You are on page 1of 5

● Pagsulat- pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaring

magamit na mapapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at


ilustrusyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang/kanilang kaisipan
● isang biyaya, pangangailangan at isang kaligayahan ng magsasagawa
nito

Mga Layunin sa Pagsulat

1. Impormatibong Pagsulat (Expository Writing)- naghahangad na


makapagbibigay impormasyon at mga paliwanag
● pagsulat ng report ng obserbasyon
● mga estadistikang makikita sa libro at ensayklopedia
● balita at teknikal
● bisnes report
2. Mapanghikayat na Pagsulat (Persuasive Writing)- naglalayong
makumbinsi ang mga mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang
awtor (Hal: proposal at konseptong papel)
3. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)- ginagawa ng mga manunulat ng
mga akdang pampanitikan
● pagpapahayag ng kathang isip

Uri ng Pagsulat

1. Akademiko- pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga


estudyante sa paaralan. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay
masasabing akademiko mula sa antas primarya hanggang doktoradong
pag-aaral
● Sanaysay, lab report, eksperimento, term paper, tesis, disertasyon,
bionote
2. Teknikal- espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa
● impormasyon: pagbibigay-solusyon
3. Journalistic- kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist
● Balita, editorial, kolum, lathalain + feature writing,, magasin
4. Reperensyal- naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors
hinggil sa isang paksa
● binubuod/pinapaikli ng isang manunulat ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaring sa
paraang parentikal, talababa, endnotes
5. Propesyonal- eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
● tinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang
tiyak na propesyon
● police report, investigative report, legal forms, brief & pleading,
legal researches, medical report, patient’s journal ng mga doctor
at nars
6. Malikhain- masining na uri ng pagsulat
● pokus: imahinasyon ng manunulat
● layuning paganahin ang imahinasyon

Akademikong Pagsulat

Akademikong Disiplina- ay sangay ng karunungan na nag-ugat sa pinagsama-


samang kaalaman, kaisipan, kagalingan na likha o bunga ng mga pag-aaral.
eksperimento, saliksik, proyekto, tuklas ng mga eksperto, dalubhasa, espesyelista
at siyentista na kabilang sa iab’t ibang larangan

● pagyayabong ng kaalaman

Akademikong Sulatin- sulating nakabatay sa isang tiyak na larangan/disiplina


na maaring interdisiplinari/multidisiplinari

● organisado, maayos ang paglalahad ng mga katibayan.


● Layunin: ipaunawa sa mambabasa ang konsepto na napakaloob sa
sulatin upang umayon sa konteksto ng kaligiran at panahon nang
pagkasulat

Kahalagahan ng Akademikong Pagsulat

⮚ Isang requirement sa isang digri


⮚ Instrumento sa pagkatuto na nakapagpapaunlad ng talino
⮚ Nakapagdaragdag ito sa “personal esteem”
⮚ Nakapanghikayat sa pagkatuto sa maraming larangan na gumagamit ng
iba’t ibang skill

Katangian na dapat taglayin ng isang Akademikong Sulatin:

1. Pormal- hindi angkop ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon


2. Obhetibo- pangkalahatan hindi personal
● Ang pokus nito ay kadalasan ang impormasyong nais ibigay at ang
mga argumentong nais gawin, sa halip manunulat mismo o ang
kanyang mambabasa
● Paano bibigyan ng buhay ang argument
● Hindi iplease yung sarili

3. Maliwanag at Organisado- maayos na pagkasunod-sunod at


pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
● punong kaisipan (main idea) ay dapat lumutang
4. May Paninindigan- mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang
paksang nais niyang bigyan pansin/pag-aralan
● Layunin: mahalagang mapanindigan niya hanggang matapos niya
ang kanyang isusulat
5. May Pananagutan- ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na
datos/impormasyon ay dapat bigyan ng nararapat na mapanagutan
ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian

Uri ng Akademikong Sulatin:

● Abstrak
● Sintesis/Buod
● Bionote
● Panukalang Proyekto
● Talumpati
● Agenda

Lakbay-Sanaysay- ibabase sa personal na karanasan

● travel essay/travel log


● mas malawak na kategorya ng travel literature
● kadalasang naglalaman ng mga karanasan ng may akda sa
paglalakbay, pagsasaliksik at pagtuklas ng isang lugar

Dahilan sa pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay

● Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat (Hal: magasin,


brochure)
● Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
● Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng
pagpapahilom o pagtuklas sa sarili
● Upang idokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamaraan

Paraan ng Paglalakbay ayon kay Paolo Coelho


● Iwasan ang Museo- malilimitahan ang ideya tungkol sa isang bagay
⮚ Turista- kulang ang isang oras ng turista upang libutin ang isang
lugar
● Tumambay sa mga bar- maraming local na tao
● Maging bukas- ang isipin sa mga bagong matutuklasan na bagay
● Maglakbay mag-isa- malilimitahan ang mga bagay na gustong gawin
kapag may kasama
● Huwag bumili nang marami- hindi pwedeng mabigat ang kanilang karga

Manlalakbay- may sapat na kaalaman sa paglalakbay bilang pagkilala sa


lugar at pagtuklas ng bagong daigdig

Turista- piling lugar lamang at madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong
bilang ng mga araw lamang

Payo sa Epektibong Makapagsulat habang Naglalakbay

● Magsaliksik- magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa


destinasyon bago dumating sa lugar; lengwahe, direction: klima, palitan
ng pera, kokontakin kapag may emergency
● Mag-isip ng labas pa sa ordinary- bilang mananaysay kinakailangan
mong ipakita ng mas malalim na anggulo, hindi basta namamalas ng
mata
● Maging isang manunulat- magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa
isang turista. Makakabuti ang pagkuha ng larawan at mga tala sa mga
bagay na naoobserbahan at naririnig mo

Mga Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

● Hindi kinakailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang


makahanap ng paksang isusulat
● Huwag piloting pasyalan ang maraming lugar sa iilang araw lamang
● Ipakita ang kwentong buhay ng tao sa iyong sanaysay
● Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan
● Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan
● Alamin ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binisita ta
pag-aralang lutuin ito
● Sa halip na popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliit na pook-
sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang
kapayakan ng pananampalataya
● Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay

Replektibong Sanaysay- straight to the point

● Pinapanatali ang boses ng manunulat bilang pagpapakilala sa persona


● Nagpapatingkad ng damdamin tungkol sa paksa
● Nagmumuni sa karanasan ng manunulat
● Kasama ang katotohan ng kanyang karanasan
● Damdamin/emosyon ng manunulat ng sanaysay ang
pinakamahalagang mabasa at kung paano ito mabigyan ng maayos na
pag-iisip at pagmumuni
● Inuunawa ang karanasan

Pagmumuni- nasasala ang mahahalagang natutuhan at naanalisa kung ano


ang kakulangan o kamalian ng manunulat upang mas maging mabuti ang
pakikitungo sa kapwa

● Meditasyon sa buhay ang paggawa ng replektibong sanaysay

Halaga ng Replektibong Sanaysay

“Hindi magiging maayos ang buhay kung hindi pinagmumunian”

● Naitatala ang importanteng karanasan, mga pagtupad at hindi


pagtupad sa mga nararapat na gawain
● Upang makatulong sa pagpapaunlad sa sarili

Haba ng Replektibong Sanaysay- sa tuntunin ng guro

You might also like