong
nakaugnay ito sa isang lakbay-
sanaysaya lalo na’t karamihan ng
lakbay-sanaysay ay may kasamang
larawan.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng pictorial essay

1. Ang paglalagay ng larawan ay dapat


na isinaayos o pinag-isipang mabuti
sapagkat ito ang magpapakita ng
kabuoan ng kuwento o kaisipang nais
ipahayag.
2. Ang mga nakatalang sulat o katitikan
sa bawat larawan ay suporta lamang sa
mga larawan kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba ay suporta
lamang sa mga larawan kaya’y hindi ito
kinakailangang napakahaba o napakaikli.
Kilangang makatulong sa pag-unawa at
makapukaw sa interes ng magbabasa o
titingin ang mga katitikang isusulat
dito.
3. May isang paksang nais bigyang-diin
sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang
kaisipan olihis sa paksang nais bigyang-
diin. Kilangang maipakita sa kabuoan ang
layunin ng pagsulat o paggawa ng
pictorial essay.
4. Isipin ang mga manonood o titingin ng
iyong photo essay kung ito ba ay mga
bata, kabataan, propesyonal, o masa
upang maibatay sa kanilang kaisipan at
interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin sa
pagsulat ng mga caption.
Halimbawa ng Pictorial Essay

Isang Makabuluhang Paglalakbay sa Bayan ng Khmers

Marami na akong mg bansang napuntahan lalo na sa


kontinente ng Asya ngunit masasabi kong ang bansang
Cambodia ay isa sa mga natatangi sa mga ito. Bagama’t ang
bansang ito ay matagal na napasailalim sa komunistang
pamamahala at nasakop ng ilang mga bansa ay mababanaag pa
ring napanatili ng mga Cambodian ang kanilang mayamang
kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga.
Labis akong humanga sa mga mamamayan nito lalo na sa
pagkakaroon nila ng pamumuhay na payak ngunit
makabuluhan at masaya gayundin ang kanilang pagpapanatili at
pagpapahalaga sa hostorical sites o landmarks sa kanilang bansa.
Halina’t iyong tunghayan ang mahahalagang larawan ng mga
lugar na aking napuntahan na sumasalamin sa kultura,
kasaysayan, at simpleng buhay ng mga Cambodian.
Alas-singko pa lang ng umaga ay nagtungo
na ako sa Angkor Wat. Tama nga ang mga
nagsabing ang templong ito ay isa sa
pinakamagandang lugar upang panoorin ang
kahanga-hanga ng pagsikat ng haring-araw. Ang
Angkor Wat ay isang tanyag na UNESCO World
Heritage Site. Ito rin ang pangunahing destinasyon
ng mga turista sa Cambodia.

May mga mongheng makikita sa iba’t ibang


bahagi ng Angkor. Karamihan sa mga turista ay
humihingi ng bedisyon mula sa kanila.
Detalyadong dekorasyon na nakauikit
sa malarosas na bato ang katangiang
naghihiwalay sa templo ng Bantaey Srei mula
sa lahat ng iba pang templo sa Angkor.

Ang Templo ng Bayon naman ay madalas


ding puntahan ng mga turista dahil sa mga
natatanging higanteng mukha na gawa sa bato. Ito
ay matatagpuan sa pinakasentro ng Angkor Thom,
ang pinakamalaking bahagi ng Angkor Complex.
Marami ring turista ang nagpupunta sa Ta Prohm sapagkat lumabas
ito sa isang pelikula ni Angelina Jolie na Tomb Raider. Ito ay napaliligiran ng
nagtatayuang mga puno at karamihan sa malalaking ugat ng mga punong
ito ay tila nakayakap o nakapatong sa iba’t ibang bahagi ng templo.

Chong Khneas ang pangalan ng isang floating village sa Lawa ng


Tonle Sap na siyang pinakamalaking lawa sa Timog-Silangang Asya. Aking
nasaksihan ang payak at kakaibang uri ng pamumuhay ng mga taong
nakatira dito.
Bawat pamilya na nakatira sa Chong
Khneas ay may sariling bangka na ginagamit sa
transportasyon at pangingisda.

Hindi lamang bahay na nakalutang ang matutunghayan sa


floating village na ito. Mayroon ding simbahang Katoliko at
paaralan. Mararating lamang ang mga ito gamit ang bangka.
Mainam na bisitahin ang Tonle Sap sa
hapon, bago lumubog ang araw. Sadyang
nakamamanghang pagmasdan ang paglubog ng
araw sa gitna ng lawang ito.

Sa Pub Street kadalasang tumutungo ang mga turista


pagkatapos ng mahabang araw ng pamamasyal. Buhay na buhay at
maingay ang lugar na ito sa gabi. Maraming kainana na pagpipilian at
lahat ay may kanya-kanyang gimik upang makatawag-pansin sa mga
turista. Maganda ring maglakad-lakad dito sa umaga o hapon.
Lubos ko pang nunawan ang bansang Cambodia nang ako ay
nagtungo sa Angkor National Museum. Dito nakaloob ang mahahalagang
datos at kagamitan na may kaugnayan sa pag-unlad ng kasaysayan at
kultura ng Cambodia.
Ang makukulay na tuk-tuk ang pangunahing uri ng
transportasyon sa Cambodia. Ito ang aking sinakyan
upang marating ang mga pangunahing destinasyon
dito. Mababait at masayin ang mga taga-Cambodia.
Sila ay may payak na pamumuhay at laging handang
tumulong sa mga turista.

You might also like