You are on page 1of 4

**REPLEKTIBONG SANAYSAY**

Ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may
kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa isip o damdamin (introspection).

Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o
pangyayari.

Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na
pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring
binibigyang-pansin sa pagsulat.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng: ako, ko, at akin sapagkat ito ay
nagpapahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang
nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling
mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga
mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay eto ay may tatlong bahagi: introduksiyon,
katawan, at kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Ang replektibong sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o kongklusyon.
Sa pagsulat ng simula, maaaring magumpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at bakit.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon, siguraduhing ito ay makapupukaw sa atensiyon ng


mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang
pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng
pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan
ng sanaysay.

Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o
tesis na inilahad sa panimula. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan
o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Konklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa
buhay sa hinaharap.

Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa
kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang
pag-isipan.
**LAKBAY SANAYSAY**

Ang lakbay-sanaysay, na mas kilala sa Ingles bilang travel essay, ay isang anyo ng akdang
pampanitikan kung saan ang paglalakbay ang pangunahing paksa.

Kabilang sa sulatin na ito ang kultura, tradisyon, pamumuhay at uri ng mga taong nakatira sa lugar
na pinuntahan ng manunulat, gayon rin ang experience at lahat ng aspetong nalaman ng manunulat sa
kanyang paglalakbay.

Ayon kay Dr. Lilia Antonio (2013), may apat (4) na dahilan sa paguslat ng lakbay-sanaysay:
1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
2. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
3. Maitala ang pansariling kasaysayan tulad ng ispiritwalidad, pagpapahilom at pagtuklas sa
sarili.
4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing paraan.

Ang isang lakbay-sanaysay ay may mga layunin. Ito ay ang mga sumusunod:
 Maipakilala o maibahagi sa mambabasa ang partikular na pasyalan o pook, gayon din ang mga
karanasan ng manunulat sa pagbisita roon.
 Maging gabay para sa mga maaari o nagnanais na magtungo roon. Ang halimbawa nito ay ang
daan at mga mode ng transportasyon.
 Pagdo-dokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing
pamamaraan.

Mga Dapat Tandaan Bago Magsulat ng Isang Lakbay-Sanaysay:

1. Magbasa tungkol sa pupuntahang lugar bago pa ang nakatakdang pagbisita.


2. Isulat ang karanasan at damdamin sa naging paglalakbay.
3. Tandaan na hindi ka lamang turista kundi isang manunulatmananaliksik.

Bukod sa porma ng pagpapahinga ang paglalakbay, binibigyan din tayo nito ng oportunidad na
pansamantalang tumigil at pag-isipan ang nakasanayan. Pinalalaya tayo ng paglalakbay sa regularidad
ng buhay at pinalalawak ang ating kamalayan at perspektiba.

Mga Maaaring Pagkunan ng Paksa para sa Lakbay-Sanaysay:

1. Kung nakatira sa lungsod, pinakamadaling bisitahin ang mga lalawigang nakapaligid dito. Subukang
magsaliksik sa Internet o sa mga aklat para sa mga pasyalang pasok sa badyet at malapit lamang sa
tirahan o paaralan.
2. Ang mga lungsod ay puno rin ng mga kwentong madalas ay natatabunan ng matatayog na mga gusali
at mga naglalakihang industriya. Sikaping hanapin ang mga sulok-sulok na hindi gaanong napapansin
para sa naiiba ngunit hindi naman nalalayong paksa para sa lakbay-sanaysay.
3. Kung taga-lalawigan naman, maaaring maghanap din ng mga pook na hindi kadalasang
pinupuntahan ng mga turista o ng mga bisita.
4. Gawin ding paksa ng lakbay-sanaysay ang mga taong nakasalamuha sa paglalakbay. Tiyak na
mapagkukunan sila ng mga kuwentong maaaring hindi pa naisasalaysay ng iba. Pagkakataon din ito
upang higit na makilala ang ‘pinakayaman’ ng paglalakbay—ang mga tao o pamayanang nakatira sa
naturang pook o lugar.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay tungkol lamang sa kagandahan ngpaglalakbay mismo. Maaari rin
ikuwento ang mga ‘hindi kaaya-ayang’ karanasan tulad ng manakawan o mga nagmamahalang presyo
ng serbisyo.
6. Tikman ang pagkaing natatangi sa lugar na binisita. Tandaang may taglay ring kultura ang uri ng
pagkain sa isang lugar. Ibig sabihin, bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lugar ang
uri ng kanilang pagkain.
7. Iwasang magsulat sa mga nakasanayan nang pasyalang mga lugar. Magsaliksik at magbasa.
Mainam ding mapagkukunan ng paksa ang pagtatanong-tanong sa mga local na residente upang
mabisita ang mga pook na hindi gaanong nakikita.
**PICTORIAL/PHOTO ESSAY**

Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang pictorial essay o photo essay. Ito ay isang kamangha-
manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga
larawang sinusundan ng maikling kapsyon kada larawan. Madalas itong ginagawa ng mga awtor, artista,
estudyante at mga akademisyan (https://bookwormlab.com). Ginagawa din ito ng mga potograpo,
mamamahayag, lalo na ng mga photo-journalist.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY

Ayon sa http://www.csc.villanova.edu, ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang Pictorial Essay ay
ang sumusunod:

1. Malinaw na Paksa - Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Hindi
kailangang napakaengrande ng paksa. Maraming maliliit na bagay ang maaaring paksain ng isang
mahusay na pictorial essay.

2. Pokus - Huwag na huwag lumihis sa paksa. Ang iyong malalim na pag-unawa, pagpapahalaga at
matamang obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pictorial essay.

3. Orihinalidad - Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan. Maaari ring
gumamit ng mga software ng kompyuter tulad ng Photoshop. Kung hindi ito magagawa, maaari namang
gumamit ng mga larawang kuha ng iba mula sa mga lumang album o magasin bilang panimula. Gupit-
gupitin ang mga iyon at gumawa ng mga collage upang makalikha ng bagong larawan. Kailangang ang
pangkalahatang kahulugang ipinahahayag ng nalikhang larawan ay orihinal sa iyo.

4. Komposisyon - Piliin ang mga larawang may kalidad ang komposisyon. lyong mga artistik na
kuha, 'ika nga. Ikonsider ang kulay, ilaw at balanse ng komposisyon. Huwag gumamit ng malalabo o
madidilim na larawan.

C. ANG PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY

Iminungkahi sa http://www.ehow.com ang mga kasunod na hakbang tungo sa matagumpay na paggawa


ng pictorial essay.

1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro. Maaaring may parating
na kaganapan sa inyong pamilya o sa inyong komunidad. Baka may parke rin sa inyong lugar na
magandang gawing setting ng iyong photo shoot. Tandaan, ang mga larawan ang pokus ng iyong
pictorial essay. Kaya, magplano nang naaayon.

2. Isaalang-alang ang iyong audience. Sino ba ang titingin sa iyong mga larawan at magbabasa ng
iyong sanaysay? Maaaring ang buong klase, o kaya'y ang guro n'yo lang. Ilahad ang iyong materyal sa
paraang magiging interesante sa iyong target audience. Kung ang iyong pictorial essay ay para sa mga
bata, kailangang maipakita sa mga larawan ang kanilang interes at hilig tulad ng paglalaro at makukulay
na bagay.

3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng
iyong layunin. Maaaring ang layunin mo ay upang suportahan ang isang adbokasiya o kaya ay
hikayatin ang mga mambabasang kumilos. Kailangang masalamin ang iyong layunin sa mga larawan
kaya mahalaga ang wastong pagpili.

4. Kumuha ng maraming larawan. Maaari namang rebyuhin ang mga kuha sa digital camera o sa
iyong cellphone. Walang dahilan para limitahan ang mga larawang pagpipilian. Mas maraming
pagpipilian, mas higit ang posibilidad na may mapipiling magagamit at angkop na larawan.

5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Katulad nga ng
nabanggit na, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling
wakas..

