You are on page 1of 26

LARAWANG

SANAYSAY
PANGKAT 5
LAYUNIN:

A. Nakikilala ang kahulugan ng larawang


sanaysay.

B. Nakasusulat ng isang larawang sanaysay.

C. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin


sa pagsulat ng larawang sanaysay.
LARAWANG SANAYSAY

>Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o


limbag na mga imahe o larawang
inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-
sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,
mga damdamin, at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan.Ito ay gaya rin ng iba
pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga
pamamaraan sa pagsasalaysay.
LARAWANG SANAYSAY

>Sa pagsasalaysay,maaaring gamitin mismo ang


mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang
may maiikling teksto o kapsyon.Malaki ang
naitutulong ng larawang may teksto sapagkat
nakatutulong ang mga ito sa mga ideya/ kaisipang
ipinakikita ng larawan.
LARAWANG SANAYSAY
>Ang pagtataglay ng larawan ay dapat na isinaayos o
pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita
ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat
larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
Kailangang makatutulong sa pag-unawa at
makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang
mga katitikang isusulat dito.
LARAWANG SANAYSAY

>Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat


larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
Kailangang makatutulong sa pag-unawa at
makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang
mga katitikang isusulat dito.
LARAWANG SANAYSAY

>May isang paksang nais bigyang-diin sa mga


larawan kaya’t hindi maaaring maglagay
ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa
paksang nais bigyang-diin. Kailangang
maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o
paggawa ng larawang-sanaysay.
LARAWANG SANAYSAY

>Ang mahalagang katangian ng larawang-


sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong
magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng
mahalagang impormasyon, at malinang
ang pagiging malikhain.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
Larawang-Sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang


gagawin.

3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong


mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa
mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling
nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.

5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng


pangyayari gamit ang larawan, mabuting
sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang
mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay
gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na
dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga
salita.
7.Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay
ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay,
isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan
ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-
iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay
at matindi ang contrast ng ilang larawan
kompara sa iba dahil sa pagbabago ng
damdamin na isinasaad nito.
Mga hakbang sa pagsulat ng
LARAWANG SANAYSAY
1.Pumili ng isang paksa at mga larawang may
kaugnayan nito.

2.Maghanap ng mga datos na susuporta sa


iyong gagawing sanaysay.

3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na


naaayon sa tema .
4.Lagyan ng pagkakawing ang bawat
larawan na kinapapalooban ng iyong
damdamin na maaaring makapukaw sa
interes ng mga mambabasa.

5.Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw


na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan
ito ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga
transisyunal devices upang magkaroon ng
kohirens ang iyong pagsulat.

7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon


sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.
halimbawa ng Larawang-Sanaysay: Tunghayan ,Basahin at Unawain ang
halimbawa

<ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS) SA LOOB AT


LABAS NG BGPOP=

ni:Trisha Capulong

Kasabay ng maligayang
pagsalubong sa mga bagong
mag-aaral noong Thomasian
Welcome Walk ay ang
pagtanggap nila sa lahat ng mga
responsibilidad na kanilang
haharapin bilang isang
mahabagin, maaasahan, at
Credits: Thomasian Welcome Walk 2016 Album from the Facebook page of University of Santo Tomas tapat na Tomasino.
Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa
Arch of the Centuries, nagsimula na ang pormal na klase.
Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas,
pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa
kolehiyo na tunay ngang nagbigay ng pagsubok sa kanila.
Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa,
nagkakaroon ng magandang pagsasama ang
bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral na
may iba’t ibang pinanggalingan, ugali,
pananaw, at talento.
Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral,
mayroon ding mga kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba.
Nagkaroon ng senior high school week na pinaghandaan ng
lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon
ng tagisan ng mga natatagong talento.
Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School,
tinuturuan din sila kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano
makipagkaibigan, at magpakumbaba. Kitang-kita ito sa pagdiriwang
ng Senior High School ng kanilang Intramurals na pinamagatang
Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang
kanilang angking galing sa larangan ng pampalakasan.
Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring
nagaganap sa kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na
BGPOP, ay ilan lamang sa mga humuhubog sa kanila upang maging
handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing malayo man sa
pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang
makakaya upang bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak,
kundi malaki rin ang puso para sa iba.
May katanungan po
ba? tatanong bcs?
joki lng
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng
kawastuan at may katotohanan at MALI naman kung ito’y
walang katotohanan. Isulat ito sa sagutang papel.
_____1.Ang Larawang- Sanaysay ay laging kinapalooban ng mga
konsepto na sanaysay , sanay at lakbay.

_____2.Ang Larawang- sanaysay ay isang sulatin kung saan higit


ng nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat.

_____3.Marami ang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan


kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang
kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
_____4.Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan
ay suporta lang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang
napakahaba o napakaikli.

_____5.Isipin ang mga manonood o titingin sa iyong Larawang-


Sanaysay upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang
mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa
pagsulat ng kapsyon.

_____6.Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng


pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng
kuwento at ibatay rito ang mga larawan
_____7.Layunin nitong magbigay saya o aliw sa gumagawa ng
kwento at magbigay ng mahalagang impormasyon.

_____8.Sa larawang sanaysay, ang pangyayari ay isinasalaysay


ayon sa kung ano ang nasa larawan.

_____9.Ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng


kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.

_____10.Ang larawang sanaysay ay isang anyo ng panitikan.


MARAMING
SALAMAT

You might also like