You are on page 1of 24

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay

Pagpapalalim ng Gawain

Sa presentasyong ito’y masusubukan nating bumuo ng sariling


lakbay-sanaysay o pictorial essay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Ang paglalakbay ay
laging kinapapalooban
ng mayayamang
karanasan.
Mahalagang matutuhan ng taong nagsasagawa
ng paglalakbay, lalo na kung ito ay nagtataglat
ng mayamang kaalaman at karanasan, na
maitala o maisulat ang karanasan upang ito ay
manatili at mapakinabangan ng mga taong
makababasa.
1
Ang Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
• Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay or travelogue.
• Ito ay isang uri ng lathalaing pangunahing layunin ay maitala ang mga
naging karanasan sa paglalakbay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
• Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanaylakbay
kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto:
sanaysay, sanay, at lakbay.
• Naniniwala din siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng
sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglakbay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
2
Mga Dahilan ng
Pagsulat
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa
kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013), may apat na pangunahing dahilan
ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat

Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga


posibleng manlalakbay
Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng
espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili
Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar
sa malikhaing pamamaraan

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
3
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ikaanim na Paalala Ikalimang Paalala

Gamitin ang kasanayan sa pagsulat Ilahad ang mga realisasyon sa


ng sanaysay. ginawang paglalakbay.

Ikaapat na Paalala Ikatlong Paalala

Magtala ng mahahalagang detalye at Tukuyin ang pokus ng susulating


kumuha ng mga larawan. lakbay-sanaysay.

Ikalawang Paalala Unang Paalala

Sumulat sa unang panauhang punto Magkaroon ng kaisipang


de-bista. manlalakbay sa halip na isang turista.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Pangkalahatan
• Maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon.
• Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga positibo at negatibong karanasan, at maging kondisyon ng lugar
na pinuntahan.
• Maaaring ipakita ang mga ito sa tulong ng photo essay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
4
Pictorial Essay
Ang Pictorial
Essay • Isang sulatin kung saan higit nakararami
ang larawan kaysa sa salita o panulat
• May pagkakataong nakaugnay ito sa
lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng
lakbay-sanaysay ay may kasamang
larawan
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pictorial Essay
Mga Dapat Tandaan • Ang paglalagay ng larawan ay dapat na
sa Pagsulat ng isinaaayos o pinag-isipang mabuti
sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan
Pictorial Essay ng kuwento o kaisipang nais ipahayag.
• Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa
bawat larawan ay suporta lamang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang
napakahaba o napakaikli.
• May isang paksang nais bigyang-diin sa
Mga Dapat Tandaan mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang
sa Pagsulat kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-
ng Pictorial Essay diin.
• Isipin ang mga naonood o titingin ng iyong
photo essay kung ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyonal, o masa upang
maibatay sa kanilang kaisipan o interes ang
mga larawang ilalagay gayundin ang mga
salitang gagamitin sa pagsulat ng mga
caption.
Halimbawa ng Pictorial Essay
Alas singko palang ng umaga ay nagtungo na ako sa Angkor Wat.
Tama nga ang mga nagsabing ang templong ito ay isa sa pinakam-
agandang lugar upang panoorin ang kahanga-hangang pagsikat
ng haring-araw.
Ang Angkor Wat ay isang tanyag na UNESCO World Heritage Site.
Ito rin ang pangunahing destinasyon ng mga turista sa Cambodia.
May mga mongheng makikita sa ibat't-ibang baghagi ng Angkor.
Karamihan sa mga turista ay humihingi ng bendisyon mula sa
kanila.
Detalyadong dekorasyon na nakaukit sa malarosas na bato ang
katangiang naghihiwalay sa templo Bataey Srei mula sa iba pang
templo ng Angkor.
Mababait at masayahin ang mga taga-Cambodian. Sila ay may
payak na pamumuhay at paging handang tumulong sa mga turista.
Salamat sa pakikinig!

You might also like