You are on page 1of 4

ASSUMPTION SCHOOL PASSI CITY, ILOILO, INC.

Saligumba Street, Passi City, Iloilo


Government Region No. SHS-010, s. 2016

SENIOR HIGHSCHOOL DEPARTMENT


Grade 12 – Science, Technology, Engineering, and Mathematics Strand

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


12 – ABM/STEM
Pangkat IV

Mga Taga-Ulat: Bb. Mary Mae Cambe


Panes, Pamela Faye Beatrice Guro
Quema, Alexa Grace
Villa, Justine
Palmares, Karl Adrian
Pecoro, Ralph Daniel
Palmares, Rolf Andrej
Palomado, Ernest Christopher
Palmares, Liam Jacob

Pagsulat ng Lakbay Sanaysay


Lakbay sanaysay
 Tinatawag ding travel essay o travelogue.
 Uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay itala ang mga naging karanasan
sa paglalakbay.
 Tinatawag ding sanaylakbay na binubuo ng tatlong konseptor; sanaysay,
sanay, at lakbay. (Nonon Carandang).

Mga dahilan ng pagsulat ng lakbay – sanaysay

Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa kanilang aklat na "Malikhaing Sanaysay"
(2013), may apat na pangunahing dahilan ng pagsulat ng Lakbay - Sanaysay.
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Isang halimbawa nito
ay ang paggawa ng travel blog kung saan ito ay maituturing na isang libangan
at gayundin naman ay maaaring pagkakakitaan.
2. Layunin nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
Halimbawa nito ay ang travelogue.
3. Maaaring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng
espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya pagtuklas sa sarili. Halimbawa nito ay
Daily Journal o Diary.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan. Halimbawa nito ay ang ay ang ginawa ni Antonio
Pigafetta na isang Venetian iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni
Ferdinand Magellan. Siya ay nagtala ng mga datos na kanilang nakita sa
Pilipinas na may kinalaman sa mga halaman, hayop, klima, heograpiya at
kultura ng mga sinaunang Pilipino bilang ulat sa kanilang hari at reyna sa
Espanya.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay – sanaysay


1. Dapat isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi
bilang turista kundi isang manlalakbay at para sa isang manlalakbay ay
pangalawa na lamang ang maglibang, magliwaliw, at makita ang
magagandang tannawin sa ibat ibang lugar. Sinisikap ng isang manlalakbay na
na maunawaaan ang kultura kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at
maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Mahalaga ito
upang sa kanyang pagsulat ng lakbay-sanysay ay hindi lamang nakabatay sa
mga kuhang larawan ang mga impormasyong itatala kundi malalim niyang
mailalarawan ang mga bagay o lugar na kaniyang nakita o namalas.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay
ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang
paglalakbay. Tumutukoy rin ito sa pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa
mga naranasan sa proseso ng paglalakbay. Mahalaga ring maranasan ng
manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang-
kahuluguhan ang mga panyayari. Sikaping maisali ang sarili sa mga gawain
bilang bahagi ng imersiyon sa mga pangyayari. Sa pamamagitan ng pagsasagawa
nito, magiging makatotohanan at may lalim ang gagawin mong paglalahad ng
iyong mga karanasan.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
Mahalagang matukoy ang magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa
human interest. Ito ay maaaring ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng
paglalakbay. Maaaring bigyang pansin mismo ang pakikipagsapalarang
mararanasan sa paglalakbay. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makakatulong
upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-sanysay. Tinatawag itong
delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon habang naglalakbay.
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay
ay ang panulat, kuwaderno, at kamera. Mahalaga ring maitala ang pangalan ng
mahahalagang lugar. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang
lugar na nakita, nabisita, o napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa
sanaysay. Makakatulong din kung makukuhanan ng litrato ang mga lugar, tao o
pangyayari. Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng lokasyong kung saan
ito matatagpuan, maikling deskripsiyon o maikling kasaysayan nito. Iwasan ang
paglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon upang ito ay kawilihang basahin.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
Mahalagang maisama ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang
paglalakbay sa iyong lakbay-sanaysay. Ito ang magsisilibing pinakapuso ng
sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na
nakuha sa ginawang paglalakbay. Maaaring talakayin kung paano nabago ang
buhay o pananaw ng may akda, kung paano umunlad ang kanyang pagkatao
mula sa kanyang mga naging karansan, at mga karagdagang kaalamang
natuklasan mula sa ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
Mahalagang taglayin ng may akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.
Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at
malaman. Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na
iyong bubuoin. Maaari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma o
matatalinghagang salita upang higit na maging masining ang pagkakasulat nito.
Tiyaking makakakuha ng atensiyon ng mambabasa ang iyong susulating akda.
Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa
paglalatag ng impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon
ng lugar na pinuntahan. Maaaring ipakita ito sa tulong ng photo essay. Sikaping
hindi naktuon sa sarili ang mga larawan sa photo essay kundi ang mahahalagang
larawan na kailangan para mapagtibay ang sanaysay.
Laging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang na ang
lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng tatlong mahahalagang konsepto:
sanaysay, sanay, at lakbay. Kung saan ang sanysay na gagawin ay kasasalaminan ng
kasanayan sa paghabi ng mga aral ng buhay mula sa ginawang paglalakbay.
Ang pictorial essay

Pictorial essay
 Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o
panulat.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng pictorial essay
1. Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang
mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kuwento o
kaisipang nais ipahayag.
2. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta
lamang sa mga larawan kayat hindi ito kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangan makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa
interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
3. May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kayat hindi
maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa
paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang
layunin ng pagsulat o paggawa ng pictorial essay.
4. Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba
ay mga bata, kabataan, propesyonal, o masa upang maibatay sa
kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang
mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

You might also like