6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan. Ang teksto aykailangang
nagpapalawig sa kahulugan ng larawan. Tandaang kailangangma-enlighten ang mambabasa hinggil sa
bawat larawan.
**POSISYONG PAPEL**

A. KAHULUGAN NG POSISYONG PAPEL

Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwan ng
awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal. Ang mga posisyong papel ay
inilalathala sa akademya, sa politika, sa batas at iba pang domeyn. Ang mga ito'y may iba'ibang anyo,
mula sa pinakapayak no onyo ng liham sa patnugot/editor hanggang sa pinakakomplikadong anyo ng
akademikong posisyong papel.

B. MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL

1. Depinadong Isyu - Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na
pinagtatalunan ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang partikular na okasyon o sa isang nagaganap
na debate. Ano't ano. man ang pinagmulan ng isyu, kailangang maipaliwanag nang malinaw ng
manunulat ang isyu. Dagdag pa sa pagpapatotoo na ang isyu ay umiiral, kailangan ding mabigyang-
kahulugan ng manunulat ang isyu para sa layunin ng pagsulat.

2. Klarong Posisyon - Liban sa pagbibigay kahulugan sa isyu, kailangang mailahad nang malinaw ng
awtor ang kanyang posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay kwalipayd upang maakomodeyt
ang mga nagsasalungatang argumento, ngunit hindi maaari ang posisyong malabo o ang indesisyon.
Madalas, dinedeklara na agad ng awtor ang kanyang posisyon sa tesis na pahayag sa simula pa lamang
ng sanaysay. Ang adbentahe ng estratehiyang ito ay nalalaman na agad ng mambabasa ang kinatatayuan
ng awtor. May iba namang nagpapahayag ng kanilang tesis matapos ang maikling introduksyong
nagbibigay-kahulugan sa pananaw na hindi sinasang-ayunan. Maaari ring ang tesis na pahayag ay
matagpuan sa hulihan. Ang pagpapaliban ng tesis ay angkop kung nais ng awtor na timbangin muna ang
magkabilang panig bago lahad ang kanyang sariling posisyon.

3. Mapangumbinsing Argumento - Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang kanyang


paniniwala. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, kailangang magbigay ang awtor ng matalinong
pangangatwiran at solidong ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon. Kailangan niya ring
maisaalang-alang ang mga posibleng nagsasalungatang argumento na maaaring kanyang sang-ayunan o
kontrahin.

a. Matalinong Katwiran. Upang matiyak na masusundan ng mambabasa ang isang argumento,


kailangang malinaw na maipaliwanag ang mga pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon.
Kailangang iwasan ang pangmamaliit sa oposisyon at iba pang maling pangangatuwiran, sa halip, dapat
isaisip ang layuning matumbok ang katotohanan.

b. Solidong Ebidensya. Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba't ibang uri ng ebidensyang
sumusuporta sa kanyang posisyon. Ilan sa mga ito ay ang anekdota, awtoridad at estadistika. Ang
enekdota ay ginagamit upang palakasin at ilarawan ang isang argumento. Ang mga testimonya naman
ng mga awtoridad na maalam sa isyu ay nagbibigay- kredebilidad sa arugmento. Samantala, ang
estadistika naman ay kailangang mailahad kasama ang pinaghanguan ng impormasyon. Ang mga
matalinong mambabasa ay karaniwang iskeptikal sa estadistikang walang atribusyon ng hanguan.

c. Kontra-argumento. Kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang mga salungatang pananaw na


maaaring kanyang iakomodeyt o pabulaanan. Sa pag-aakomodeyt ng argumento, tinatanggap ng awtor
ang baliditi hiyon at kinakwalipay niya ang kanyang sariling pananaw bilang pagsasaalang-alang. Sa
pagpapabulaan, sinisikap ng awtor na ipakita kung paano naging mali ang isang argumento.

4. Angkop na Tono. Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang pagpili ng tono sa
pagsulat na mga damdamin at nang hindi nagsasara ng komunikasyon. Isang ideyal kasi nagpapahayag
nang sapat ng kanilang na makakuha ng tiwala at respeto ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
katuwiran at ng wikang gamit sa pagsulat. Dahil dito, may ilang manunulat na gumagamit ng impormal
at kolokyal na tono sa pagtatangka nilang makipagdaupan sa kanilang mga mambabasa.

C. ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. Pumili ng paksa.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa.
4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya.
5. Gumawa ng balangkas.
6. Isulat na ang iyong Posisyong Papel.

You might also like