You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Schools Division of Eastern Samar
Dolores National High School

Balangkas sa Pagtalakay sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik


Paksa: Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
S.Y. 2021-2022

Inihanda ni:
Krizlyn O. Legua
Via G. Anabo
Chaelvien Josh C. Caspe
Ma. Carla M. Rebarter
Jackson Lobigas
Jimuel Evite

Ipinasa kay:
Ms. Angie L. Mabini
Guro
I. PANIMULA
Mapagpalang umaga sa inyong lahat, ihanda ang sarili para sa panibagong pagkatuto
sa bagong akademikong sulatin, nawa’y sa katapusan ng talakayan na ito ay matuto kayo
kung paano lumikha ng larawang sanysay. Ano nga ba ang larawang-sanysay? Ano ang
kaniyang laman? Ano-ano ang mga gabay o hakbang sa pagsulat? Isa-isahin nating bigyan ng
linaw ang mga katanungan na iyan habang nagpapatuloy ang talakayan natin ngayon.
LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin.
3. Makabuo ng larawang-sanaysay batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika.
II. PAUNANG GAWAIN
Lagyan ng kapsiyon o isulat ang iyong naintindihan sa larawang nasa ibaba.
Ilahad sa harap ang inyong mga kasagutan ukol sa ibinigay na gawain.
III. TALAKAYAN
Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
Nais kong pagnilayan ninyo kung ano ang pinapakahulugan ng nasabing pahayag sa
ito, “Aphotograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy” –Amit Kalantri,
isang nobelistang indian.
Ano nga ba ang larawang-sanaysay?
Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang
inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,
mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Ito ay gaya rin ng iba pang uri ng
sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Malaki ang naitutulong ng
larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa mga ideya/ kaisipang ipinakikita
ng larawan. Ang pagtataglay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti
sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan
kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-
unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay
ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang
maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay.
Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa
ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling
nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting
sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na
dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay,
isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-
iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan
kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
1.Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.
2.Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema .
4.Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na
maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
5.Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito
ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng
kohirens ang iyong pagsulat.
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay

Halimbawa ng Larawang-Sanaysay
Tunghayan, basahin at unawain ang halimbawa:
“ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS) SA LOOB AT
LABAS NG BGPOP”
ni:Trisha Capulong
Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian
Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang
haharapin bilang isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.

Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the Centuries,
nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas,
pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang nagbigay ng
pagsubok sa kanila.
Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa, nagkakaroon ng magandang pagsasama
ang bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pinanggalingan, ugali,
pananaw, at talent

Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga
kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week na
pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng tagisan ng
mga natatagong talento.

Nag-imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi ng


kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.
Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din
sila kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan, at magpakumbaba.
Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang Intramurals na
pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang kanilang
angking galing sa larangan ng pampalakasan.

Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa


kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga
humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing malayo
man sa pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang
bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.
IV. GABAY NA KATANUNGAN
1) Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa Larawang-Sanaysay bilang isang
akademikong sulatin?
2) Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng Larawang
Sanaysay?
3) Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang larawang sanaysay?
4) Magbigay ng mga dapat tandaan sa pagsult ng larawang-sanaysay.
V. EBALWASYON
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang Larawang-Sanaysay.
1. Sapat ba ng bilang ng ginamit na larawan upang maipahatid ang mensahe?
Pangatwiran.
2. Paano inorganisa ang mga larawan sa binasang larawang-sanaysay?
3. May kaisahan ba ng mga ginamit sa larawan?
4. Kapag tinanggal ang nakasulat na teksto, mauunawaan mo ba ang mensahe ng
sanaysay?
5. Sa kabuuan, nagtagumpay ba para sa iyo ang binasang larawang sanaysay?
Pangatwiran.

VI. KONKLUSYON
Hindi malalayo ang larawang-sanaysay sa iba pang uri ng sanaysay. Gumagmit ito ng mga
teknik na epektibong paglalahad ng mga ideya at pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Isinaalang-alang dito ang tema, organisasyon ng kaisipan, tono, target na mambabasa, at iba
pa. Ang kaibahan lamang ay ang paggamit nito ng mga larawan na siyang pangunahing
pinagkukunan ng kahulugan sa isang larawang-sanaysay. Madalas na naing sabihing
sanlibong salita katumbs ang isang larawan ngunit maaaring higit pa nito ang kapangyarihan
ng larawan.
VII. SANGGUNIAN
Kuwarter 2 - Modyul 7: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Larawang –Sanaysay,
pahina 1-6.

You might also like