You are on page 1of 3

A. Pamagat ng Akda: Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad ( Eugene Y.

Evasco)
B. Pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
Pangyayari 1: Papunta sa Singapore ang awtor para sa isang kumperensiya sa mga aklat
pambata. Sa 14 na araw na pamamalagi nya sa lugar na iyon ay may isang araw lamang siya
upang mamasyal at ang natitirang 13 araw ay natitira upang makinig ng lektura.
Pangyayari 2: Maraming magagandang pasyalin at tanawin sa Singapore kung kayat di
malaman ng awtor kung saan siya pupunta at sulitin ang isang araw. Matagumpay ang urban
planning sa lugar na ito kung kaya’t mayroong Wi-Fi ang buong syudad ng Singapore at kahit Ipad
ay sapat na upang makakonek.
Pangyayari 3: Paglapag sa Changi at paglabas nya sa airport maalinsangang panahon ang
kanyang naramdaman. Sumakay na siya sa van patungo sa hotel na kanyang tutuluyan, ang
Elizabeth Hotel, na nakatayo sa isang burol sa Orchard Road. Sa mga mahilig sa libro at kumain ng
murang hainanese chicken rice maaaring puntahan ang Ngee Ann City.
Pangyayari 4: Nilakad lamang nila ang Orchard upang makatipid. At kumuha ng tourist pass
upang makalibot ang buong lugar. Unang nilang pinuntahan ay ang Funan Digital Life Mall, kilala
sa mga elektronikong kasangkapan.
Pangyayari 5: Ikalawang destinasyon ay ang The Arts House, isang dating lumang gusali ng
Parliament House. Malaki ang pagpapahalaga ng Singapore sa kanilang kolonyal na arkitektura
kaysa sa Pilipinas.
Pangyaayari 6: Sinilip ng awtor ang pagdadausan ng paglulunsad ng kanyang aklat at naglibot.
At sa kanyang paglilibot nakita nya ang mga guhit ni Yusof Gajah na nakapukaw sa kanyang
paingin. Marami siyang gusting puntahan at daluhan ngunit may hinahabol sila itinerary.
Pangyayari 7: Pumunta sa katabing museo at natuwa dahil sa libreng eksibit ng kasaysayan ng
Singapore River at ng Kontemporaryong sining Isalamiko. Pagkatapos ay pumunta sa Cavenagh
Bridge, kaisa isang suspension river at pinakalumang tulay sa Singaapore. Nakita din nila ang
eskultura ng mga bata na pinamagatang “ The First Generation”.
Pangyayari 8: May pa Breakfast Buffet kapag nanuluyan sa isa sa mga hotel sa Singapore. May
iba’t ibang putahe na patok sa panlasa ng mga parokyano.
Pangyayari 9: Umuunlad ang panitikang pambata ng Singapore dahil sa tangkilik ng kanilang
gobyerno. Pinopondohan ito upang buhayin ang sining ng kanilang bansa. Dahil sa magaandang
pagpapatakbo sa bansang Singapore ay tinagurian itong ikalawang Amerika dahil sa maganda ekonomiya.
Pangyayaari 10: Nagpasiya silang kumain sa Makansutra, ang tinatawag na Glutton Bay, at
tikman ang iba’t ibang putahe. Hindi tulad sa pilipinas ang tubig nila ay may bayad at mahal ang
ibang maiinom. Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay nagpasiya na silang umuwi sa hotel na
kanilang tinutuluyan na hindi masyadong kamahalan ang bayad.
Pangyayari 11: Namangha ang mga panauhin dahil kauna unahan ang Pilipinas sa Timog
Silangang Asya sa Produksyon ng Apps ng aklat pambata.

Pangyayari 12: Huling gabi sa syudad, pumunta ang awtor sa Chinatown at nakitang muli ang
shophouse, tradisyon ito ng mga tsino , ibabang palapag ay para sa negosyo at ang itaas naman ay
ang kanilang bahay o tinutuluyan. Napag alaman din nya na hidi lahat ng tao sa Singapore ay
mayayaman ang iba sa kanila ay kailangan magtrabahong muli mula sa pagkakaretiro upang
mabuhay at dahil sa taas ng bilihin.

Pangyayari 13: Siya at ang kanyang kasamahan ay nagkasiyahan upang sulitin ang huling
isang gabi sa syudad.

C. Mga Lugar na Pinuntahan

Lugar 1 : Singapore
Paglalarawan: Bansang paggaganapan ng kumperensiya na maraming magagandang
tanawin at may libreng Wi-Fi
Ginawa: Naglakabay at tinuklas ang iba’t ibang lugar

Lugar 2: Elizabeth Hotel


Paglalarawan: Nakatindig ito sa isang burol sa Orchard Road. Murang tuluyan para sa
mga dayuhan at may breakfast buffet
Ginawa: Paliguan at Pinagpahingahan ng awtor
Lugar 3: Funan Digital Life Mall
Paglalarawan: Kilala bilang bilihan ng Elektronikong kasangkapan
Ginawa: Naghanap ng ipad 2 at nag window shopping
Lugar 4: The Arts House
Paglalarawan: Dating lumang gusali ng Parliament House
Ginawa: Naglibot at namasyal
Lugar 5: Cavenagh Bridge
Paglalarawan: kaisa isang suspension river at pinakalumang tulay sa Singaapor
Ginawa: Namasyal

Lugar 6: Glutton Bay


Paglalarawan: May pagkakahawig ito sa Paluto sa may Ortigas ng Pilipinas
Ginawa: Kumain at namasyal

Lugar 7: China Town


Paglalarawan: shophouse ng mga Tsino
Ginawa: Naglibot at kumain

Lugar 8: Ngee Ann City


Paglalarawan: Bookstore at kainan
Ginawa: Bumili ng libro at kumain

D. Mga Taong nakasalamuha


Tao 1: Kanyang Kasamahan
Katangian: Mahilig sa Sining

Tao 2: Editor ng mga batang Singaporean


Katangian: May malawak na pag-iisip

E. Mga Kinain

Pagkain 1: Autentikong chicken rice


Paglalarawan: pambansang pagkain ng mga Singaporean na maitutumbas sa adobo o
sinigang ng Pilipinas

Pagkain 2: Yang Chao


Paglalarawan: Masarap na putahe

Pagkain 3: omelette
Paglalarawan: Masarap na putahe , dalawang uri oyster and onion

Pagkain 4: lumpia, tahong na may sarsa, pancit bonchon-styl fried chicken


Paglalarawan: Masarap na putahe

F. Mga ideyang naisip o napagtanto ng awtor sa kanyang paglalakbay

Ideya 1: Hindi masama ang pagpabalik balik sa isang lugar o sa isang bansa

Ideya 2: Malaki ang pinagkaiba ng Singapore sa Pilipinas pagdating sa pag coconserve ng


mga arkitektura

Ideya 3: Hindi mamamatay ang aklat kung mananaig ang nilalaman at kasiningan ng
nilalaman.

scf

You might also like